CHAPTER 7

2.7K 96 1
                                    

"Ako si Simon"

Sabi ko na nga ba, siya si Simon. Namiss ko na talaga siya. Bakit ngayon lang niya naisipang mag-pakita sa akin. Nakakainis siya!

"Umupo na kayo sa likod". Naunang lumakad sina Tyler at Xylem. Nasa likuran naman nila si Simon. Kinakabahan ako habang palapit siya ng palapit sa akin. Nakaupo na sina Tyler at si Xylem sa upuan samantala si Simon huminto pa sa gilid ko. Shit kinakabahan ako. Bakit pa siya dito huminto. Nilingon ko siya at nakita ko siyang nakapikit habang nakikinig ng music sa earphone niya. Dumilat siya at... Shit! Tinignan niya ako! Hindi kaya naalala niya pa ako? Sana nga.. Sana nga Simon maalala mo pa ako. Simon! Simula elementary hanggang ngayon crush parin kita! Sana makilala mo ako. Sana!

Iniwas niya na ang tingin niya sa akin at umupo na siya. Nasa likod ko si Tyler. Katabi niya si Xylem kasunod naman niya si Simon. Hay akala ko naman uupo siya sa likod ko yon pala hindi. Nakakatuwa na nakakaasar. Nakakatuwa kasi magkaklase kami dito. Nakakaasar dahil ang layo niya sa akin..

Tumayo si Luke at lumabas ng klase. Sumunod naman sina Axel at si lollipop boy. Magkakaibigan ba yung mga yon? Teka ano ba kasing problema nila? Bakit sila nagsisialisan? Ayaw ba nila kina Simon? Arte nila ah! "Excuse me class", lumabas din si sir Ian at iniwan kami. Hay tatahimik nalang ba talaga kami dito? Wala ba talaga silang balak mag turo kahit kaonte man? Nakakaloka. Napansin ko na may umupo sa upuan ni Luke.

"Ako si Tyler, ikaw?"

"Alam ko"

"Stalker?", ang kapal ng mukha sabihan ako na inistalk ko siya! T*nga ba siya? Eh nagpakilala nga sila kanina. "Nangangarap ka ba?"

Tumayo siya at bigla niya nalang nilapit yung mukha niya sa mukha ko. Muntikan pang mag-lapit yung bibig namin sa isa't-isa. Anong ginagawa niya? Balak niya ba akong halikan? Napapikit nalang ako baka kung ano kasi gawin niya sa akin.

"At nangangarap ka naman na hahalikan kita?". Minulat ko ang aking mata at tinulak ko agad ang mukha ni Tyler. Nakakabwiset siya! Inaasar niya lang ako! Tapos binabalik niya lang yung sinasabi ko. Nakakainis!

"Kinilig ka naman?"

"Asa ka naman!"

"At umasa ka naman na hahalikan kita?". Sa totoo lang kaming dalawa lang yung maingay dito. Bwiset! Bago palang siya dito, inaasar niya na ako agad. Nilapit niya ulit ang mukha niya sa akin kaya napaatras ako.

"Eh kung totohanin ko, anong gagawin mo?"

"Pwede bang tumigil ka na! Ginigigil mo ako eh!"

"Hahaha ang ganda mo". Seryosong sabi niya. Natulala ako sa sinabi niya. Alam kong nagbibiro siya at pinagtitripan niya lang ako, kaya hindi ako maniniwala. Tumingin siya sa katabi ko at ganon din ako. Bakit siya nakatingin kay Samantha? Tumingin din si Samantha sa kanya pero iniwasan niya rin ito kaagad. Ramdam na ramdam ko na natatakot si Sam kay Tyler. Nanginginig din ang kanyang paa. Hindi kaya may ginawang masama si Tyler sa kanya?

"Tyler! Umupo ka na dito". Sumunod naman si Tyler sa sinabi ni Xylem kaya bumalik na siya sa upuan niya. Si Simon kaya? Wala ba siyang balak na kausapin ako? Hay.. Nangangarap na naman ata ako ng gising. Claire tandaan mo! Never ka niyang kinausap! Kinakausap ka lang niya kapag may kailangan siya kaya wag kang mangarap pa na kakausapin ka niya. Masasaktan ka lang Claire ok!

Lumabas na ako ng klase dahil nabobored ako at hindi mapakali na kaklase ko ngayon si Simon. At isa pa wala rin naman akong gagawin doon. Kaya ito ako ngayon. Cutting na naman. Haha ganito naman talaga yung gawain ko pag sa oras na nabobored ako or tamad na tamad na ako. Palakad lakad lang ako dito. Syempre sinimulan ko muna sa 1st floor. Napansin ko na marami palang pasikot-sikot dito. Mayroon ngang daanan tapos mawawalan din ng daan. May masikip na daanan tapos pasikip na siya ng pasikip hanggang sa hindi ka na makadaan. Akala mo may likuan yun pala wala. May mga pintuan nga may mga nakaharang naman na pader. Hindi nalang ako dumadaan sa mga lugar na yon dahil ayokong maligaw dahil sa daming pasikot-sikot dito. Sino kayang baliw na nag-decorate ng school na ito. Nakakabobo, hindi ko makabisado yung mga daan dito.

Devihell School (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon