Pinikit ko ang aking mata at hinihintay si Zaleus na isaksak sa akin ang hawak niyang espada. Nakaramdam ako ng malamig na hangin na dumaan sa harapan ko. Anong nangyayari? Bakit hindi ko pa maramdaman ang espada sa katawan ko? Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako?
Pagmulat ko ng aking mata, nakita ko si Luke na naka talikod sa akin na hawak-hawak ang espada ni Zal. "L-luke?"
"Ang astig naman, nandito na pala si Luke. Ang leader ng Guardian Prince. Bakit ikaw lang ang nandito? Hindi bat lima kayo?"
"Itigil mo na ito Zal", magkakilala sila? Papaano?
"Well, well, well, hindi mo na ako matatakot Luke. Sabihin na natin na ikaw ang pinaka malakas sa ating lahat. Pero alam kong may kahinaan ka rin. At aalamin ko iyon para mawala ka na sa mundong ito! Tutal matagal ka narin naman wala". Anong ibig sabihin ni Zal? Naguguluhan ako sa sinasabi niya. May hindi pa ba sinasabi sa akin sina kuya? May tinatago pa ba silang sikreto sa akin? "Manahimik ka!"
"Opps, hinay hinay ka lang. Remember, kahit na may kapangyarihan kang ganyan masasaktan ka parin at masusugatan. Baka nakakalimutan mo ang mangyayari sa huli kapag nakuha niya ang dalawang libro. Kaya kung ako sayo umalis ka na dyan and let me kill her now!". Tama nga ako. May hindi pa sila sinasabi sa akin.
"Umalis ka na bago pa kita patayin"
"Fine"
Inalis ni Zal ang espada niya sa kamay ni Luke. Tinignan muna ako ni Zal sa mata bago siya umalis.
"Tumayo ka na dyan"
"S-sige"
Sinubukan kong tumayo pero hindi ko magawa. Sumakit ang dalawa kong binti kaya natumba ako. "AHH!", bwiset! Paano na ako nito? Paano na ako makakalakad kung ganito ang binti ko? Argh!
"Tsk"
Isa pa itong lalaking ito! Nagawa niya pang magalit sa akin. Eh siya kaya ang tamaan ng kutsilyo tapos naka baon pa sa binti niya at may mga sugat pa sa binti! PSH!
"Tatawagin ko nalang si Lucas para tulungan ka". Si kuya? Nako hindi! Ayokong kunin pa niya ang mga sugat ko. Ayoko na siyang mahirapan pa. Ayokong palaging umaasa kay kuya. Niligtas na niya ako kagabi tapos ililigtas niya parin ako ngayon? Tama na iyon!
"Teka Luke! Please, ayokong sabihin mo kay kuya ang kalagayan ko ngayon. Nagmamakaawa ako sayo Luke, please!"
Huminga muna siya ng malalim at saka lumapit sa akin. Tumalikod siya at umupo. Anong ginagawa niya? "Sumakay ka sa likod ko. Ako na ang gagamot sayo". Nagulat ako sa sinabi niya. Totoo ba ang sinabi niya sa akin? Siya na daw mismo ang gagamot sa akin? "Pero papaano ako sasakay dyan sa likod mo?"
"Tsk!", tumayo siya at walang paalam na binuhat ako. Hindi niya sinasadya na mahawakan ang sugat ko sa binti kaya napa aray ako. Hindi niya ako pinansin at nag-patuloy lang siyang mag lakad.
Habang buhat-buhat niya ako, hindi ko maiwasan na mapatingin sa mukha o mata niya. Nakaka attract talaga yung mata niya. Ang astig talaga ng kulay. Kulay blue. Gumagaan ang pakiramdam ko pag naka tingin ako sa mata niya. Pero, naalala ko sa mukha niya yung sinabi niya sa akin kagabi. Hindi ko parin iyon makalimutan.
Dinala niya ako sa library. Ano naman ang gagawin namin dito?
Binaba niya muna ako saglit. May kinuha siyang libro. Laking gulat ko na bigla nalang nawala yung lamesa sa gitna. Teka ano bang nangyayari? Hindi kaya may secret room sila dito kaya ayaw na ayaw nilang mag-papasok ng mga estudyante dito?
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK1)
Mystery / Thriller[BOOK1] : Devihell School (Everyone has a secret) Claire Clemente, was a transferee student in her new school name Devihell School. Isang simpleng babae na walang pinoproblema maliban sa kanyang pag-aaral. Isa lang ang pinapangarap ni...