CHAPTER 35

1.7K 66 1
                                    

"HINDI!! WAG!"

Lumipad papunta si Sabrina kay Matthew pero na huli siya. "MATTHEW!", sinaksak ni Matthew ang kanyang ulo. Bumagsak siya sa sahig. Maraming dugo na umaagos sa ulo niya.

Nagsisigaw-sigaw si Sabrina. Para siyang nabaliw at paunti-unti siyang nag-lalaho.

"AHHHH! HINDI ITO PWEDE! AYOKO PANG MAWALA! AHHH!"

Bigla siyang sumabog at may mga maliliit na bilog na kulay pula ang nagsilutang sa itaas. Hindi ko alam kung bakit biglang napunta sa itaas ang pulang libro. Bumukas ito at nag-liwanag. Ang mga maliliit na bilog ay nagsikislap at biglang nag-laho. Bumagsak sa baba ang libro at naging notebook ito.

"MATTHEW!"

Tumakbo ako papunta kay Matthew at ginigising siya.

"Matthew! Hindi ka pwedeng mawala! Hindi ka pwedeng mamatay ulit!"

Bago siya nag-laho, nakita ko siyang ngumiti at ang kanyang mga mata naman ay may luha pa. Bigla nalang may bumagsak sa itaas na maliit na bilog na kulay blue-gray. Hindi ito maaari.

"MATTHEW!", bumuhos ang aking mga luha. Para akong bata kung umiyak ngayon dito.

Para akong nabagsakan ng langit at lupa ng mahawakan ko ang bilog na iyon. Hindi ko kinaya. Para akong namatayan ng kapatid o magulang sa sobrang lungkot ko. Bakit ganito? Kahit alam ko na matagal na siyang patay, pakiramdam ko buhay siya. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ang sakit-sakit. Hindi ko kaya. Ayoko na. Matagal-tagal kong pinangarap na mag-kita ulit kami ni Matthew. Ang aking kababata. Kung kailan na kami nag-sama ulit at nag-kita, saka pa siya mawawala. Kakaonte palang ang mga pinagsamahan namin dito. Bakit? Bakit ang bilis ng pangyayari? Hindi ko tanggap na wala na si Matthew. Ayokong maniwala. Sana panaginip lang ang lahat ng ito. Sana hindi totoo. Dahil ayokong maniwala. Ayoko!

May naramdaman akong humawak sa balikat ko. Tinignan ko kung sino at nagulat ako sa aking nakita. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit na parang isang taong hindi nag-kita.

"Kuya Neon..."

"Tahan na", tinapik-tapik niya ang aking likod na mas lalo kong kinaiyakan. "Bakit? Bakit nangyayari ang lahat ng ito. Ayoko na. Pagod na ako. Gusto kong bumalik sa dati. Yung wala pa kami dito"

"Sshh tahan na. Hindi na dapat natin binabalikan ang nakaraan dahil kahit anong gawin mo ay mangyayari parin ang dapat na mangyari. Kaya tahan na"

Humiwalay na ako sa pag-yakap ko sa kanya. Tama nga naman siya, kahit anong gawin ko ay mangyayari parin ang lahat ng ito. At wala narin naman akong magagawa pa dahil matagal narin naman silang patay. Kahit na patagalin pa ito, mawawala't mawawala parin sila. Kaya hindi na ako aasa pang mabuhay sina Matthew, Emily, at si Simon.

"Claire! Neon!"

Parehas kaming tumingin ni kuya Neon sa likod niya. Nakita namin sina kuya Lucas, Crade, Kyle, Axel, at Luke. Paano nangyari ito? B-buhay sila? A-akala ko ba pag natapos na ang lahat ng ito.. Mawawala narin sila?

"Claire!"

"Kuya!", lumapit sa akin si kuya at niyakap ako. "Neon, bakit hanggang ngayon ay nandito parin kami? Hindi ba dapat...", tanong ni Kyle sabay kamot sa ulo. Parehas kami ng iniisip. "Hindi ko na babawiin pa ang inyong buhay. Mananatili kayo dito kasama si Claire. Utos iyon ni Bathala"

"A-ano? Kung ganon.. B-buhay na ulit kami!? Hindi na kami patay!? I mean nabuhay ulit kami!?"

Tumango nalang si kuya Neon sa kanila. Tuwang-tuwa sina Kyle at Axel habang nagsisitalunan. Inakbayan naman ni Crade si Luke. Tumawa sina kuya Lucas maliban lang kay Luke. Sumabay naman sa trip nina Kyle at Axel si kuya Lucas. Masaya akong nakikita silang nagkakatuwaan. "Ibig sabihan ba.. Tapos na ang lahat ng ito?"

"Tama ka Claire", hindi ko namalayan na nasa tabi ko parin si kuya Neon. Tapos na ang lahat ng ito? Hindi na ba ako mahihirapan pa ulit? Hindi na ba ako ulit masasaktan at masusugutan? Tapos na? Tapos na ang paghihirap ko?

"Wala ka ng dapat pang ipag-alala pa Claire. Tapos na ang lahat. Nag tagumpay ka sa misyon mo. Salamat Claire at naibalik mo sa lahat ang dati"

"A-ano?"

