23. Ang Katawan na Nag-aaway-away
1 Mga Taga-Corinto 1:10-17
10 Mga kapatid, ako'y nakikiusap sa inyo, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, magkaisa kayo at huwag magkabaha-bahagi maging sa isipan at maging sa layunin.
11 Sapagkat ibinalita sa akin ng mga kasamahan ni Cloe na kayo raw ay nag-aaway-away.
12 Ito ang tinutukoy ko: may nagsasabing, “Kay Pablo ako;” may nagsasabi namang, “Ako'y kay Apolos.” May iba pa ring nagsasabi, “Kay Pedro ako,” at may iba namang nagsasabi, “Ako'y kay Cristo.”
13 Bakit? Nahati ba si Cristo? Si Pablo ba ang ipinako sa krus para sa inyo? Binautismuhan ba kayo sa pangalan niya?
14 Salamat sa Diyos at wala akong binautismuhan sa inyo maliban kina Crispo at Gaius, 15 kaya hindi ninyo masasabing kayo'y binautismuhan sa aking pangalan.
16 Ako nga rin pala ang nagbautismo sa pamilya ni Estefanas. Maliban sa kanila'y wala na akong natatandaang binautismuhan ko.
17 Sapagkat isinugo ako ni Cristo, hindi upang magbautismo kundi upang mangaral ng Magandang Balita. Ipinangaral ko nga ito, ngunit hindi sa pamamagitan ng mahusay na pagtatalumpati at karunungan ng tao, nang sa gayon ay hindi mawalan ng kabuluhan ang pagkamatay ni Cristo sa krus.
Kapag sinasabi ng isa, “Ako'y kay Pablo,” at ng iba, “Ako'y kay Apolos,” hindi ba't palatandaan iyan na kayo'y namumuhay pa ayon sa laman? 1 Mga Taga-Corinto 3:4
- - - - - Ito ang Paliwanag - - - - -
Nababasa naman ninyo siguro ang mga salitang sinabi ni Pablo o Paul o Saul sa mga taga-Corinto?
Ang bagay na kaniyang sinabi sa sulat ay isang malaking suliranin ng buong mundo ngayon. Nahahati ang Katawan ni Cristo sa pagiging mapagmataas ng iba, at sa pagkalimot sa turo na ibinahagi ni Pablo sa mga tao.
Si Pablo ay mula sa lipi ng mga Israelita, ang bayan na pinili ng Panginoon. Pero, lumabas siya ng bansang Israel upang ipamahagi ang tinapay, ang Mabuting Balita tungkol sa Cristo. Lahat ng bagay na katuruan sa kanila ay kinalimutan niya upang ibahagi ang turo mula sa Cristo. Wala siyang binabali sa pagsunod sa ating Cristo Jesus.
Sa piling ng mga Judio, ako'y namumuhay tulad ng isang Judio upang mahikayat ko sila. Kahit na hindi ako saklaw ng Kautusan, nagpailalim ako rito alang-alang sa mga nasa ilalim ng Kautusan, upang mailapit ko sila sa Diyos. 1 Mga Taga-Corinto 9:20
Sa piling naman ng mga Hentil, na hindi saklaw ng Kautusan ni Moises, ako'y naging parang Hentil upang sila'y mahikayat ko rin. Subalit hindi ito nangangahulugang hindi ko sinusunod ang mga utos ng Diyos, sapagkat ako'y nasa ilalim ng kautusan ni Cristo. 1 Mga Taga-Corinto 9:21
Sa piling ng mahihina sa pananampalataya, ako'y naging parang mahina rin upang mahikayat ko sila. Ako'y nakibagay sa lahat ng tao upang sa lahat ng paraan ay makapagligtas ako ng kahit ilan man lamang. 1 Mga Taga-Corinto 9:22
Ang pagkakaroon ninyo ng usapin laban sa isa't isa ay isa nang kabiguan sa inyo. Bakit hindi na lang ninyo hayaang gawan kayo ng masama? Bakit hindi na lamang ninyo hayaang madaya kayo? 1 Mga Taga-Corinto 6:7
Kaya ang mga tao na walang tigil sa pagmamataas tungkol sa kaalaman, na sumusunod sila sa tama kahit na sa harap ng iba ay hindi tama, pare-pareho lang silang nagkakasala dahil sa awayan tungkol sa kanilang sariling paniniwala.
Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at ipinagkaloob ng Diyos sa inyo? Hindi na ninyo pag-aari ang inyong katawan; 1 Mga Taga-Corinto 6:19
Walang itinayong RELIGION si Pablo, ang mga taong nasa ilalim ng katuruan niya ang gumawa ng paghihiwalay, at dahil noong panahong iyon, naging mas masama pa ang mga tao higit sa inaasahan niya. Namatay siyang nasaksihan ang lahat ng ito pero wala na siyang magagawa doon dahil nanaig ang kasamaan ng mga hindi naniniwala sa turo niya tungkol sa Cristo.
