ft. Glass Bridge by Savina and Drones
3 MONTHS LATERClaire Clemente's Point of View
Lumabas ako ng school para hanapin si kuya dahil pinapatawag siya ni Sir Ian. May importante lang daw silang pag-uusapan. Sa dinami-dami ng estudyante dito, ako pa ang inutusan.
Nakalimutan ko palang sabihin, maayos na ang lahat ng problema sa school na ito. Ang mga estudyante dito ay mas ginusto ng grumaduate dito dahil maayos narin naman ang lahat. May mga estudyanteng transferee rin dito. Nagkaroon rin naman ng mga bagong guro dito. Wala parin principal. Ang Five Guardian Prince's parin ang namumuno sa school na ito. Wala narin kapangyarihan sina kuya. Hindi na Devihell ang pangalan ng school na ito kundi Devine School na ulit. Ang saya noh!
Nilibot ko ang labas ng school pero hindi ko parin nakikita si kuya kaya pumasok ulit ako sa school.
"Uy si Claire oh"
"Hi Claire, morning!"
"Good morning Claire"
May mga estudyante na bumulaga sa akin at binati ako. Binati ko rin naman sila. Lahat ng students dito ay kilala na ako dahil sa pagligtas ko sa kanila. Famous! Ganern!
Aakyat palang sana ako sa taas ng maka salubong ko si kuya kasama si Kyle. "Kuya! Nandito ka lang pala!"
"Bakit may kailangan ka ba?"
"Pinapatawag ka ni Sir Ian. Nasa faculty siya"
"Woah! Claire!", nagulat ako kay Kyle ng bigla siyang sumigaw. Problema nito? "Ayos ah, kailan pa naging straight yang buhok mo", buti pa si Kyle napansin itong buhok ko. Si kuya parang walang pake. Kaya lang naman naging straight itong buhok ko dahil sa isang bagong teacher dito na bakla. Sabi niya gusto niya daw akong i-rebound kaya ito ang nangyari.
"Pahawak nga!", lalapit sana sa akin si Kyle ng harangin siya ni kuya. Hinawakan niya ito sa tenga at inilayo sa akin. Ang kulit talaga ng dalawang ito. Katulad parin sila ng dati. Hays.. "Tigilan mo si Claire, mas mabuti pang samahan mo akong pumunta kay Sir Ian"
"Aray, aray, aray!"
"Anong aray!"
"Claire! Pigilan mo nga si Lucas! Claire! Aray!", hindi ko siya pinansin. Pinanood ko lang sila kung paano sila mag-kulitan sa isa't-isa.
"Claire? Ikaw ba yan?"
Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Crade na may buhat-buhat na tuta. Kulay black ito at natutulog ng mahimbing. Ang sarap naman ng buhay ng tutang ito. Pero saan kaya yan nakuha ni Crade? "Oh ikaw pala Crade. Saan mo naman napulot yang tuta?"
"Ah ito, nakita ko lang sa labas pagala-gala. Naisip ko na alagaan ko nalang"
"Ganon ba"
Nagising yung tuta. Nagulat ako ng makita ko ang kanyang mata. Kulay blue-gray. Dahil sa mata niya, naalala ko si Matthew. Ano ba naman ito!? Nakakainis! Kung kailan naka move on na ako sa nangyari noon saka pa... Nakakainis talaga. Dapat pala hindi ko nalang nakita yung mata ng tuta na ito. Edi sana hindi ako naluluha ngayon. Shit bakit nga pala ako naluha? Anong problema ko? Claire ano ka ba naman! Wag mong isipin na si Matthew ang tuta na iyan. Hindi siya pwedeng maging hayop. At lalong hindi pwede na maging si Matthew iyan. Ang tao ay tao, ang hayop ay hayop kaya Claire umayos ka sa sarili mo. Move on na please!
"Claire? Are you crying? Is there any problem? Bukod sa mukha ko?"
"H-huh? W-wala ah. May naalala lang akong tao dahil sa mata ng aso na iyan. Sorry ah". Natawa ako sa sinabi niya. Wala naman akong problema sa mukha niya tsaka gwapo naman siya eh. Kaya no problem.
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK1)
Gizem / Gerilim[BOOK1] : Devihell School (Everyone has a secret) Claire Clemente, was a transferee student in her new school name Devihell School. Isang simpleng babae na walang pinoproblema maliban sa kanyang pag-aaral. Isa lang ang pinapangarap ni...