Napansin ko na nagliliwanag na. Malapit ng mag-umaga.

Nang makita na namin ang araw, napansin ko na nag-iba ang paligid. Ang mga puno ay nagkaroon na ng mga dahon. Ang lupa naman ay naging maayos at nagkaroon ng mga damo at magagandang bulaklak. Nakita naman namin ang school sa malayo. Naging maayos, maganda at naging ordinaryong paaralan. "Pero kuya, hindi ko parin naiintindihan na n___", agad na nag-salita si kuya Neon kaya natigil ako sa pag-sasalita.

"Nung matapos na mahawakan ni Luke ang libro? Mali ang akala ni Zaleus kapag nahawakan ni Luke ang libro ay mamamatay sila. Ang totoo niyan walang mangyayari sa kanila. Sa pagkakaalam ni Luke ay mawawala sila pero hindi iyon totoo. Ang libro ay hindi kahinaan ni Luke. Ikaw ang kahinaan niya Claire. Bumulong ako sa kanya na walang mangyayari sa kanyang masama kaya matapang niyang hinawakan ang libro. Ako ang nasa loob ng libro na iyon. Kapag nalapitan ko si Sabrina, matatapos na ang lahat. Pero humarang si Zaleus kanina kaya hindi ko agad nagawang patayin si Sabrina", kaya ba nagising si Luke kanina at bumalik siya sa sarili niya dahil tinulungan siya ni kuya Neon? Binulungan siya ni kuya Neon kung anong gagawin niya para mailigtas niya kami. At ang kahinaan ni Luke ay hindi ang libro. Walang iba kundi ako.

"Ang totoo niyan ako ang gumawa ng puting libro na iyon", si kuya ang nagmamay-ari ng puting libro?

"May lalaking nagugustuhan noon si Sabrina. At ako ang lalaking iyon. Gusto ko rin siya kaya naging kami. Bago siya mamatay, may sinabi siya sa akin na ipaghihiganti niya ang kanyang ina. At alam ko kung anong paraan ang paghihiganti niya. Walang iba kundi ang kanyang mga isinulat niya sa pula niyang notebook. Naging libro ito matapos siyang mamatay. Nung wala na siya, nag-sulat ako sa puting notebook kung paano bumuhay ng tao gamit lang ang isang notebook. Plano kong buhayin si Sabrina at ang kanyang ina. Nang matapos kong gawin iyon, kinausap ko si Sabrina sa panaginip ko. Pero tumanggi siya. Kaya gumawa nalang ako ng ibang paraan. Ililigtas ko nalang ang mga estudyante dito kaysa sa kanilang dalawa. Dala-dala ko ang puting notebook ko nung nagbakasyon tayong tatlo nina Lucas. Pero na aksidente tayo noon. Ikaw lang ang nabuhay Claire. Nang mamatay ako, may isang taong tumulong sa akin para magawa ko ang gusto kong gawin. Siya rin ang taong tumulong kay Sabrina para mag-higanti. May iba't-iba siyang kapangyarihan. Binigay niya sa akin ang puting notebook ko at naging libro ito. Binuksan ko ito at may mga lumutang na picture ng tao o estudyante sa school na ito. Sabi niya na pumili daw ako ng limang tao na tutulong sa akin para kalabanin si Sabrina at ang kanyang limang piniling tao para tulungan siyang mag-higanti. Iyon ay sina Matthew. Pinili ko sina Luke dahil may tiwala ako sa kanila. At dahil narin kilala na nila ang isa't-isa dahil magkakaklase sila noon. Dahil sa sobrang lakas at kasamaan ni Sabrina, napasunod niya ang tumulong sa aming dalawa at naging demonyo ito. At ito na nga iyon. Nangyari na nga ang hindi ko inaasahan. Masaya ako at natulungan niyo akong pigilan si Sabrina. Salamat sa inyo"

Ngumiti sa akin si kuya Neon. Nakita kong may luha sa kanyang kaliwang mata pero agad niya itong pinunasan. Ramdam na ramdam ko ang pag-saya ni kuya at parehas lang naman kami ng nararamdaman. Masaya din ako sa nangyayari ngayon lalo na't tapos na ang lahat. Makakahinga na ako ng maayos.

Pinalutang ni kuya Neon ang pulang notebook ay nilapit niya ito sa kanya. Hindi ko namalayan na hawak-hawak niya pala ang puting... Notebook? Papaanong.. Oo nga pala.. Tapos na pala ang lahat.

Lumakad paalis si kuya pero pinigilan ko siya. "Kuya Neon saan ka pupunta?"

"Wala na akong gagawin pa dito. Pwede na akong umalis. Paalam na". Niyakap ko muna si kuya Neon bago siya lumutang sa itaas.

"My job is done", sabi niya bago siya nag-laho. Naging puting paro-paro ito at lumipad pa itaas.

"Claire"

Tumingin ako kina kuya Lucas. Niyaya nila ako na mag-saya kasama silang lima. Agad akong tumakbo papunta sa kanila at nagsitawanan.

Salamat at tapos na ang lahat. Wala na kaming poproblemahin sa buhay. Masaya na kami at wala ng makakapigil pa sa amin.

Devihell School (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon