Nagising kami ni Em dahil sa ingay ng bell ng school. Siguro ginagawa nilang pang-alarm iyon para sa mga estudyante dito. Ibig sabihin siguro nito ay dapat ng kumilos dahil malapit ng mag-umpisa ang klase.
Agad naman kaming naligo ni Em at lumabas na sa dorm para pumunta sa una naming klase. Simple lang naman ang uniform. Sa pangitaas may jacket na kulay brown at sa loob may white na damit tapos may ribbon na stripe (Red/Black). Then sa pang-ibaba stripe na palda (Red/Black) tapos kulay black din na stack in. Libre lang lahat dito kaya hindi na kailangan ng pera. Sapatos at pagkain nga rin libre. Para sa akin, uniform lang ata ikinaganda ng school na ito.
"Paano ba iyan Claire, isang subject lang tayo magkaklase. Tatlong subject tayo magkahiwalay, kaya mo ba sarili mo? Baka malanta ka na naman. Jusko girl hindi na kita carry". Sabi ni Em sa akin habang bumababa kami sa hagdanan papunta sa 1st subject namin. Sa 4th floor ang 1st subject ni Em samantala ako sa 3rd floor. Last subject lang kami magkaklase. Tapos magkakalayo pa yung mga classroom. So sad naman. Balita ko apat lang daw ang subject na tinuturo nila dito dahil sa kakaunti lang na teachers. English, Math, TLE, and Science lang daw ang tinuturo dito. Hay paano naman kami nyan matututo kung yan lang ang subject na pag-aaralan namin dito. Tsaka puro english pa yung mga salita doon! Jusko baka dumugo utak ko. Araw-araw pa akong nosebleed. The heck!
So 7:00 ang umpisa ng klase hanggang 11:00. Tagiisang oras ang bawat subject.
"Oo naman si Claire pa ba I mean ako. Kaya ko mag-isa Em so don't worry. Matapang to!". Pagmamayabang ko sa kanya.
"Matapang mo to! Duwag ka te don't me! Osya paalam na liliko na ako. Ingat ka ah! Kilala kita, baka gumawa ka na naman ng mga katarantaduhan. Mukha mo palang alam na. Babush!". Hinampas niya muna ako sa braso bago siya umalis. Loka-loka talagang babae kahit kailan.
"Bye ingat ka rin!" Kilala na niya talaga ako. Ang ibig niyang sabihin baka mag cutting na naman ako. Hehe gawain ko na talaga kasi ang mag cutting pag tamad na tamad ako pumasok o makinig sa lesson. Tamad na babae kasi ako. Una kong subject na pupuntahan ay Science. Dinalian ko nalang mag-lakad para hindi ako malate.
Nandito na ako ngayon sa pinto ng science classroom. Kinakabahan akong buksan ang pinto. Sana naman mababait ang mga classmates ko. You can do it Claire! Fighting! Think positive! Ok! Bubuksan ko palang sana yung pinto ng may mag bukas nito sa loob ng classroom. Bumuluga sa akin ang isang lalaking higante I mean matangkad... What the! Si sungit boy ito ah! Hala! Oh my gosh! Magkaklase kami sa 1st subject ko! Jusko ayokong maging kaklase to!
"Wala ka bang balak tumabi?", hay sungit talaga nito. Hindi ako nagsalita at tumabi nalang ako. Tutal wala akong balak na kausapin siya. Baka itrash talk pa ako nyan tsk! Napaka sungit.
"Tatabi rin pala kailangan pang sabihan", inirapan ko nalang siya pagkadaan niya sa harap ko. Sinusundan ko siya ng tingin habang palayo siya ng palayo sa akin. Waaahh!! G na g na ako sa kanya! Kumukulo na yung dugo ko dahil sa kanya! Letche! Pasalamat siya mabait ako kaya hindi ko siya magawang sakalin. Lumingon siya sa akin at tinignan niya ako ng masama. Aba may patingin-tingin pa. Kapal niya, wala siyang dahilan para tignan niya ako ng masama? Pero nakakatakot yung tingin niya. Para niya akong kakainin ng buhay. Umiwas na ako ng tingin sa kanya at saka na ako pumasok sa classroom.
Tinignan ko lahat ng kaklase ko at.. Shit bakit ang sasama ng tingin nila sa akin! Wala naman akong ginawang masama sa kanila ah. Napansin ko na apat nalang ang bakanteng upuan. Isa sa gitna at isa sa malapit sa bintana at yung dalawa naman nasa likod. Hindi ko nalang pinansin ang mga kaklase ko at pumunta nalang ako sa dalawang bakanteng upuan sa likod. Sa kanan kong gusto umupo pero nag salita ang makakatabi ko sanang classmate.
"Bawal umupo dyan". Sabi niya na parang binabalaan ako. Nakakatakot naman yung boses nito. Akala mo para ka niyang kakainin ng buhay. Binalewala ko nalang at umupo nalang ako sa isa. Akala ko may pipigil pa sa akin pero wala na. Tinignan ko ulit sila pero parang naka tingin lang sila sa kawalan. Ang weird nila at nakakatakot narin. Sana matapos na agad yung klase at makapagpahinga nalang sa dorm. Lumingon naman ako sa isa kong katabi. Babae siya. Gusto kong makipag-kaibigan kaya kinausap ko ito.
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK1)
Mystery / Thriller[BOOK1] : Devihell School (Everyone has a secret) Claire Clemente, was a transferee student in her new school name Devihell School. Isang simpleng babae na walang pinoproblema maliban sa kanyang pag-aaral. Isa lang ang pinapangarap ni...