Iyon ang nais ng huling panahon, ngayon, na magkaroon ng iisang RELIGION, na tinatawag na ONE WORLD RELIGION. At dahil gawa ng tao ang bawat sector ng kanilang kinabibilangan. Nais ng tao na maging kasapi lamang ng tinatawag nilang faith and brethren fellowship tulad ng mga ito:
1. Catholicism (all branches of Christianity)
2. Orthodoxism
3. Protestantism (all branches of Christianity)
4. Evangelicalism
5. Islamism (all branches)
6. Buddhism (all branches)
7. Hinduism (all branches)
8. Anglicanism
9. Lutheranism
10. Methodism
11. Mormonism
12. JudaismLahat ng iyan ay nasa listahan ng binubuong kasunduan tungkol sa iisang RELIGION.
Ang nabasa ko naman sa sulat ni Pablo sa mga taga-Corinto, mabuti na lang wala siyang masyadong bininyagan dahil kung marami siyang bininyagan baka may sarili na rin siyang "religion name". Baka kasama ang salitang Pabloism o Paulism o Saulism dahil siya ang nagpakalat ng Mabuting Balita tungkol kay Cristo sa lupain ng mga Hentil. Walang bagay na nakapangalan sa kaniya, pero si Pedro Simon, ibinigay sa kaniya ang isang Templo na nasa Roma. Templo na puno ng mga rebulto.
Ang panawagan o pakiusap niya noon ay hindi dapat mag-away-away kundi ay magmahalan at mag-unawaan. Kabaliktaran ito sa turo at bilin niya. Hindi mo ba nakikita ang ginagawa ng mga Religious Group sa panahon ngayon? Scorning each other because they do not believe from the belief of someone. Ang pinagtatalunan ay tungkol sa pagkain, sa kagawian na dapat makita sa isang tao, ang pagsusuot ng damit, ang paglalagay ng ranggo sa isang tao o gawain mapababae o lalake man, lahat ng kanilang iniisip ay puro walang katuturan, puro kasiraan.
Ngayon, may isang taong nakaisip na gawing pagkaisahin ang watak-watak na pananampalataya at paniniwala, ang problema, siya ang tinaguriang Babylon ng Revelation. Anong gagawin mo ngayon? Nasa pulong na ang mga ito, decision na lang ang magiging katuparan.
Ang nakukuha ko naman sa mga testimony at prophecy ng iba't ibang tao, the Lord Jesus said, "Magkaisa sa pananampalataya".
Iyong nakalakip na picture sa itaas, isa lamang iyong panawagan sa bansang India. Dahil saanmang bahagi ng mundo ay watak-watak ang iglesya. Kahit dito sa Pilipinas ay ganoon din naman! Kapag may nakilala kang tao at ang naging usapan ninyo ay tungkol sa paniniwala, away ang kahahantungan nito dahil ayaw padaig ng isa sa isa. Lumilitaw ang baho at kamangmangan ng tao. Katulad ng sabi ni Pablo, sinisira nila ang katawan ni Cristo.
Matagal ko na itong nais na isulat at sana ay mabasa ng iba.
Walang totoong religion! Dahil lahat ng mga tumutuligsa ay hindi tama ang gawain. At lahat ng dito lang naniniwala ay maling hakbang. Wala sa binuong religion ng tao ang totoong kasagutan. Sinisira lamang nito ang pagiging isang katawan at hinihiwalay ang bahagi nito dahil tingin niya taliwas sa mga gawain na nais niya.
Itinanong ko sa pamamagitan ng dasal ang tungkol dito, dahil ako man ay hindi ko alam kung sino ang dapat kong paniwalaan sa kanila. Nang nagbukas ako ng phone at ma-connect sa internet, ang isang lumabas sa mga notification ko ay ang tungkol sa site na Think About It. Sa YouTube, binuksan ko at kasunod kong nakita ang isang video. Hindi ako follower ng user pero dahil sa video na iyon, pinindot ko ang subscribe. Ang laman ng sarili niyang prayer ay ganoon din sa nilalaman ng aking panaginip.
The word there is all about His ministry not any human ministry.
Iyan ang nais kong ibahagi, mula sa aking naranasan.
BINABASA MO ANG
ParaNormal ang Isipan Mo
SpiritualTama! paranormal ang isipan mo, basahin mo ito, sigurado mapapakamot ka na lang at mapapaisip sa katotohanan.