Nasa harapan ko ngayon si Luke. Bakit ba tuwing nababangga ako lagi nalang si Luke? Tapos kung makabangga naman ako ang tigas, parang pader. Mamuscle siguro yung lalaking ito. Ang sakit-sakit eh! Parang bakal lang peg? Tao ba talaga siya?
Dahil ayokong makausap itong lalaking to tumalikod ako sa kanya. Humawak ako sa ulo ko at nag-kunwari na sumasakit.
"A-aray naman. Kahapon pa ako nababangga ah. Napaka malas naman oh! Nakakainis na ah". Pagkukunwari ko habang nakayuko parin ako at nakatalikod sa kanya. Bigla nalang akong nakaramdam na matigas na kamay sa ulo ko.
Ang sakit binatukan ako ni Luke! Ano bang ginawa ko sa kanya? Ang sakit ah!
"Kakaumpisa palang ng klase, cutting ka agad. Masipag na bata ka pala. Gusto mo bang bumagsak ang grades mo?". Bumagsak? Hahaha ako babagsak? Wala ngang tinuturo yung mga guro dito kundi patahimikin lang kami at sabihan ng I need respect. Tapos magkakaroon ng grades? Sira ulo ba siya!? Mokong ito! Baliw eh -_-
"Hindi na ako bata! At wala akong pake alam sa grades ko. At saka dito? Magkakaroon ng grades? Nihindi nga sila nagtuturo! Tsaka ang sakit kaya ng ginawa mo! Pabawi ako!". Tumayo siya ng maayos at pinagmumukha niya na mas matangkad siya kaysa sa akin. Oh edi siya na! Siya na panalo.
"Batukan mo, kung abot mo nga lang". Sabi ko na nga ba, ipagyayabang niya na mas matangkad siya kaysa akin. Sa totoo lang nagpapasalamat ako sa sapatos nila dito, nakapagdagdag sa height ko. Qiqil niya si ako!
"Hoy ikaw!", tinuro ko siya ng kamay at tinataasan ng kilay. "Di-porket mas matangkad ka, ginaganyan mo na kami! Grabe ka talaga! GRABE! As in G-R-A-B-E!". Hindi ko na mapigilan na sigawan siya dahil naiinis na talaga ako sa kanya. Ako kasi yung tipong tao na mabilis lang mapikon kaya kanina g na g ako kay Tyler nung inaasar niya ako.
Humakbang siya papalapit sa akin at umaatras ako palayo.
"L-luke?". Wala na akong maatrasan kaya nakasandal na lang ako sa pader. Inaatras ko nalang yung ulo ko dahil nilalapit niya yung mukha niya sa mukha ko.
Natakot ako nang bigla niya nalang suntukin yung pader malapit sa mukha ko. Muntikan pa akong lumuha dahil sa sobrang takot. Hindi ako makagalaw. Naninigas ang aking paa. Nakatayo lang ako dito ng diresto at nakatitig sa mata ni Luke. Ganon din siya. Pinagpapawisan na ako. Ano bang gusto niya!?
"Ano man ang mangyari, wag kang makikipag-usap sa kanila. Naiintindihan mo ba ako!?". Natatakot ako sa kinikilos niya ngayon. At sino ang ibig niyang sabihin?
"S-sa kanila? S-sino?". Paputol-putol kong sabi dahil sa halong takot at kaba. Huminga naman ako ng malalim nang lumayo siya ng kaonte sa akin. Yumuko ako para hindi ko makita ang kanyang nakakatakot na mukha.
Jusko kinabahan ako doon ah! Akala ko may gagawin pa siya pero sinabihan o sinigawan niya lang pala ako.
Pag-tingin ko sa kanya ay wala na siya. Umalis na siya ng hindi ko man lang alam? Shit ang bilis naman niyang makaalis. Nakakainis siya! Tinatakot lang niya siguro ako. Bwiset siya!
Tinignan ko yung pader na sinuntok niya at nabigla ako dahil warak na warak ang pader na may tumutulo pang dugo.
"May dugo! Jusko baliw ba siya? Ok lang ba yung mokong na yon? Hays"
Grabe talaga yung ginawa niya sa sarili niya. Warak na warak talaga yung pader! Ganon ba talaga siya kalakas? Bwiset bat naman ako nag-aalala sa kupal na yon? Shit kahit na, nasaktan parin siya. Sino ba naman kasing babaliw-baliw na sinuntok ang pader na malakas. Eh langya pala siya eh! Nag-aalala tuloy ako... WHAT! No Claire! NO! Hindi dapat ako pwedeng mag-alala sa kanya kaya bahala na siya sa buhay niya! Letche!
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK1)
Mystery / Thriller[BOOK1] : Devihell School (Everyone has a secret) Claire Clemente, was a transferee student in her new school name Devihell School. Isang simpleng babae na walang pinoproblema maliban sa kanyang pag-aaral. Isa lang ang pinapangarap ni...