Philippines is Doomed!
Oo, tama ang nababasa mo. Iyan ang lantad na makikita sa kapaligiran. Wala na ang dating katangian ng Pilipinas. May ilan kang makikita sa dating kaaya-ayang katangian nito, pero hindi na ito kasing sigla ng dati, hindi na kasing ganap ng isang batang musmos. Mas laganap na ang kasamaan ng isipan sa lahat ng panig, sa lahat ng galaw at salita. Kanino ba nagmumula ang natututunan ng isang bata, hindi ba sa kaniyang mga magulang at kakilala? Kung sang-ayon ka dito, alam mong sabit ka sa ganito. Kilala ka bang tao o maraming tagahanga, tagapakinig, tagasunod, maraming ibinabahaging bagay na nagdadala sa isipan ng tao na mag-isip ng hindi katotohanan o mga bagay na hindi dapat na tumatak sa isipan ninoman? Alam mong hindi makatutulong sa pagpapaunlad ng kaluluwa ng isang tao ang iyong ipinapakain sa kanila ngunit sige ka lang, tuloy ka lang dahil utos ng masama mong isipan. Sasabihin mong 'Anong pakialam mo! Buhay ko ito, pasya nila iyon!' May tama ka naman, iyon lang dinadala mo ang mga ito sa kadiliman at binubulag. Hindi mo ba alam na mas malaki ang papasanin mong kabayaran sa kasalanan dahil sa ginagawa mo. Nagtitiwala ka sa bulong ng mga masamang espiritu kaysa sa bulong ng konsensiya mo. Alam mo ang tama at mali pero pinipili mo ang maling paraan. Masahol ka pa sa pinalayang Isang Masama kung ganoon! Naliligaw sa kadiliman ng kapaligiran.
Marami sa mga Pilipino na ipinagmamalaki ang lahing narito, ngunit wala na ang mga iyon, matagal nang naglaho. Bilib na bilib sa mga bagay na mula sa katangian ng Pilipino. Hindi na nga rin alam ang buhay na dating dito lamang makikita. Niyapos na ng mga ito ang kagawiang dayuhan at inilatag at inangkin. Kahit saan ka tumingin ang makikita mo ay mga taong ang pangarap ay ang buhay na mayroon sa ibang lupain o bansa. Iba na ang hangarin ngunit sige lang ang pakikipagtungali at sinasabing "Pilipino Ako!", "Mabuhay ang lahing Pilipino!" Nasaan? Buhay ba talaga o matagal nang patay? Nagpapanggap na buhay!
Sa Facebook ko, nilagay ko doon: "MAYABANG ANG FILIPINO AT ANG PILIPINAS!"
Totoo naman!
Walang ipinagmamalaki ang Pilipinas kundi ang kaniyang pananampalataya sa Panginoon ng Langit at Lupa. Pero nasaan na ang bahaging iyon? Lipas na! Tulad ng mga pinaglumaang GADGETS. Basura na rin!
Mabuti pa ang Niniveh nagsisi nang may isang propeta na nagpunta sa kanila nang sabihin nito ang kahihinatnan ng lupaing ito dahil sa dami ng kanilang kasalanan. Isang babala lamang ang ginawa ni Jonah, pagkatapos niyon nagbaba ng kautusan ang hari na dapat silang MAG-AYUNO at MAGSISI ng isang linggo.
Dito sa Pilipinas, may nagpuntang propeta, nagbabala tungkol sa sasapitin ng bansa ngunit binalewala lang ng mga nakarinig ng babala. Walang nagpaabot sa kinauukulan, dumating ang delubyo, namatay ang mga taong sangkot sa babala.
At ngayon, may panibagong babala, nasaan na ang mga Pilipino? Tulog na tulog. Hindi ang Kristo ang tulog sa bangka, ang mga Pilipino. Dumadaan na ang mga babala pero walang nakakikita nito. Bulag sila. Pipi rin. Paralisado, hindi makakilos, nakahiga lang. Naghihintay lang sa pagsikat at paglubog ng araw, mahaba pa kasi ang panahon. Uunlad daw muna ang Pilipinas bago dumating ang End of the World. Nakatuntong na tayo sa panahong iyon, bulag ka lang sa katotohanan dahil sabi ng mga Television. Takot silang mawalan ng income iyon lang iyon!
Tingnan mo, pati lahat ng uri ng kasamaan ay pinapalabas nila! Mas mahaba pa ang mga palabas na may temang karahasan kaysa mga palabas na magaan lang ang takbo ng kuwento. Mas in demand ang mga hiwalayan, homosexuality, pornographic scene, murder scene at iba pang uri ng makasalanang palabas. Kasama sila sa laman ng prophecy akala mo lang. Tuwang-tuwa sila sa mga bakla, hindi nila alam na dahil sa mga kabaklaan na iyon at pagyakap dito, at pagtangkilik ay nadadamay ang mga inosenteng bata sa sasapitin ng bansa dahil sa kahalayan nila.
Ang bawat tao ay may tungkulin sa kapwa niya, pero kung hindi mabuti at tama ang kalalabasan, mali ito.
"Love your neighbor as yourself," pero hindi puwedeng idawit dito ang panliligaw sa babae. Oo, kapwa mo siya babae o lalake, pero kapilisopohan na gawin iyon. You cannot make a relationship with same sexuality. It is against the Law of God. You cannot defend love by wrong philosophy, that is abomination in the eyes of God. Not all kinds of love are acceptable. Love for evilness is not considered pro-good. Evil is evil.
Kung mabasa mo ito, nais kong puntahan mo rin ang site sa YouTube na may pangalang Sadhu Sundar Selvarjaya, at mga katulad look for more. Do not be ignorant.
BINABASA MO ANG
ParaNormal ang Isipan Mo
SpiritualTama! paranormal ang isipan mo, basahin mo ito, sigurado mapapakamot ka na lang at mapapaisip sa katotohanan.