1895...
Ang taon bago tuluyang umusbong ang labanan sa pagitan ng mga Kastila at Pilipino sa loob ng Tatlong daang taon..
Ang taon kung kailan mayroon pang mga Katipunero sa pamumuno ni Andres Bonifacio....
Ang taon bago matapos ang lahat...
Isang lalaki at babae na pinagtagpo ng tadhana pero pilit na ipinaglalayo ng katotohanan....
Dalawang tao na itinakdang magkita pero itinakda nga ba para sa isa't isa?
--------------
"Ella! " may isang babae ang tumawag sa akin kaya napalingon ako sa kanya
" Saan ka pupunta? " tanong niya
"Wala, sa cafeteria lang " sabi ko habang nakangiti
"Sabay na tayo" sabi niya habang nakangiti din
Ako si Ella Blanco. Second year college na ako sa Univesity of Sto. Tomas. Isa akong Political Science student, 20 years old at single.
napatingin ako sa babaeng bestfriend ko na kanina pa ako kinukulit
Siya si Ysabel Virey, tulad ko second year din siya at parehas kaming Political Science student. Same age, same height at same status... In short, same sa lahat ng bagay.
Pagdating namin sa cafeteria ay nakarinig agad kami ng sigawan at tilian.. dumating kasi ang dalawang lalaki na sikat na sikat sa school namin.. Gwapo daw di naman. Ang chaka kaya nila #bitter
" heto nanaman tayo" sabi ni Ysabel habang nakatingin dun sa dalawang lalaking bagong dating
Napatingin sa amin iyung isa dun sa dalawang lalaki at kumaway.. inirapan naman siya ni Ysabel
Nagkatingin kami nung lalaking kasama niya pero inirapan ko din siya
Lumapit sila sa amin kaya napatigil sa pagtili ang mga kababaihan
"Hi girls" bati ni Migs, siya iyung inirapan ni Ysabel kanina
" Hi mo sarili mo " sabi ni Ysabel habang masama ang tingin kay Migs... Sanay na ako sa lambingan/bangayan ng dalawang taong ito, magkababata kasi sila
"Ang taray mo talaga" sabi ni Migs habang naka pout
Mikael Suarez a.k.a Migs. Malay ko ba kung bakit Migs nickname niya di naman Miguel ang pangalan niya anyway classmate namin siya. Political Science student, second year college, 20 years old tapos mas matangkad siya sa amin ni Ysabel
Napatingin naman ako kay....
nag-init talaga agad ang ulo ko....
di kasi kami close tapos ang sungit sungit pa niya, wala na rin kaming ibang alam kundi ang mag away ng mag away.. Pati first encounter namin Disaster!!!Ganito kasi iyan...
Dear Charo,
Gutom na gutom na ako noon tapos marami akong inorder na pagkain pero nung magbabayad na sana ako, pagtingin ko sa wallet ko walang laman, buti nalang may nagbayad ng pagkain ko, si Renzo...Gaya ng ibang babae sa tabi tabi humanga din ako sa kanya para ngang nagkaroon pa ng slow motion eh... pero right after niyang bayaran iyung mga inorder ko, magtethank you na sana ako kaso....
"Wag kasing patay-gutom kung wala naman palang pambayad, tabi nga pangit" sabi niya sabay irap. kaya umurong ang dila ko
Anong sabi niya? Ako? Pangit? Matatanggap ko pa iyung patay-gutom eh kaso iyung term na pangit? Never!
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Historical FictionDalawang tao na itinakdang magtagpo ngunit di nakatadhana ang mga puso Mga pusong muling magmamahalan upang ang kahilingan ay maisakatuparan Mga kahilingang nagmula sa nakaraan ay muling masasambit sa kasalukuyan Sino si Montecilla? At ano ang kanya...