10. Huwag Iibigin Ang Sanlibutan
15 Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay na nasa sanlibutan. Ang umiibig sa sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama. 16 Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang masasamang nasa ng laman, ang nasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa mundong ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan. 17 Mawawala ang sanlibutan at ang lahat ng kinahuhumalingan nito, ngunit ang mga sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman. 1 Juan 2:15-17
----- MAGPALIWANAG TAYO-----
Sino-sino nga ba sa mga tao ang maituturing na umiibig sa sanlibutan? Paano silang makikilala at masusuri na ayon sa sanlibutan ang kanilang mga balakin at hindi mula sa Panginoon ng langit at lupa?
Nais kong bigyan ng paliwanag ang mga bagay na hindi madalas na sinasambit o mapasama sa mga usapan ng mga taong nagbibigay ng turo mula sa Banal na Aklat, at kanilang ipinapahayag sa mga taong kanilang pinapakain. Sila'y mga mangangaral na nakaayon sa hawak nilang aklat at madalang sa mga mangangaral na gumagawa ng aral na hindi ito hawak sa kanilang kanan o kaliwang kamay. Kabisado na nila ang bawat talata ngunit naroon lamang ang ikot ng kanilang paliwanag.
Narito ang nais kong sabihin: Ang mga taong nagmamahal sa sanlibutan ay ang mga taong hindi kayang mabuhay na wala ang mga kasangkapan na kanilang kinasanayan na makita at kasama sa araw-araw nilang buhay. Mga bagay na mula sa lupa rin, maging anoman ang naging huling anyo nito katulad ng cellphone, telebisyon, pera, mamahaling alahas -tulad ng relo, kuwintas, purseras- kagamitan sa katawan na higit sa limang piraso bawat isa, mga bagay na sadyang matatawag na luho. Sila ang mga taong halimbawa na hindi kayang humiwalay sa mundo, kung saan rin nagmula ang tao ay dito rin kumakapit, ika nga, ang lumot ay tanging makikita sa batong basa at kapag natuyo kasamang natutuyo rin.
May higit pa sa mga katulad nila, na ang kayamanan ay higit na mas mataas pa sa kanila ngunit hindi pa rin kayang makuntento sa mga bagay na mayroon sila. Sobrang mahal nila ang mga bagay sa mundo na kulang na lang ay humalo na sila sa mga ito at maging ganito na rin ang anyo. At madalas ang mga taong ganito ay mahirap nang maidikit sa pagiging mapalad dahil higit na sa pangkaraniwan ang kanilang tinatamasa ngunit hindi makadama ng kapanatagan sa kanilang gawain. Ikaw, nakadarama ka ba ng ganitong pakiramdam? Hindi mo malaman kung ano ang kulang sa iyo? O may kulang nga ba? Ngunit kung titingin ka sa iyong paligid ito ay sagad na sa iyong pang-araw-araw na kailangan? Bagkus naroon ang kakulangan! Iyan ang sanhi ng sobrang pagmamahal sa sanlibutan.
"Ang tao ay yari sa lupa at ito rin ay babalik sa lupa."
Kaya hindi mailayo ang tao sa pagnanasa sa sanlibutan dahil tayo ay gawa rin mula dito. Mahirap itong tanggapin na dahil sa lupa pati ang taong yari sa lupa ay masyadong nalululong sa mga bagay na makikita sa lupa.
Katulad ng nakasulat sa talata na isinulat ni Juan, na isa sa mga Apostol ni Cristo, ang nagmamahal sa sanlibutan ay hindi nagmamahal sa Ama. Dahil hindi naman niya ibinigay ang bagay na iyong kinakamit kundi ay iyong hinahawakan. Ang tanging ibinibigay Niya ang bagay na may basbas at mula sa iyong kahilingan sa Kaniya. Hindi niya gawa ang mga bagay na gawa ng tao kaya nga nakasulat ang talata at ito'y ating binibigyan ng mas malawak na paglilinaw. Kaya nga maituturing din na IDOLATRY ang pagtitig na may kasamang paghanga sa mga bagay na mula sa ating mga kamay. At hangga't hindi mo kayang MAGPIGIL sa mga ganitong uri ng pagkahumaling ay hindi mo rin masasabing hindi ka bumabali sa pagiging matuwid na tao.
At, lahat ng bagay na higit sa pangangailangan ng isang tao ay matatawag na luho.
Nabubuhay ka hindi dahil mapalad ka kundi dahil maluho ka.
Nagbabahagi ka ngunit maliit lamang ang bilang nito higit sa nasa kamay mo.
Takot kang mabuhay na walang kahit isang bagay na maganda sa paligid, ngunit hindi pumapasok sa isipan mo na may mas higit pa kaysa sa mga bagay na alam mo. At iyon ay hindi kayang ibigay ng daigdig kundi ng gumawa sa daigdig at sa langit, ang Panginoon ng mga tao at ng mga nilalang na nasa langit.
Dagdag na rin:
Pamilyar ba sa iyo ang kantang ito?
Pag-ibig ang kailangan ng Daigdig, la la la la la Just Love.Nais ko lang ibigay ang alam ko.
Sanlibutan - world
Daigdig - world
Mundo (Spanish) - world
Lupa - earth, land
Sangkatauhan - mankind, humankind
Pangkalahatan - universal
Pangkalawakan - universe
BINABASA MO ANG
ParaNormal ang Isipan Mo
SpiritualTama! paranormal ang isipan mo, basahin mo ito, sigurado mapapakamot ka na lang at mapapaisip sa katotohanan.