12. Ang Kamatayan
Madalas sabihin ng ibang tao kapag ang namatay ay isang taong mabuti, "ang bata pa niya kinuha na kaagad ni Lord," o kaya naman ay sa mga taong hindi pa umabot ng 50, 60, 70, 80, 90, man lang ay biglang namamatay, iniisip ng marami na kinuha na sila.
Hindi mo ba naisip kung bakit napaaga ang kanilang buhay?
Ako, mayroon akong nais na ibahagi.
Hindi lahat ng namamatay na bata o wala pa sa takdang panahon ay kinuha ni Lord o anoman ang tingin mo dito. Kung kilala mo ang isang tao, malalaman mo ang tunay na dahilan niyon. Pero kung sinabi lang sa iyo na ganito siya, ganoon siya, mababaw na kaalaman lang iyon sa panig ng taong nagbigay sa iyo ng kaalaman tungkol sa taong iyon.
Hindi ba ninyo napapansin na mas talamak ang kamatayan na dulot ng ibang tao kaysa dulot ng katandaan? Dulot ng maling pagkain o sobrang pagkain, dulot ng masyadong "adventurous type image" sa iba't ibang paraan, medicine, nature tripping, surgical and beauty enhancement, at kung ano-ano pa.
Kapag namatay ka sa mga paraang iyan, ibig lang sabihin na nasa likod mo ang masamang espiritu na nais na idamay ka sa kung anoman ang nais niya. Kung nasa kalsada ka, hahanap iyon ng paraan na makagawa ng dugtungan upang mangyari ang aksidente, ang lalabas na masama ay ang taong nakaaksidente, ang biktima ay ang mga taong sugatan. Bukod pa doon, hindi ka rin sigurado na ang mga taong nasa aksidente ay walang nagawang kasalanan dahil kalat sa buong paligid ang lahat ng uri ng pamamaraan na magdudulot sa tao na magkasala. Kahit ang simpleng nakabanggaan mo lang at nagalit sa iyo ay panibagong uri ng kasalanan, sa kaniya, pero kung pumatol ka, dalawa na kayo.
Ang tao rin ang dahilan ng kamatayan niya dahil sa kapabayaan at kahangalan.
Ang mga taong namamatay naman na tulog at walang palatandaan ng kahit anong sakit mula noon bago siya panawan ng buhay ay maituturing na walang nagawang kasalanan o madalas na humingi ng tawad sa kanilang napakaliit na kasalanan, kaya namatay sila sa kanilang takdang panahon. Sila ang isang mabuting halimbawa ng mga taong aakyat sa langit dahil nakasulat iyan sa biblia at sa ginawang aklat ni Enoch upang patunayan na ang mga taong nakatapos ng kanilang takdang panahon ay makakasama doon kung saan ay tinawag na tahanan ng mga napili o matuwid.
Nakasulat din kung saan napupunta ang kaluluwa ng mga taong namamatay:
1. Lugar para sa mga namatay na makasalanan ay dumidiretso sa kaparusahan, sa unang pagkakataon. May apoy.
2. Lugar para sa mga namatay mula sa kamay ng mga makasalanan, ay nakahiwalay sa kanila ngunit kung pareho ng paraan ang naging kamatayan ng taong pumatay sa kanila makakasama nila iyon. (Hindi ko alam kung may apoy o wala.)
3. At Lugar para sa mga taong namatay sa kanilang takdang gulang, ay nakahiwalay, at doon ay may tubig na maglilinis sa kanila saka dadalhin sa panibagong lugar na tinatawag na Paraiso.
Isipin mong mabuti, kung ang isang tao ay namatay na at walang nagawang pagsisisi sa mga kasalanan, sa lahat ng uri ng kasalanan, doon kaya sila mapupunta sa Paraiso o doon sa gitna? Hihingi ng petisyon sa kanilang maagang pagkamatay?
Walang sinoman ang nais na mapunta sa apoy, pero marami ang gumagawa ng masama habang nabubuhay.
Kakaunti ang mga taong namamatay sa katandaan na umabot sa 100 pataas kaysa namamatay na 18 taon pataas.
Ang mga bata na namatay ay hindi na kailangan pang itanong kung saan sila mapupunta, doon sa may tubig, maliban kung sila ay lumaki na makasalanan, doon din sa lugar kung saan napupunta ang mga pangkaraniwang makasalanan.
Katulad ng binasa at napanood kong testimony about heaven and hell, marami iyan, lahat ng bansa mayroon hanapin mo lang, nakakita ang isa sa kanila, sa totoo lang halos pare-pareho sila ng testimony, na may bata sa sunugan ng kaluluwa. 12 taong gulang at ang iba ay 8 taong gulang. May iba rin na buhay pa ay nakasanla na ang kaluluwa doon o sa ibang tawag ay nakakulong na doon. Dahil sa maagang pagkamulat sa makamundong paraan ng telebisyon kaya sila napunta doon. Ang panonood ng cartoons at ibang movies with fighting scenes na ginagaya at hinahangaan ay isang factor ng kasalanan.
Kaya kung ang iniisip ng mga tao tungkol sa isang tao na sila ay maagang kinuha ng Diyos, mag-isip-isip muna kayo kung totoo ang bagay na iyon. Dahil sa pagkakaalam ko ang taong kinukuha ng Diyos ay buhay tulad ni Enoch, at ni Elijah na muling isinilang bilang John the Baptist. Doon mo iyan mababasa sa Kings at sa Chronicles. At ang isang katibayan din na ang mga namatay na tumanda tulad ni Elisha, na dating taga-sunod ni Elijah, ay nananahimik nang mapayapa kagaya ng sinabi niya nang ipatawag siya ng isang inutusan ng hari, na kumunsulta at humanap ng taong kumakausap ng mga patay dahil may nais silang itanong at si Elisha ang naisip niyang ipatawag imbes na dumirekta sa Diyos. Pinagalitan sila nito dahil sa pananahimik na niya ay ginugulo pa nila. Sa mga salitang sinabi niya natauhan ang mga taong tumawag sa kaniya na nasa mabuti siyang kalagayan at doon niya itinuro sa Panginoon nila tumawag hindi sa kaniya.
At kahit ang pagtatawag sa mga kaluluwa ng patay ay masamang gawain. (Spirit of the glass ang halimbawa nito.)
Iyan ang nais kong ibahagi sa mga taong makababasa nito.
BINABASA MO ANG
ParaNormal ang Isipan Mo
SpiritualTama! paranormal ang isipan mo, basahin mo ito, sigurado mapapakamot ka na lang at mapapaisip sa katotohanan.