"Sabrina"
Sabrina? Si Sabrina ang babaeng iyon? Ito pala siya. Ito pala ang kanyang itsura.
"Sabrina? B-bakit wala ka sa katawan ni Matthew? Anong nangyari?"
"Hindi ko magawang makuha ang kanyang katawan. Nagmamatigas siya. Lumalaban siya ng dahil sa babaeng iyon. Kaya lumabas nalang ako sa katawan niya. Pero ilang minuto lang ang itatagal ko at babalik narin ako sa katawan niya. Kahit na lumabas ako sa katawan niya, iisa parin kami ni Matthew", lumalaban si Matthew para sa akin? Ayaw niyang makuha ng ibang tao ang kanyang katawan? Kung ganon ayaw niyang ipagamit kay Sabrina ang kanyang katawan para lang patayin ako?
"Claire! Luke!"
"Kuya?", nakita ko sina kuya na tumatakbo papalapit sa amin. Pero bigla silang tumigil ng makita nila si Sabrina. "Sab?"
"Long time no see guys. Reunion ba ito? Hahaha! Hindi niyo ba ako sasabihin ng magandang salita na welcome?", hindi sumagot sina kuya. Nakatulala lang silang apat. Gulat na gulat sila sa nakikita nila ngayon. Hindi sila makapaniwala na nasa harapan namin ngayon si Sabrina.
"Kung hindi niyo ako iwewelcome, pwes kayo nalang ang iwewelcome ko", lumapit sa kanila si Sabrina.
"Nado kobe ke iso me! Nado kobe ke iso me!"
Biglang umangat sina kuya paitaas at bigla nalang silang bumagsak paibaba.
"AHHH!"
"Kuya!"
"Dami no ika ima!"
"AHHHHH!"
Parang nakukuryente silang apat. Nagsusuka sila ng dugo. Tinignan ko si Luke. Nakatulala lang siya habang tinitignan sina kuya. Wala ba siyang plano para iligtas sila.
"Luke, gumawa ka ng paraan! Iligtas mo sila! Ano ba Luke!? Bumalik ka sa sarili mo!"
Hindi niya ako pinakinggan. Parang wala siyang naririnig. Tumingin sa amin si Sabrina at lumapit kay Luke. Hinawakan niya ito sa kwelyo at inangat paitaas.
"Luke!"
Nanlilisik ang mga mata ni Sabrina. Walang ginagawa si Luke. Naka pikit lang ang kanyang mata at hinahayaan niya lang si Sabrina. Kung kailan naka harap na namin si Sabrina, saka pa siya napanghinaan ng loob. Nakakainis ka talaga Luke!
"Luke! Ano ba! Gumising ka sa katotohanan! Paano na ako kung mawawala ka? Sino na ang magliligtas sa akin pag nasa pahamak ako? Sino na ang pwede kong sabihan ng problema kung wala ka na Luke! Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka Luke!"
"Manahimik kang babae ka!", tatamaan sana ako ng pakpak ni Sabrina ng hawakan ito ni Luke. Tinulak niya ito palayo sa kanya. Nabitawan ni Sabrina ang kwelyo ni Luke kaya nahulog si Luke sa ibaba. Sa wakas at gising na siya.
"Luke!"
"Ihagis mo sa akin ang libro!"
"A-ano?", natulala ako sa sinabi niya. Bakit? Bakit niya gustong ibigay ko sa kanya ang libro? Pero paano na? Mawawala sila kapag nahawakan niya ang libro na ito kaya hindi ko ito pwedeng ibigay sa kanya. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Gusto kong ibigay sa kanya ang libro pero parang ayoko. Ano ba talaga!? Naguguluhan na ako sa sarili ko. Hindi ko na alam ang aking gagawin.
May napansin akong nahulog sa bulsa ko. Mp3? "Simon?", bigla ko nalang naalala si Simon at ang mga sinabi niya sa akin sa pamamagitan ng pag record gamit ang mp3 na ito.
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK1)
Mystery / Thriller[BOOK1] : Devihell School (Everyone has a secret) Claire Clemente, was a transferee student in her new school name Devihell School. Isang simpleng babae na walang pinoproblema maliban sa kanyang pag-aaral. Isa lang ang pinapangarap ni...