19. May Tama Ka!

41 1 0
                                    

May Tama Ka Kaya?

Ang akala ng tao lahat ng kilos niya'y wasto, ngunit si Yahweh lang ang nakasasaliksik ng puso. Mga Kawikaan 21:2

* * * * *

Kawikaan na hindi yata alam ng maraming tao. Aminin mo, akala mo rin na minsan sa buhay mo iniisip mo na tama ang mga pasya mo! Na tuwing may naisipan kang bagay na gagawin ay gagawin mo dahil tingin mo nga ay tama. O kaya naman ay tuwing may kaalitan ka at tingin mo nasasapawan ka ay mag-iisip ka ng bagay na higit kaysa sa kayang gawin ng kapwa mo.

Hindi lamang sa mga bagay na kayang gawin o magawa ng isang tao ang mga ito kundi sa tinatakbo ng isipan. Kung minsan karapat-dapat ang bagay na iyong naisip at kung minsan ay walang kuwenta ito ngunit pilit na igigiit na dapat itong magkaroon ng puwang sa paligid o sa buhay ng tao.

Totoo ang nakasulat na kawikaan. Si Solomon na Hari ng Israel noon ang gumawa ng nga ito, at dahil na rin sa kahilingan niyang magkaroon ng mabuting katalinuhan imbes na hilingin niyang mabuhay ng mahaba. At siya ay naging tanyag sa buong mundo bago pa man siya masadlak sa pagkakasala nang umibig siya sa mga babaeng sumasamba sa mga diyos-diyusan at sumama sa mga ito sa gawing kinasusuklaman ng Panginoon niya. Kaya nang pumalit sa trono ang kaniyang mga anak at mga anak ng mga ito ay naging malala ang kalagayan ng buong lupain nila at iyon ay ang pinakamasaklap na panahon nila bago sila magkalat sa buong panig ng mundo at maiwang nakatiwangwang ang lupain nila. Pitumpung (70) taon iyon bago dumating ang Panginoong Cristo Jesus. Maunlad ang lupain nila noon bago nauwi sa matinding kapighatian. Nakasulat ang lahat sa mga pahiwatig ng mga propeta na siyang nagbabala sa kanila noon. Ang iba sa mga ito ay hindi nakasulat sa mismong aklat na biblia, pero ayon sa mga napa panood kong ginawang video ang ibang bahagi ng kuwento ay nasa mga bansang napuntahan nila at pinagtapunan sa kanila bago muling pabalikin sa kanilang sariling lupain.

Katulad ng kuwento ni Xerxes na ginawang pelikula na may pamagat na King Xerxes yata, nakalimutan ko kung tama. Wala kasing mahanap na ganiyan. Siya ay nasa book of Daniel at sa book of Esther. Anak siya ni King Darius na mula sa lupain ng Persia o Iran sa kasalukuyang panahon. Siya ay isang mabuting halimbawa na akala mo ay perpektong nilalang. Tingin niya sa sarili niya ay panginoon na hindi mamamatay. Bilib siya sa mga nagagawa niya at dahil bawal biliin ang utos ng hari kaya ganoon ang tingin niya sa sarili niya. Pero dumating ang katapusan niya, namatay siya dahil tinamaan siya ng sibat o pana.

Maging sa panahong ito, marami pa rin ang mga taong ganito ang tingin sa sarili. Akala mo wala silang kamalian o hindi sila nagkakamali at hindi kailanman kamalian ang turing nila sa mga pagkilos nila. Minsan pagbubuhat ng sariling upuan ang ginagawa ng iba kasabay ng palakpak sa sarili. Mayaman ka man o mahirap ay pantay lang ang lahat oras na dumating na ang tamang panahon. Lahat ng iyong pinagpaguran ay mauuwi lang sa wala. Hindi mo madadala maging sa hukay dahil huhukayin iyan ng mga magnanakaw oras na malaman nilang may kasama kang ginto o mamahaling bagay sa kabaong mo. Ang masaklap, paano kung basagin pa nila ang kalansay mo pagkatapos nilang makuha ang gusto nila?

Iyan ang nais kong ibahagi tungkol sa mga bagay na Akala Natin ay Tama Ngunit Wala Sinomang wasto maliban sa Lumikha sa Tao.

ParaNormal ang Isipan MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon