CHAPTER 30

1.8K 62 3
                                    

"A-ano?"

"Matagal na kaming patay Claire. Kaming lahat maliban lang sa mga students at teachers dito. Galing lang kami sa maliit na bilog Claire.  At doon banda ang kahinaan namin. Kahinaan ang tawag namin sa bilog na iyon. Pag nawala sa katawan namin ang bilog na iyon, pwede na kaming mag laho. Kahit na tamaan pa kami ng bala sa ulo o sa katawan, hindi kami mamamatay hangga't hindi naaalis ang bilog sa katawan namin. Kaming lima, binuhay lang kami ng libro para iligtas kayo. At sina Matt, binuhay sila para pigilan kami at gumawa ng mga masasamang bagay dito sa Devihell School. Dalawa ang uri ng libro. Isang kulay pula at isang kulay puti. Ang kulay pula, gawa iyon ng anak ng teacher dito para mag-higanti. At ang librong iyon ay binuhay sila Matt at tinawag nila ang sarili nilang The Death Prince's. At kami naman ay sa kulay puti. Tinawag naman namin ang sarili namin na Five Guardian Prince's. Hindi namin alam kung saan nang galing ang puting libro na iyon. Sinubukan namin dati na pigilan ang kasamaan dito pero hindi kami nag tagumpay. Pinarusahan kami. Nawala ang puting libro at dahil doon ay nanghina ang kapangyarihan namin. Ang TDP naman, pinarusahan sila dahil sa isang miyembro nila na sumaway sa utos ng may ari ng libro. At iyon ay si Simon. Tatlo ang naging parusa nila. Ang parusa kay Simon, idamay ang pinakamamahal niyang kapatid na si Emily. At isa pa, nawala rin ang pulang libro at nanghina rin sila", ano? Si Simon at si Emily ay... Magkapatid? Ibig sabihin nito... Ang kuya ni Emily ay si Simon!?

"Pero ang isa pang parusa nila ay hindi pa namin alam. At isa pa pala, ang maliit na bilog na iyon ay ang bumubuhay sa amin. Patawad Claire kung marami kaming hindi nasabi sayo. Wag ka sanang magalit"

Ang ibig sabihin nito matagal na talaga silang patay? Hindi ito pwede. Hindi sila patay. Hindi sila binuhay ulit. Buhay talaga sila. At isa pa, si Matthew. Hindi siya patay. Alam ko iyon at nararamdam ko iyon!

"Tama na Claire. Mas maganda kung malaman mo na ang lahat. Nag-aaral kaming lahat dati dito nung Devine School pa ang pangalan ng school na ito. Kami nina Crade, Axel, at Kyle may field trip kami noon pero naaksidente kami sa bus kaya namatay kami. Si Tyler at si Xylem, parehas silang nag-suicide dahil sa mga kaklase nilang lagi silang binubully. Ang dalawa mo namang kuya ay sabay na namatay dahil sa car accident. Nag-sinungaling ang kuya mo sayo. Ang totoo niyan magkakasama kayo noon sa kotse at na aksidente kayo. Ikaw lang ang nabuhay sa inyong tatlo. Si Simon, namatay siya dahil sa sakit sa puso. Si Zal at si Matthew, mag-kapatid ang dalawang iyon. Naalala mo pa ba ng iniwan ka ni Matt na walang paalam? Dito sila lumipat ng bahay at dito rin siya lumipat ng school. Namatay sila dahil sa sunog. At ngayon alam mo na. May tanong ka pa ba? May hindi ka pa ba naiintindihan?"

Paanong nagawang mag-sinungaling sa akin ni kuya? Akala ko ba si kuya Neon lang ang namatay.. Pati rin siya? At kasama ko pala sila sa kotse nung naaksidente ako. Nagka-amnesia ako nung panahon na iyon kaya wala akong maalala. Pero ako lang ang nabuhay sa aming tatlo. Pare-parehas lang silang mga sinungaling. Nag mukha akong tanga dito. Wala akong kaalam-alam na lahat pala sila ay matagal ng patay o wala na sa mundong ito.

"Wag kang magalit. Hindi naman namin ginusto ito Claire. Patawad kung tinago namin sayo ito", hindi ko mapigilan na maiyak. Tinapik-tapik ni kuya ang likod ko para patahanin ako. "Paano ba yan? Wala na sina Tyler at Xylem. Sina Matthew at Zal pa at si Simon", si Simon?

Nagulat ako sa sinabi ni Kyle. "Hindi niyo pwedeng patayin si Simon! Iyon nalang ang mabuting magagawa ko kay Em! Hindi niyo siya pwedeng patayin!"

"Claire! Makinig ka, wala rin magagawa si Simon kundi patayin ka. Kaya da__"

"No! Kahit na anong mangyari sa akin, hindi niyo siya pwedeng patayin!", kumaripas ako ng takbo at pumasok sa loob. "Claire!"

Hindi ko sila pinansin at pinagpatuloy ko lang ang pagtakbo ko.

Devihell School (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon