CHAPTER 21

2K 71 1
                                    

Luke's Point of  View

"Luke, ano ng gagawin natin ngayon? Paano na natin matutulungan si Claire?". Tanong sa akin ni Axel. Nandito kami ngayon sa 4th floor. Hindi namin kasama si Lucas dahil kailangan niyang bantayan si Claire. Nag-iikot kami dito sa school. Gabi-gabi, ganito ang ginagawa namin. Iniikot namin ang buong school dahil tinitignan namin kung wala ng mga ibang students na nasa labas. Dahil kung meron man, bibigyan ko sila ng punishment. Simple lang naman ang ibinibigay ko sa kanilang punishment. Tumayo sa labas ng school sa tapat ng arawan sa loob ng 24 hours na walang kain at walang tubig. Easy lang hindi ba?

"Hindi ko pa alam. Mas lalo tayong kabahan kung bumalik na dito ang dalawa pang miyembro ng TDP"

"Hindi ba sila lang naman ang problema natin? At saka ang pinagtataka ko, anong ginawa nila sa loob ng walong taon? Namasyal ba sila? Nag-hanap ng chix? Oh hindi kaya, hinahanap nila si Claire?". Sabi ni Kyle sabay subo ng kanyang paboritong candy, ang lollipop.

Walong taon na wala ang dalawang miyembro ng TDP dito sa Devihell School. Pwede kaming maka labas dito kahit gusto namin. Maliban lang sa mga istudyante na matagal ng nag-aaral dito. Pinadala lang kami para pamunuan ang school na ito. "Oo nga noh! Tama ka Kyle! Kahit papaano gumagana yang utak mo. Pinagisipan mo siguro yan ng ilang taon?"

"Pwede ba? Wala tayong oras para sa kalokohan niyong dalawa. Ikaw Axel at Kyle, ang pinaguusapan natin ang kaligtasan ni Claire. Hindi yang pag-iisip niyong dalawa!"

"Sorry na boss Crade. Hindi lang talaga maalis sa isipan ko ang walong taon na wala sila dito". Hindi na sila nag-salita pa. Nag-focus nalang kami sa paghahanap ng mga istudyante na nasa labas.

"Tyler"

Kailangan ko siyang mapatay. Kung hindi, mas lalo kaming mahihirapan pag nandito na siya. Kaya hanggangwala pa siya, susulitin na namin ito.

G*go ka talaga Tyler. Binibigyan mo na naman kami ng problema. Hindi ako makakapayag na patayin mo siya.

Binilisan ko ang paglakad ko. Dapat kong mahanap si Tyler dahil kung hindi...

"AAHHH!"

"Si Claire!"

Agad akong tumakbo papunta sa dorm nina Claire at Lucas. Sumunod naman sila sa akin. Pag-dating namin sa dorm nila agad namin binuksan ang pinto at pumunta sa kwarto nilang dalawa. Nakita namin si Lucas na naka higa sa sahig katabi si Claire. Fuck nahuli kami ng dating. Lumapit sina Crade sa kanila. Lumapit naman ako sa bintana na nabasag at lumingon-lingon sa ibaba.

"Anong nangyari?"

"May tama siya ng bala sa dibdib"

"WHAT!?"

May nakita akong tao sa baba na naka suot ng kulay itim na damit at kulay pula na maskara. Sinasabi ko na nga ba!

Agad akong tumakbo palabas.

"Luke saan ka pupunta!?"

Hindi ko sila pinansin at nag-patuloy lang akong tumakbo. Pinuntahan ko ang lugar na kung saan yung taong nakita ko kanina. Pero hindi ko siya nakita. Nakarinig ako ng apak ng paa sa likod ko. Agad akong tumalikod at nakita ko siya. Sasaksakin niya sana ako patalikod pero napigilan ko siya. Kinuha ko sa kanya ang kutsilyo at tinanggal ang maskara niya. Pero pakiramdam ko hindi siya yung taong nakita ko kanina lang. Na saan siya? Paanong nangyari ito? "Huwag niyo po akong saktan! Inosente po ako! Wala akong ginagawa! Hindi ko makontrol ang sarili ko! Patawad!"

Devihell School (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon