CHAPTER 11

2.4K 88 0
                                    

"Claire?"

"Hoy Claire!"

Nagising nalang ako ng pagsasampalin ako ni Em. Napansin ko na naka uniform parin ako at naka sapatos pa. "Ano ba Em!"

"Hoy te! Kahapon ka pa tulog! Simula sa Clinic hanggang ngayon! Anyare te? Sarap tulog? Walang balak pumasok? Tamad lang?". ANO! Kahapon pa ako tulog! Papaano!?

Natandaan ko si quite boy o si Lucas. Natandaan ko pa nung sinabi niya sa akin yung pangalan niya at saka ako nakaramdam ng sakit sa ulo at ng mga kakaibang boses. Hindi ko maintindihan ang nangyari. Bakit buong araw akong natulog? Nakakapagtataka talaga.

"G-ganon ba"

"Ay hindi! Hindi ganon! Oo ganon te! Bumangon ka na nga dyan! Papasok na tayo! Yan kasi! Tulog pa more! With laway effect pa! Jusko babaita ka talaga!", lumabas siya ng kwarto at nag-dabog pa.

Bumangon ako sa higaan. Bigla nalang pumasok sa isipan ko ang sugat ko sa binti. Tinignan ko ito at nandito parin yung panyo ni Lucas. Tinanggal ko ito at pinagmamasdan kung may dugo. Pero wala akong nakita kahit tuldok man lang. Wala talaga. Papaanong..?

Tinignan ko ang binti ko.

"Shocks! Bakit nawala!? Wala man lang peklat!"

Gawa ba ito ni Lucas? Oh may magic.. Yung panyo niya siguro na tinali niya sa binti ko. Iyon siguro ang nag-pagaling sa sugat ko. Nakakagulat! Salamat sa kanya. Sana makita ko siya at makapag-pasalamat.

May nag-bukas ng pinto. Pumasok si Em na may dala-dalang uniform. "Oh yan te! Suotin mo muna! Kaloka ka!". Binato niya sa akin ang uniform sabay lumabas ng kwarto.

Pumunta ako sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo , pumunta na ako sa sala para mag- breakfast. Nag-madali na kami ni Em pumunta sa 1st subject namin dahil late na late na kami sa klase.

Nasa tapat na ako ng pintuan ng classroom. Naalala ko pa ang nangyari sa akin kahapon. Sina Tyler at Xylem. Natatakot akong pumasok. Pakiramdam ko may mangyayari na naman na kakaiba. Bahala na!

"Ayokong pumasok". Umalis na ako at pumunta sa labas. Magpapalipas nalang muna ako ng oras. Cutting na namern. Hahaha!

Pumasok sa isipan ko si Simon. Naaalala ko kung saan ko siya nakita. Sa likod ng paaralan, sa puno ng mangga.

Pumunta ako doon. Inaasahan ko na sana nandoon siya pero wala. Wala siya doon. Pumasok siguro yon. Pumunta ako sa puno. Ang laki, maganda, ang daming bunga, at nakakagaan ng pakiramdam. Umupo ako at sumandal sa puno. Pinikit ko ang aking mata para mas maenjoy ko.

Ngayon alam ko na kung bakit nandito kahapon si Simon. Ang sarap kasi sa pakiramdam. Sino ba naman ang hindi gustong mag-tambay dito, iisa na nga lang ang magandang puno dito. Paborito ko pa (mangga). Tsaka yung iba na kasi wala ng mga dahon. Nakakatakot kaya!

"What are you doing here?", nagulat ako ng may narinig akong boses. Napatayo tuloy ako ng wala sa oras. Nakita ko si Simon na nakatayo sa harapan ko. Gosh ano ipapaliwanag ko sa kanya! "A-ano kasi. Ano kasi.. Ano ahmm..". Mag-isip ka Claire!

"Dahil maganda dito?"

"Oo yon nga!", napakamot ako sa ulo dahil sa hiya. Claire ano ka ba naman! Umayos ka!

"E-eh ikaw a-anong ginagawa mo dito?"

"Paborito ko kasi itong lugar"

"G-ganon ba", umupo siya at sumandal rin sa puno. Katulad rin sa ginawa ko kanina. Nakapikit din siya.

Hindi talaga siya nagbabago. Napaka gwapo niya parin at napaka bait. Shit nakalimutan ko na hindi niya ako naaalala. Nakakaasar naman!

"Claire?". Alam niya ang pangalan ko?

Devihell School (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon