Nandito na kami ngayon sa harap ng school na papasukan namin. Seryoso ba talaga to? Dito kami mag-aaral sa isang nakakatakot na lugar at parang luma na school! It can't be! Ayoko dito!
"Wow it's so exciting! Tara na Claire!". Hindi ako makapag-salita dahil natatakot ako sa lugar na ito. Shit iba ang aura ng lugar na ito sa akin! Pumunta na kami sa gate ng school. Kung titignan mo palang sa gate ay nakakatakot na. Malaki ito. Puro kalawang at may mga dahon-dahon na nakapalibot. May nakalagay na " Welcome to the Devihell School". What! Devihell ang name ng school na ito! Jusko pangalan palang nakakatakot na. Parang pinagsama yung Devil at Hell. The heck gusto ko ng umuwi.
"Paano tayo makakapasok dito?"
"Bakit ako tinatanong mo Em! Aba hindi ko alam! Mas gugustuhin kong umuwi nalang kaysa sa pumasok dyan". Tumalikod ako sakanya para umalis pero may naririnig akong ingay.
"Ano yon Em?"
"Claire! Nag bukas na yung gate!". Humarap ako sakanya at tinignan ko ang gate. Tama siya nag bukas na nga. Pero papaano? Sino nag bukas? Pumasok na si Em samantala ako ay nandito parin sa kinatatayuan ko. Tinitignan ko lang si Em na lumalakad papasok sa school.
"Tara na Claire! Pumasok ka na! ---- I'm coming baby! I welcome myself hahaha". Sabi ni Em habang naglalakad. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko dahil nakakaramdam ako ng masama. I mean parang may mangyayaring masama sa aming dalawa ni Em. Huminto sa paglalakad si Em at lumingon sa akin.
"Omaygad Claire may kausap ba ako? Hoy babae pumasok ka na! Wala ka dapat ikatakot dito. Duh!". Tama siya. Wala dapat akong ikatakot. Ang gusto ko lang ay makapagtapos na ako ng highschool kaya uurong pa ba ako? You can do this Claire. Fighting lang. Humakbang ako ng sampung beses and then tada. Naka pasok na ako.
Eeennnggggg
Lumingon ako sa gate kung saan nanggagaling yung ingay na yun. Nakita ko na nakasara na agad yung gate. Ah automatic pala mag-sara at mag-bukas yung gate. Galing ah!
"Tara na Claire pumasok na tayo sa loob ng school. Arat na bilis!". Ito na naman siya. Binabaliktad na naman yung mga salita. Tara naging arat. Hay dami niya talagang kalokohan.
Pupuntahan ko palang sana si Em ng biglang lumabo ang paningin ko. Sumasakit din ang ulo ko. Hindi ko na kayanan kaya natumba ako. Medyo hindi ko na maimulat ang mata ko.
"Em tulong" bulong ko sa sarili ko. Hindi narin ako makasigaw ng malakas. Nakita ko nalang si Em na pumasok na sa pintuan ng school. Wala na siya. Iniwan niya na ako. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganito?
"E-em bu-bumalik ka" paputol-putol kong salita. Napapikit nalang ako ng ilang minuto dahil humahapdi rin ang mata ko. Sinusubukan kong imulat ang mata ko. May napansin akong lalaking papalapit sa akin. Hindi ko makita ang mukha niya dahil malabo ang paningin ko hanggang sa mawalan na ako ng malay.
Pagkagising ko, hindi ko na alam kung na saan ako. Anong nangyari? Bat malabo parin ang paningin ko.
"Claire! Gising ka na ba? Yoohoo!". Pakaway-kaway ang kamay ni Em at iyon ang nag-palinaw ng mata ko.
"Em?"
"Gosh kaloka ka girl. Ano bang nangyari sayo? Hinanap kaya kita hanggang sa makita kita dito sa clinic. May sakit ka ba? Oh my dahon! Nalalanta ka na girl! Tubig you want?". Ang daldal talaga ng kaibigan ko. Palabiro din. Buti nalang at nakilala ko siya. Pero nagtataka talaga ako. Anong ginagawa ko dito? Bakit ako nasa clinic?
"Huh? Anong pinagsasabi mo?"
"Girl you know. Nakita ka nalang daw ng nurse dito sa higaan at putlang-putla ka daw. You look like nalanta na dahon". Basta nalang ako napunta dito sa clinic? Bakit?
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK1)
Misterio / Suspenso[BOOK1] : Devihell School (Everyone has a secret) Claire Clemente, was a transferee student in her new school name Devihell School. Isang simpleng babae na walang pinoproblema maliban sa kanyang pag-aaral. Isa lang ang pinapangarap ni...