2.1 Kasakiman at talento

108 1 0
                                    

Kapangyarihan ng kasakiman.

Tama ang iyong basa. Hindi mawawala o maiaalis ang bagay na iyan sa tao lalo kung siya ay silaw sa mga bagay na maganda sa kaniyang paningin.

Ang kapangyarihan ng kasakiman ay sumasakop sa tao kung hindi niya ito kayang paglabanan. Lahat ng kaniyang makita ay kinukuha.

May mga bagay na tanging sa isang tao lamang makikita ngunit dahil sa pagnanais ng mga ibang nakakikita kaya ang isang dating taglay lamang ng isa ay nakakamit ng marami. Ngunit iba-iba pa rin ang ating taglay at ang bukod-tanging may taglay nito. Pansin mo ba? Ngunit hindi lahat ng mga may taglay ng ganito ay sa mabuti ginagamit. At dahil ipinagyayabang nila na mayroon silang kakaiba kaya nagiging masama ang bagay na taglay nila. Natanto mo ba?

Ikaw, anong taglay mo na mayroon din ang iba ngunit higit na naiiba sa kanila? O, ikaw ba ay ang taong wala niyon ngunit nais mong magkaroon ngunit kung nasa iyo na ay nagiging isang kasakiman na. Dahil ang dating talentong taglay mo ay pinalitan mo na at ninais ang taglay ng iba.

Katulad halimbawa na isa kang mananayaw ngunit nakapanood ka ng taong magaling umawit habang nagsasayaw. Unang papasok sa iyo na kung kaya niya kaya ko rin ngunit hindi madali ang dadaanan mo makamit lamang ang taglay ng taong nakita mo sa ganoon. Dalawa lang ang kahahantungan ng balak mo, mauwi sa wala o magtagumpay ka. Kung sakaling magtagumpay ka at hindi mapasama sa iyong kilos mabuti ngunit kung ikaw ay mauwi sa wala ikaw ay magiging mapait. Mawawalan ka ng gana dahil sa iyong natamo. Ngunit mayroong magsasabi sa iyo na hindi pa tapos ang laban, lumaban ka lang. At kung magawa mo na ay tagumpay ang kasunod. At darating sa punto na maghahangad ka uli ng panibago sa panibagong pagkakataon.

Oo nga't ang talento ay walang hanggan at ang mangarap ay walang katapusan ngunit narinig mo na ba ang tungkol sa tatlong tagapagsilbi ng hari na kaniyang iniwan at binilinan sa kanilang mga gawain. Lahat sila ay binigyan ng magkakaibang talento at iniwan pagkatapos. Ang talento ng bawat isa ay nasa kaniyang mga kamay ang kahahantungan. Ang una ay napalago ang kaniyang sampung talento, ang ikalawa ay ganoon din at ang ikatlo ay nanatili sa kaniyang nag-iisang talento. Nang sila ay siyasatin tanging ang huli ang walang naipakitang higit na katumbas kundi ay iyon pa rin.

Hindi masama ang humangad ng higit sa isang talento ngunit dapat alam mong gamitin ang mayroon ka bago ka humarap sa panibagong talento.

May mga taong nakalaan sa bagay na ganoon ngunit hindi doon ginagamit ang kanilang taglay na talento kundi ay dinadala nila ang sarili sa makamundong paraan. Ano ang ibig nitong sabihin? Ang talento ng tao ay iba-iba. Ngunit marami sa mga tao ay iniiwan ang kanilang talento at doon nagpupunta sa nakikita nilang may malaking halaga ang bayad. Kasakiman ang isang pumapasok sa kanilang puso at isipan. Natutupad iyon dahil ang tao ang gumagawa ng paraan at iginuguhit ng Diyos ang daan patungo doon, at marami ang tumutulad dahil may pera sa paraang iyon. Nakalilimot na hindi lahat ng tao ay nakalaan sa pagkanta o pagsayaw, pagtuturo, panggagamot, pagbubuo ng bahay, pag-aasawa at marami pa.

Negatibo ang iisipin mo sa sulating ito ngunit ito ang totoo.

At marami ang mga taong hindi alam ang kanilang patutunguhan kaya kahit matanda na ay hindi pa rin masaya sa kanilang napiling buhay. Dahil iyon sa kaisipang doon makukuha ang kaligayahan.

Isang mabuting batayan kung ano ang landas na tatahakin mo, ay noong ikaw ay bata pa, iyong gulang na hindi mo pa alam ang ibig sabihin ng ambisyon. Sa tuwing tinatanong ka ng magulang mo noon kung ano ang gusto mo paglaki. Iyon ang totoong landas mo ngunit nagiging mali dahil ang tingin ng magulang mo ay mali ang bagay na iyon.

May mga taong isinilang upang maging pinuno ngunit nakalilimot kapag tagal ng panahon sa kanilang posisyon. Hindi ba't nakatadhana ka doon? Ngunit niyong inabuso kaya sa bandang huli mawawala na sa iyo ang bagay na iyon. At may mga taong ipinapalit sa kanila, at doon kinukuha sa mabuti ang hangarin. Ngunit kung magiging sakim din siya sa kinalalagyan niya matutulad siya sa taong pinalitan niya. Ganiyan ang paraan ng Diyos sa mga taong pinaiiral ang kasakiman sa kapangyarihan.

May alam ka bang mga taong lantaran at patago ang mga gawaing masama? Sila ang mabuting halimbawa ng damdaming kasakiman na nag-umpisa sa matuwid at nauuwi sa masaklap na katapusan ng talento.

Taglay nila ang talento na hindi basta nakakamit ng lahat ngunit sila ay kinakain ng kasakiman kaya nasisira ng sarili nilang kapangyarihan. Ang paghahangad nila ay humigit sa nararapat.

Hindi lamang sa posisyon natatagpuan ang kasakiman, nasa pagkain din, at mga bagay na mula sa mundo.

At sinabi niya sa kanilang lahat, “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan.” Lucas 12:15

ParaNormal ang Isipan MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon