14. Ang Paglilingkod
- ay hindi Kusa na magmumula sa iyo kundi ay sa Panginoon nating lahat, Siya ang nakakikita ng puso ng tao upang siya ay maluklok sa isang posisyon anomang uri ito. Magkaiba ang paraang itinulak ka upang maging pinuno dahil ikaw ang tingin ng mga kakilala mo sa grupo o opisina na karapatdapat sa paraan nang pagpili ng Panginoong lumikha ng lahat na makababasa ng iyong puso at isipan.
Kung ang paglilingkuran ng isang tao ay malakihan at kinakailangan ng direktang patnubay ng Maykapal, Siya mismo ang gumagawa ng daan sa buhay ng tao patungo doon. Maliban sa mga taong ganoon din ang hangarin at nagagawang manaig dahil sa paraan ng pandaraya. Nangyayari iyon lalo kung wala namang matino sa lahat ng pagpipilian at pare-pareho lang ang paraan na kanilang alam. At naranasan na natin ang ganoon kaya alam na natin kung sino-sino ang mga nagpapanggap lang at kung sino-sino ang tunay na paglilingkod ang hangad.
Hindi isang uri ng hanap-buhay ang naging isang kawani ng pamahalaan, hindi ito panghabang-buhay na tungkulin. Naging kagawian na lang ng mga tao na magbigay ng benepisyo dahil sa mga taong pagdating ng paglubog ng araw nila ay walang matakbuhan sa kanilang pangangailangan bukod sa wala silang pantustos ay wala rin silang pananampalataya sa Panginoon kaya hirap silang humiwalay sa kanilang "career service" na may bayad kada kilos.
Nabasa mo na ba ang tungkol sa Mga Hari ng Israel? Isa silang mabuting halimbawa ng tungkulin na mula sa pamamaraan ng Panginoon. Siya ang nagtatalaga sa kanila ngunit ang tao ay hindi marunong magtanda at nakalilimot sa kanilang mga naunang kasalanan at nawawalan ng pananampalataya kaya bumabalik sa mga gawing masama. Hindi fiction ang kuwento nila upang balewalain lang ng mga tao. Iyon ang isang bahagi ng kuwento na hindi madaling unawain ng mga hindi mahilig sa sinaunang kuwento o masasabing bakas ng lumipas. Ang isang kuwentong buhay ng tao ay nagiging bakas ng lumipas kapag ito ay pumanaw na at kahalintulad ng kuwento rin ng iba. Nauulit lang ang paraan ng buhay ngunit iilan lang ang kuwentong nalulutas dahil sa pananampalataya.
Sabi nga sa napanood kong gospel teaching; huwag maging Reliheyoso bagkus ay maging Kristiyano.
Ano ang kaibahan?
Ang Reliheyoso - sa religion o samahan o congregation o church name lang nakapanalig. Sa pamamaraan na nasa mga gawain at sa mga tradisyon naniniwala. Sa English, Religious. Matatakutin, laging nakaasa sa mga bagay na akala nila ililigtas sila. More on things dependent.
Ang Kristiyano - direkta sa Panginoon ang paniniwala hindi sa mga kung ano-anong bagay na nagpapaalis at nagpapadala ng suwerte. Sa dasal at katahimikan ng loob siya naniniwala, sa kapangyarihan ng Panginoon, ng Cristo. Siya lang ang pinaniniwalaan. May delubyo man o sakuna o mga kaparusahan sa isang bayan ay hindi natatakot.
At naniniwala ako sa kaniya, dahil hindi naman kailangan ng pangalan ang isang pananampalataya. Ang kailangan ng mga tao ay paniniwala, na sila ay maliligtas sa kahit na anong kapahamakan, anomang oras. Kung ang paniniwala ng tao ay doon lang sa kaniyang kinabibilangang "simbahan o sambahan" walang-duda na iyon ang inaasahan niyang magliligtas sa kaniya. Ang problema pa, hindi mo madadala ang "simbahan" sa loob ng bahay kaya ang iba ay gumagawa ng LOGO at inilalagay sa kanilang damit o gamit. Lantad na ito ang paniniwala nila hindi ang Panginoong Cristo.
Tungkulin ng mga Pinakapunong-pari
Sa lupa, (noon)
Ang bawat pinakapunong-pari ay pinili mula sa mga tao at inilagay sa ganoong tungkulin upang maglingkod sa Diyos para sa mga tao. Siya ang nag-aalay ng mga kaloob at mga handog para mapatawad ang mga kasalanan. Hebrew 5:1
Sa langit, (ngayon)
Kaya nga, magpakatatag tayo sa ating pananampalataya, dahil mayroon tayong Dakilang Pinakapunong Pari na pumasok na sa kalangitan, doon mismo sa harap ng Diyos. Siya'y walang iba kundi si Jesus na Anak ng Diyos. Hebrew 4:14
Noon, ang paraan ng pag-aalis ng kasalanan ay sa pamamagitan ng mga pinakapunong pari. Sila ang nag-aalay ng dasal at gumagawa ng kinaugaliang ritwal upang ipadala sa Amang nasa langit ang kahilingan ng isang taong nagkasala. Ito ang isang halimbawa ng Lumang Tipan, at nabago iyon nang dumating ang Cristo.
Ngayon, ang mga taong nagkasala na mismo ang siyang gagawa ng paraan upang sila ay mapawalang-sala sa kanilang mga kasalanan, hindi kailangan magdala ng mga handog na kambing o baka o tupa o kalapati sa pagbabayad ng kasalanan, kundi ay tanging dasal ng pagsisisi at paghingi ng kapatawaran direkta sa ating Diyos at Panginoon sa pamamagitan ni Cristo, ang tagapamagitan.
Hindi ba kapag nagdadasal ang turo ay;
"Ama naming nasa langit" ang simula kasunod ng "papuri sa Kaniya" depende sa taong nagdadasal kung paano niyang gagawin ang mga salita, kasunod ng "kahilingan sa araw-araw", kasunod ay "paghingi ng tawad", kasunod ang "pagtawid sa pangalan ni Jesus bilang: aming tagapagligtas sa kasalanan."
Hindi na dadaan sa "pari" dahil umakyat na sa langit ang "tunay na pari sa lahat ng mga pari" na siyang naghuhugas sa ating mga kasalanan.
Ang pagtanggap lang sa Cristo ay isang malaking pagbabago na sa buhay ng tao.
Nasabi mo na ba sa "Father God" ang iyong mga kasalanan? Huwag sa "father priest" dahil hindi ka niya itatawid sa langit, hindi siya makalilipad o makapagbibigay ng solusyon sa iyong buong buhay.
Mahihigitan mo pa sila kung magawa mo na ang totoong pagsunod sa Kaniya, dahil sila, doon pa rin sila susunod sa kinasanayan at turo ng mga sinaunang mga pagano.
Iyan ang paraan ng mabuting pagsunod at paglilingkod.
BINABASA MO ANG
ParaNormal ang Isipan Mo
SpiritualTama! paranormal ang isipan mo, basahin mo ito, sigurado mapapakamot ka na lang at mapapaisip sa katotohanan.