Luke's Point of View
Bumalik ako kung na saan si Claire. Pero pag-balik ko ay wala na siya. Pumasok ako sa dorm ni Kyle. Nakita ko sina Kyle, Lucas, Axel, at Crade maliban lang kay Claire.
"Luke na saan si Claire?"
"Akala ko ba ikaw na ang mag-hahanap sa kanya? Eh bakit hindi mo siya kasama?"
"Ako dapat ang nagtatanong sa inyo nyan. Nandito na ba siya?", hindi sila sumagot sa tanong ko. Nagtinginan lang silang apat.
"Fuck!", agad akong lumabas ng dorm para hanapin si Claire. Pinuntahan ko lahat ang mga dorm ng mga estudyante dito pero hindi ko parin mahanap si Claire. Lumabas ako ng school. Pumunta ako sa likod kung na saan ang puno ng mangga pero wala rin siya doon. Shit na saan siya kung ganon? Saan siya nag-punta? Bakit hindi siya pumasok sa dorm ni Kyle? Bakit umalis pa siya sa lugar na iyon? Napaka tigas talaga ng kanyang ulo.
Luke, nandito si Claire. Iligtas mo siya bago pa mahuli ang lahat.
May bumulong sa akin na lalaki at alam kong boses iyon ni Matthew. Kasama niya si Claire? Hindi ito pwede!
"Damn!"
Pumunta agad ako sa isang tagong lugar dito malayo sa school. Walang sinuman ang nakakaalam sa lugar na iyon. Dahil napapalibutan ito ng mga malalaking puno at mga dahon.
Mas binilisan ko pa ang takbo para maabutan ko si Claire.
Ilang sandali lang ay nakita ko narin si Claire na tumatakbo na may dala-dalang... Puting libro!? "Claire!"
"Luke!"
Tumakbo narin ako palapit sa kanya.. Nang malapit na kami sa isa't-isa, aabutin ko palang sana ang kanyang kamay ng bigla siyang bumagsak sa sahig.
Claire Clemente's Point of View
Nasa harapan ko ngayon si Luke. Hindi ko alam kung bakit siya umiiyak."Patawad Claire"
Lumakad siya palayo sa akin.
"Luke wag mo akong iwan. Dito ka lang"
"Luke, dito ka lang. Please wag kang umalis"
"Luke!", agad akong nagising dahil sa sobrang kaba.
"Panaginip lang pala", gumaan ang aking pakiramdam ng malaman ko na panaginip lang ang lahat na iyon. Akala ko talaga iniwan niya na ako. Akala lang pala.
Lumingon-lingon ako sa paligid. Saka ko lang nalaman na nandito na pala ako sa tapat ng dorm ni Kyle. Na saan na kaya si Luke? Bakit niya naman ako iniwan dito mag-isa? Tatayo palang sana ako ng makita ko si Emily sa hindi kalayuan.
"Em?"
Kumaripas siya ng takbo kaya hinabol ko siya. "Wait lang Em!"
Pumunta kami sa 1st floor at sa isang silid ay pumasok siya doon. Natandaan ko ang pinto na ito. Sa silid na ito, dito pumasok si Matthew at pilit niya akong pinapaalis o pinapalayo sa kanya. At dito rin ako pinagbawalan ni Kyle na pumasok sa silid na ito. Paano ba yan? Bahala na nga!
Nang maka pasok ako, may nakita pa akong isa pang pinto. Pumasok ako doon. Bumaba ako ng hagdan at nakita ko ulit si Emily. Lalapit palang sana ako ng tumakbo ulit siya.
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK1)
Mystery / Thriller[BOOK1] : Devihell School (Everyone has a secret) Claire Clemente, was a transferee student in her new school name Devihell School. Isang simpleng babae na walang pinoproblema maliban sa kanyang pag-aaral. Isa lang ang pinapangarap ni...