Nawiwili sa Paggawa

54 1 0
                                    

Nawiwili sa Paggawa

Ang tao ay nawiwili sa paggawa ng masama, at dahil hindi siya kinakastigo kaagad ng Panginoon upang magtanda, [Ecclesiastes]. At, kapag dumating na ang tamang panahon para sa kaniyang mga kasalanan, hindi na niya maalala ang mga ito. Nagiging masama pa ang Panginoon na walang kinalaman sa kaniyang mga ginagawang kamalian.

Nang likhain ang tao, hindi kasama ang sumpa dito. Ang sumpa ng kamatayan ang may dala ng lahat ng kasakitan na iyong nararanasan. Hindi ibinibigay ang sakit kundi ay pinahihintulutan, na kumapit sa taong sinusubok upang husgahan. Sino ang huhusga? Ang walang ginawa kundi sirain ang tao. Tulad ni Job, nang siya ay masumpungang mabuti sa paningin ng Panginoon, hiningi ng Diyablo ang karapatan na siya ay subukin upang malaman ang kaniyang tunay na hangarin. Hindi pinahintulutan na siya ay paslangin, ngunit dito nasubok ang kaniyang katatagan at paniniwala sa kaniyang Panginoon, [Job]. Ganoon din ang mismong Cristo, hindi man kasing saklap ng buhay ni Job ang nakasulat sa patotoo, madali pa rin malaman na siya rin ay dumaan sa matinding panunubok ng Diyablo, na ilantad niya ang kaniyang sarili sa harap nito.

Ngayon naman ang tao, na siyang may pinaka hihigit na kalayaan kumpara sa ibang nilalang. Nasa kaniya ang kapangyarihan sa kaniyang nasasakupan, ngunit dahil sa kalayaan naliligaw ng daan.

Inaakala niyang siya na ang pinaka makapangyarihan, kung walang pumapalag sa kaniyang kagustuhan. Nagiging daan upang kaniyang kalimutan ang mga kasunduan. Nawiwili na siya sa paggawa ng kasalanan. Hindi na niya alam ang mali sa tama, dahil hangga't sinusunod niya ang kaniyang kagustuhan, tumataas ang kaniyang mga pangangailangan, [Exodus, Ten Commandments]. Dati sa pagkain at tirahan lang, nang lumaon pati mga alipin at lupain kinakamkam. Ang masaklap pa niyan pati hindi niya asawa ay kinukuha niya. Nang dahil sa ginawang pagsubok ng Diyablo, nawasak ang buong mundo. Habang sila ay humahalakhak sa tuwa na kanilang ginawa.

Kung minsan hindi mo alintana ang maliit na bagay na iyong ginagawa, nagdadala na pala sa iyong buong pagkasira. Kaya kailangan mong matutong magtimpi, hindi lamang sa isipan kundi pati ang iyong sarili.

Sa sandaling nakagawa ka ng mali, unang mong malalaman na ikaw ay inuusig ng iyong budhi.
Ngunit marami ang nagkikibit-balikat, ginagawang dahilan na kasalanan mo rin naman!
Ang unang nakipagbati ang taong may unawa. Ang ayaw makipagbati ay taong sarado pinto at bintana.
Makunat pa sa balat ng elepante, ang masama pa ay isusumpa pa ang mabuti!
Samantalang ang mabuti, ipagdadasal siya upang bumuti.
Kabaliktaran naman ang isipan ng masama ang budhi.

May nais akong ilagay, mga kagawian ng mga taong walang kaalaman.
Hindi dahil sila ay walang pinag-aralan, ngunit nagpapauto sa utos ng tinig ng sanlibutan.

