"They will..."
"Claire?"
Narinig ko ang boses ni Em kaya napalingon agad ako. Nakita ko siya sa likod ni nerd boy. Lumapit agad ako sa kanya at niyakap. Sumunod naman sa akin si nerd.
"Em saan ka ba nag punta ha? Kanina pa kita hinahanap". Hindi siya sumagot sa tanong ko. Nakatingin lang siya kay nerd boy at ganon din ang ginagawa ni nerd. Naka tingin din siya kay Em. Magkakilala ba sila? Kung maka tingin kasi sila sa isa't-isa wagas.
"Kilala mo siya Claire?". Seryosong tanong ni Em. Ngayon ko lang nakita si Em na ganito ka seryoso mag tanong. "Hindi naman Em. Actually ngayon lang kami nagkita". Hinila ako ni Em palayo kay nerd boy. Ano bang problema ni Em? Bakit siya nagkakaganito?
"Teka Em saan tayo pupunta?"
"Babalik na tayo sa dorm". Habang lumalakad kami palayo kay nerd, pahigpit ng pahigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Em teka nasasaktan ako". Hindi niya ako pinansin at patuloy parin siya sa paglalakad. Ano bang nangyayari sa kanya? Nasasaktan na ako sa pinaggagawa niya.
Nasa harap na kami ng dorm namin. Binuksan niya yung pinto at dinala niya ako sa kwarto.
"Ano ba Em nasasaktan nga ako sabi!". Bigla niya nalang akong hinagis sa kama. Hindi ko nagugustuhan ang inaasal ngayon ni Em. Naninibago ako ngayon kay Em. Iniisip ko na may sumapi nalang na masamang espiritu sa kanya.
"Pag nakita pa kitang nakipag-usap sa kanya. Hindi na kita mapapatawad Claire". Ano bang ginawa ni nerd sa kanya? Bakit parang ayaw na ayaw niya sa lalaking yon? Ano bang problema niya doon? Tama nga ako. Magkakilala silang dalawa at siguro mag-kagalit sila sa isa't-isa. Natatakot na ako kay Em. Iba na siya ngayon.
"Teka may nagawa ba siyang masama sayo kaya ka nagkakaganito?"
"Wala, pero ayoko sa kanya. Matulog ka na. Sa sala nalang muna ako matutulog"
"Teka Em!"
Lumabas na siya ng kwarto at iniwan niya na naman ako. Bakit ba ayaw niya kay nerd? Sa tingin ko naman mabait si nerd. Hindi kaya may tinatago talagang sikreto sa akin si Em? Hindi ito pwede! Dahil sa pagkakaalam ko, lahat na ng sikreto o buhay ni Em ay sinabi niya na sa akin. Pati lahat ng pinagdaanan niya. Hindi kaya mayroon pa siyang hindi sinasabi?
Humiga na ako sa kama para makatulog na. Sana naman maging maayos na ang lahat. Sana bumalik na si Em. I mean yung totoong si Em. Hindi ako sanay na ganon si Em kaya sana maging maayos na ang lahat.
"Claire! Gising na! Nakahanda na yung almusal natin! Wag ka ng mag hintay ng bell, nasira daw. Wag ka ng mag hintay pa ng tunog, papaasahin ka lang nun!"
Bumangon ako agad at naligo. Bumalik na kaya ang ugali ni Em? Ayos na ba siya? Sana nga...
Lumabas na ako ng banyo at nag-suot na ng uniform. Pinuntahan ko na si Em sa kusina at nakita ko siyang kumakain..
"Andyan ka na pala, kain ka na". Wala akong masabi sa kanya. Tulala lang talaga ako at iniisip yung nangyari kagabi. Hindi kaya nakalimutan niya yung nangyari? "Ahmm Em". Huminto siya sa ginagawa niya at lumingon sa akin.
"Naaalala mo ba yung nangyari kagabi?". Tinitigan niya lang ako. Siguro ayaw niya munang pag-usapan.
"Ah e-eh kalimutan mo nalang hehe". Kumain na siya at ako naman itong naka tingin lang sa kanya habang kumakain. Pagkatapos naming kumain, naglakad na kami papunta sa 1st subject namin. Walang umiimik sa amin habang naglalakad kami. Ang awkward. Hindi kaya nahihiya si Em sa nangyari kagabi? Pababa na kami ng 4th floor at wala parin sa amin balak na mag-salita. Paliko na si Em at ako naman pababa parin sa hagdanan.
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK1)
Mystery / Thriller[BOOK1] : Devihell School (Everyone has a secret) Claire Clemente, was a transferee student in her new school name Devihell School. Isang simpleng babae na walang pinoproblema maliban sa kanyang pag-aaral. Isa lang ang pinapangarap ni...