"S-sam?"
Muntikan akong masuka sa nakita ko sa harapan namin. Si Sam. Nakapako ang kanyang ulo at dalawang kamay sa pader. Parang katulad sa panaginip ko. Ganito rin ang itsura niya sa panaginip ko. Totoo ang nangyari? Totoo ang panaginip ko? Hindi ako makapaniwala. Hindi kaya na nanaginip na naman ako?
"SAM! SINONG MAY GAWA SAYO NITO!". Sigaw ng babae na nakaluhod sa harap ni Sam habang umiiyak. Naaawa ako sa kanya. Nahawa na rin ako sa pag-iyak niya. Sinong may gawa nito sa kanya? Sobra-sobra naman ang pagpapahirap nila kay Sam. Wala silang awa! Wala silang puso! Napaka sama nila!
"C-claire tignan mo sa sahig. May nakasulat". Bulong sa akin ni Em. May nakasulat na "Papatayin kita!". Katulad rin ito sa panaginip ko! Yung sinasabi sa akin ni Sam na papatayin niya ako. Pero hindi. Hindi siya ang papatay sa akin kundi iba. Pero sino? Bakit niya ako papatayin at sa anong dahilan? Bakit niya pinatay si Sam kung ako naman ang plano niyang patayin?
"KUNG SINO MAN SI CLAIRE, MAGBABAYAD SIYA". Nagulat ako sa sinabi ng babae. Ako ba ang sinisisi niya sa pagkamatay ni Sam?
"A-ako si Claire". Tumigil sa pag-iyak ang babae at lumingon ito sa akin at tumayo. "IKAW!", tinuro niya ako at sabay siyang lumapit sa akin para sampalin ako. Tinulak ni Em ang babae at napaupo ito sa sahig.
"Bakit mo siya sinampal!?"
"DAHIL SIYA! SIYA ANG DAHILAN KUNG BAKIT NANGYARI ITO KAY SAM! MAGBABAYAD SIYA SA AKIN! PAPATAYIN KO RIN SIYA! HINDI KO SIYA MAPAPATAWAD!"
"A-ako? H-hindi!". Naguguluhan parin ako sa sinabi sa akin ng babae. Bakit niya ako sinisisi? Anong nagawa kong masama sa kanya?
"Oo ikaw! Nagpaalam siya sa akin na pupuntahan ka lang daw niya sa dorm niyo dahil may sasabihin siya sayo! Pero nag-aalala na ako dahil ang tagal niya ng hindi nakakabalik kaya hinanap ko siya! Tapos ito ang mangyayari sa kanya? Wala kang puso! Kasalanan mo to! O kaya, ikaw ang pumatay sa kanya!? Walang hiya ka!". Balak ni Sam pumunta dito para lang sabihin ang gusto niyang sabihin? Pero sabi ni Sam sa akin bukas kami mag-uusap. Sam? Kung sino man ang gumawa sayo nito, makonsensya sana siya. Kung may nagawa man akong mali sayo mapatawad mo sana ako. Sorry Sam. At itong babae kung sino man siya. Maniwala sana siya sa akin na hindi ako ang pumatay sayo.
"T-teka lang, wala akong alam sa pinagsasabi mo! Wag mo ako sisihin sa nangyari sa kanya!"
"WAG KANG MAG-SINUNGALING! IKAW! IKAW ANG PUMATAY S___". Bigla nalang may sumapak sa mukha ng babae. Nakatulog agad ito dahil sa lakas ng pagkasapak sa kanya.
"N-nerd boy?", bakit siya nandito? Bakit niya sinapak yung babae? Napansin ko rin na nandito sina Axel, Kyle, Quiet boy, at Luke. Nandito silang lima? Wag mong sabihin na mag-kakaibigan silang lima? Tinignan nila isa-isa ang mga estudyante dito. Agad naman na nag-sibalikan ang mga estudyante sa kanya-kanyang dorm. Hinila ako ni Em papasok sa dorm.
"T-teka anong ginagawa mo!?"
"Mas mabuti pa na wag na tayong makisali pa sa gulo na yon. Tsaka Claire wala kang kasalanan! Wala tayong alam tungkol sa ikinamatay na Sam na yan kaya mas mabuting matulog na tayo"
"Pero--"
"Wala ng pero pero, tara na", sinunod ko nalang ang sinabi sa akin ni Em. Humiga na ako sa kama habang iniisip ang nangyari kanina..
Napaka inosenteng tao naman ni Sam para gawin yung bagay na yon sa kanya. Napaka sama nila! Hindi man lang sila naawa kay Sam. Siguro demonyo ang gumawa sa kanya non. Makarma sana sila sa ginawa nila kay Sam.
Sam, kung ano man ang gusto mong sabihin sa akin sana sabihin mo man lang kahit sa panaginip. Gusto ko kasing malaman kung anong gusto mong sabihin sa akin.
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK1)
Mystery / Thriller[BOOK1] : Devihell School (Everyone has a secret) Claire Clemente, was a transferee student in her new school name Devihell School. Isang simpleng babae na walang pinoproblema maliban sa kanyang pag-aaral. Isa lang ang pinapangarap ni...