Bakit hindi natin bigyang pansin ang mga taong taglay ang dalawang katauhan? Ito ang naisipan ko nang makita ko ang isang taong anyong babae ngunit siya ay lalake. Ganoon na rin para sa mga babae na nais maging lalake.
*Dati, isinulat ko na ito sa isang randomness book ko at muli ko itong isusulat sa ibang pananaw naman.
Dalawa ang katauhan; dahil ito ang tingin ko sa taong mga nagpapalit ng kasarian mula sa dati nilang katauhan at niyayakap ang panibago. Dati silang matigas at pinipili ang maging malambot. At ang malambot ay pinipili na maging matigas, sa ganito natin ihambing ang mga taong ito.
Huwag kang masaktan kung sakaling may mababasa kang hindi arok ng iyong unawa. Dahil ang sulating ito ay upang iyong maunawaan ang bagay na nangyayari sa iyo ayon na rin sa basa ko sa mga taong ganito.
Noong unang panahon walang tawag sa mga katulad nila kundi ay itago ang mga katauhan na ganito, ngunit ngayon ay malala na sa pagkalantad ang mga kagaya nila, hanggang sa punto na binabago na nila pati ang panlabas nila. Niyayakap ang bagay na hindi kanila at inaako na sila ito, na ganito sila. May mga taong unawa ang sarili tungkol dito at mas marami ang hindi. May iba rin na sadyang udyok sa mga tao na gawin ang ganito. Kabutihan ba ang udyok? Sa udyok nagsimula ang lahat ng kasalanan ng unang tao, paalala lang. Sa pang-uudyok ay napasama ang tao at naging mahina. Ang mga nang-udyok sa kanila ay narito na sa paligid kasama natin ngunit hindi sila makikita ng ating mga mata ngunit kaya nilang gumawa ng mga bagay na iyong iniisip, at kaya ka nilang dalhin sa lahat ng uri ng kasalanan upang ikaw ay madala sa apoy ng kamatayan. Nais nila ng karamay sa kanilang mga kasalanan.
TANDAAN: Nais nila ng karamay sa kanilang mga kasalanan.
At dadalhin ka nila doon kung hindi mo kayang pigilan ang iyong sarili na maging makasalanan.
Ang mga katauhan na aking nais na bigyan ng paglilinaw ay ang mga tinatawag nating bakla at tomboy o sa may pinaiksi ay LGBT. Marami ang hindi tanggap ang mga ito at marami din ang kampi sa mga ito.
Ang hindi nila alam na isang uri ito ng PAGSUBOK. Opo, ito ay isang uri ng pagsubok sa mga taong ganito ang pagkilos. Oo nga at sila ay isinilang na may katauhang malambot at matigas, ngunit bahagi iyon ng katauhan o uniqueness of personality. Hindi mo lang alam unawain kung saan ka tatayo o lulugar dahil nahahati ang iyong pasya, ang iyong damdamin ang iyong sinusunod dahil iyon ang turo ng mga taong nakapaligid sa iyo. Ni hindi ka kumunsulta sa Lumikha sa iyo, kung tama ba ang landas na tinatahak mo? Nabigla ka ba?
Alam ko, naranasan ko rin ang bagay na iyan. Nakaramdam din ako ng ganoon, na akala ko ako ay isang tibo pero nakararamdam din ako ng pagkagusto sa mga kasalungat na kasarian kaya hindi ko pinayagan na maging isang tibo. Itinuring kong pagsubok ang bagay na iyon dahil wala namang ibang maaring maging problema sa buong pagkatao ko bukod doon sa skin allergy.
Kung sakaling ikaw ay bumagsak sa pagsubok, ibig sabihin lang nagtagumpay ang kasamaan na sumakop sa iyo noong ikaw ay nasa pagitan pa lamang ng iyong hindi maipaliwanag na pag-iisip o pakikipaglaban sa iyong katauhan. Pinagtagumpay mo na kuhanin ng masamang nilalang na hindi nakikita ang iyong kaluluwa. At ang mga taong nakapaligid sa iyo ang naging daan upang siya ay magtagumpay. Huwag mong kalimutan na ang lahat ng bagay ay isang pagsubok hindi lamang pag-ibig sa taong iyong iniibig ang dapat mong bantayan kundi ang iyong buong pagkatao. Dahil kung tanging bilin ay sundin ang kautusan ng Diyos hindi ng mga taong nakapaligid sa iyo. Maaari mo silang hingian ng tulong ngunit doon ka pa rin dudulog sa huling tagapayo ng buong sangkatauhan, ang Diyos ng lahat.
Oo, wala man nakasulat na hindi bawal ang pagiging dalawa ang katauhan ngunit hindi mo rin puwedeng igiit na tama ang gawaing makipagtalik sa kapwa mo kauri. Hindi mo ba nabasa ang talata sa Leviticus? Huwag kayong makipagtalik sa kapwa ninyo lalaki; iyan ay karumal-dumal. Levitico 18:22, Ang lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki ay gumagawa ng karumal-dumal na gawain at pareho silang dapat patayin. Levitico 20:13
Ngayon, anong kabutihan ang dala ng dalawang katauhan ang hatid sa iyo? Hindi ba't dinadala ka lang sa walang hanggang katapusang kalungkutan at pagnanais na tanggapin ng mundo, gayong ang bagay na iyong kahilingan ay nakasaad na masama sa mata ng Diyos na siyang nag-utos nito sa tao.
May isa pa akong nais mong pagnilayan;
Bakit winasak ang Sodom at Gomorrah?
Anong kasalanan ang kanilang ginawa?Sigurado akong alam mo ang sagot, kahalayan, kalaswaan, karumal-dumal na gawain ng buong bayan dahil sa pagnanasa sa laman. At kasama na doon ang sakit na kaakibat nito. Uso na ang sakit na walang kagalingan noon kung akala mo lang na nitong 1900 century lang lumitaw ang tungkol dito. Matagal nang alam ng Diyos ang tungkol sa mga ganoon kaya nga winakasan niya nang maaga, tapos ngayong henerasyon na tinatawag na MILLENNIAL ay minamahal na ito. Ipinagtatanggol at ipagtatangol sa mata ng tao at ng Diyos. Paano kung mapikon ang langit at biglang bumuka at maghagis ng nagbabagang apoy tapos doon tumapat sa mga kagaya nilang dalawa ang katauhan? Anong iisipin mo? Pero hindi pa mangyayari iyon dahil nakatakda na ang lahat ng nararapat.
Pero may pagkakataon ka pa upang maging malinis at talikuran ang iyong mga nagawa. Ang paraan ay pagsisisi. Nagawa mo na kaya ang bagay na iyon? Sigurado naman na hindi lang isa sa sampung utos ang binali mo dahil walang taong di-makasalanan. TULONG ITO HINDI PAMBABATIKOS. Okay? Okay!
Hoping an enlightenment will come to you after reading this part.
May God bless you for accepting his commandments to you life.
Share to people you think they need to know the truth about their self.
BINABASA MO ANG
ParaNormal ang Isipan Mo
SpiritualTama! paranormal ang isipan mo, basahin mo ito, sigurado mapapakamot ka na lang at mapapaisip sa katotohanan.