Laganap sa kahit saan ka tumingin, mga taong sawa na sa paggawa ng mabuti. Hindi nila alintana ang mga ito dahil sarado ang kanilang unawa tungkol dito. Dahil kung bukas ang kanilang isipan tungkol sa masama, hindi sana sila biktima sa pagpapakalat ng bagay na walang katuturan. Akala ko noon mabuti na ako, nang magising ako sa katotohanan natuklasan kong kasama ako sa kasuka-suka. Daig mo pa ang batang sutil at matigas ang ulo sa tuwing gumagawa ka ng bagay na taliwas sa totoo. Nag-iisip ng masama at nagbabalak gumuhit ng malaswa. Sa pintura man o sa letra ay walang pinagkaiba. Galit ka man sa letra o nagpapanggap na ibang tao habang natutuwa at naiiyak sa iyong ginagawa, iisa lang ang totoo tungkol dito, dala lamang ng iyong kalayaan ngunit puro walang kapakinabangan sa buhay na walanghanggan.

Hindi lamang drug addict ang adik, pati ang mga taong ayaw tumigil sa kanilang makadaigdig na pagnanasa. Hindi lamang hubad na katawan ang masama, pati ang lahat ng bagay na nagdudulot sa iyong pagkasira. Galit ang taong ayaw lumayo sa mga gawaing makadaigdig sa taong nagsusumikap tupdin ang totoong kabutihan.

Sa payak na pangungutya, isang bagay na iyon na iyong pagkasira.
Sa payak na pagkainis, nakabubutas na iyon sa iyong kasuotang malinis.
Sa payak na pagkainggit, nababahiran na ang iyong suot at mabilis itong magiging pusikit.
Sa payak na kayabangan, madudumihan na ang iyong buong kasuotan.
Kahit ang paghahangad sa maling paraan, nakawawasak ng daanan.
Hindi mo iyon makukuha kung ang habol mo ay ang kagandahan ng lupa.
Hindi mo iyon makakamit kung ang hanap mo ay makaakit.
Hindi ka nga puwedeng kumain nang sabay sa hapag ng Panginoon at sa hapag ng Diyablo.

Kung nabasa mo na ang Laman ng Panaginip ko, malalaman mo ang tungkol sa Puno na May Dalawang Uri ng Bunga.

Hindi nagbubunga ng masamang bunga ang mabuting puno. May ganitong uri ng puno ngunit ito ay walang kuwentang magbunga.
Hindi ninoman nanaising bumili ng bulok at may sira na bunga.
Kung dito ka bumibili ng bunga, bulok na uri ang kinakain mo.
Maganda lang sa labas ang puno ngunit hindi iyon ang totoong makukuha dito.

Kung nababasa mo ito, malalaman mo na rin kung ano ang ibig sabihin ng Puno ng Igos, na nakasulat sa mga aklat ng mga Apostol.
Ang Puno na walang bunga ay isinusumpa nang ito ay mamatay na lang at itapon sa apoy.
Ang Puno na maganda ang bunga ay tinatabasan upang dumami pa ang bunga, dinidiligan at inaalagaan.
Ang Punong bulok at matino ang bunga ay pinababayaan at kung minsan ay tinutuluyan nang hindi na lang makahawa.

Ikaw, anong uri ng Puno ka?

Huwag mawiling gumawa ng mali. Hindi lahat ng ayos ay ayos na. At, hindi lahat ng maaari mong gawin ay katanggap-tanggap na. Patunayan mong masunurin ka at hindi suwail na taga-sunod ng Cristo. Ang masunurin kumakalas na sa daigdig hindi kumakapit pa rin dito tulad ng mga kapit-bahay mong nawiwili sa pagkakalat ng baho at buhay ng ibang tao. Ang kalayaan ng tao ay ginagamit sa paggawa ng mabuti, hindi sa paggamit nito upang gumawa ng masama at magpakalat ng masama.

Huwag pagsawaan ang makakita ng kabutihan. Huwag masanay na humarap sa mga kasamaan at karahasan. Iyan ang laganap sa bawat paglingon. Imbes ay, maging una sa pagtalikod sa gawaing masama at humarap sa araw-araw na kabutihan. Paano mo gagawin iyon? Umpisahan mo sa iyong kinalalagyan at iyong sarili.

Huwag mo rin angkinin ang bawat kilos mo, dahil ang lahat nang narito ay hindi iyo.

Walang Orihinal sa mundo, maliban sa Gumawa nito.
None Original in the world, except to the Maker of it.

ParaNormal ang Isipan MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon