Sabi ko na nga ba pinuntahan ni Luke yung taong gusto akong patayin o barilin. Pero saan nanggaling yung mga dugo sa damit niya? "Ano na guys? M-M-T K N? Ano ibig sabihin non!?"
"Ako ng bahala sa word na yan. Kailangan na natin balikan si Lucas. Baka kung may nangyayari na naman na hindi maganda". Oo nga pala! Si kuya! Pero bakit naman nila iniwan si kuya mag-isa doon? Kailangan na naming bumalik. Pero naiinis talaga ako sa sarili ko. Wala man lang akong magawa para tulungan sila.
"Tara na"
"Sorry sa inyo wala man lang akong magawa para tulungan ko kayo. Sa totoo lang ako lagi yung nagbibigay ng problema sa inyo. Pinapaasa ko lang kayo na tutulungan ko kayong mahanap ang dalawang libro pero hanggang ngayon, wala parin. Paasa ako. Useless ako. So I'm really sorry". Napayuko nalang ako pagkatapos kong sabihin ang lahat ng iyon. Sinabi ko na sa kanila ang totoo. Ayoko ng umasa pa sila sa akin na mahahanap ko pa ang dalawang libro na iyon. Nakakahiya narin sa kanila. Araw-araw nalang, lagi nalang nila ako nililigtas at pinoprotektahan kina Tyler. Samantala ako, wala akong magawa na mabuti. Lagi nalang akong pabigat sa kanila.
"Buti alam mo sa sarili mo na useless ka. Tsk!", sabi sa akin ni Luke habang lumalakad siya palabas ng dorm. Sumunod naman sa kanya si Crade. Hindi ako makapaniwala na sinabi ni Luke sa akin iyon. Akala ko sa sarili ko na icocomfort niya ako pero... Hindi.. I'm such a fool. Iyan ba talaga ang tunay na ugali ni Luke? Siya na ba talaga yan?
"Ahmm Claire, don't mind him. Naguguluhan lang talaga yon sa nangyayari. Right Axel?"
"Huh? A-ah oo tama si Kyle. Tara na Claire baka gising na si Lucas"
Hinawakan ni Axel ang kamay ko at lumabas na kami ng dorm.
Bumalik kami sa dorm. Pag-bukas namin ng pinto, nakita ko si kuya na naka upo sa kama ko habang kausap si Crade. "Kuya!", agad ko siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit. "Kuya buti gising ka na!". Humiwalay sa pag-yakap ko sa akin si kuya. Hinawakan niya ang aking pisngi at tinitigan ako sa mata.
"Claire, nasaktan ka ba? Ayos ka lang ba? Wala ka bang sugat?"
Hindi ako sumagot sa tanong ni kuya kundi tinignan ko lang siya. Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako.
"Claire?"
"Kuya! Ano ka ba naman!? Ako dapat yung nagtatanong sayo niyan kuya! Ako dapat ang natamaan! Ako dapat ang naka higa dyan ngayon kuya! Ako dapat ang nahihirapan ngayon kuya! AKO! Kasalanan ko ito kung bakit ka nagkakaganito. Kasalanan ko kung bakit ka nahihirapan. Sorry kuya". Niyakap ulit ako ni kuya at tinatapik ang likod ko para patahanin ako sa pag-iyak. "Sshhh tama na Claire. Wala kang kasalanan ok? Tahan na"
"Kuyaaa! Sorry! Wala akong nagawa para iligtas ka! Sorry kuyaaa!"
"Hay Claire, natatandaan ko tuloy nung bata ka pa. Wala ka talagang pinagbago. Tahan na, wag ka ng umiyak ok?"
Pinunasan ko ang aking luha. Ngayon ko lang naalala na kasama pala namin sina Axel ngayon dito sa kwarto. Shit! Nakakahiya. Para akong bata kung umiyak. "Lucas, binago namin ang schedule ng pasok dito sa Devihell school. Sabado at linggo na ngayon ang may pasok"
"Sino naman ang naka isip ng ganyang schedule?"
"Si Luke, para daw maprotektahan na natin ng maayos si Claire". Si Luke? Kahit papaano pala, may pake sa akin ang masungit na iyon. Hindi ko parin talaga makalimutan yung sinabi niya sa akin kanina. Pinigilan kong umiyak kanina dahil ayokong makita nila ako na dahil lang sa sinabihan ako non ni Luke. Totoo rin naman. At saka walang masama doon kasi ako rin naman nag sabi non sa sarili ko. "Salamat naman"
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK1)
Mystery / Thriller[BOOK1] : Devihell School (Everyone has a secret) Claire Clemente, was a transferee student in her new school name Devihell School. Isang simpleng babae na walang pinoproblema maliban sa kanyang pag-aaral. Isa lang ang pinapangarap ni...