Tama ba ang narinig ko? Mag pinsan sila ni ma'am? Kaya pala kung makapag-alala siya kay ma'am ay parang kapatid niya na. Gusto ko siyang icomfort kaya nilapitan ko siya at niyakap. Hindi ko siya abot kaya tumingkad ako. Tangkad kasi!
Naramdaman ko na niyakap niya rin ako. Ang sarap ng pagkakayakap niya sa akin. Panaginip ba ito? I cannot! Hindi ako makahinga!
Ilang minuto kaming nagyakapan at maya-maya ay bumitaw na siya sa pagkakayakap niya sa akin. "Salamat Claire", hindi ko talaga maiwasan na kiligin sa kanya tuwing nagkakatinginan kami sa mata. "Wala iyon Axel hehe"
"Sa tingin ko sobrang late na tayo sa panghuli nating subject. Hindi nalang ako papasok". Shocks! Nakalimutan ko yung panghuli kong subject! Magkaklase pa naman kami ngayon ni Em at marami pa akong dapat akong ikwento sa kanya. "I gotta go, bye Axel".
Tumakbo agad ako papunta sa 1st floor para pumunta sa last subject ko (English subject). Pagpunta ko sa classroom, naabutan kong wala pang teacher. Kinaway-kaway ako ni Em at may tinuturong upuan sa tabi niya. Siguro gusto niya akong umupo doon. Umupo na ako sa tabi ni Em.
"Girl bakit ang tagal mo? Nakatulog ka ba sa 3rd subject mo ha? Grabe ka ha! Pasukan na pasukan matutulog ka lang sa klase? Aba werpa!". Hinampas ko siya sa balikat dahil sobrang daldal niya talaga. May binaliktad na naman siyang salita. (Pawer - werpa). Kalokohan talaga ng best friend ko.
"Aruy naman!"
"Ayt ano? Late reaction?"
"Naman! Ako pa ba!". Inirapan ko nalang siya at tinignan ko ulit isa-isa yung mga kaklase ko. Baka kasi may kaklase rin ako dito sa 1st, 2nd, at 3rd subject ko, pero waley pala. Akala ko kaklase ko si Axel. Paasa naman oh! Ako na naman itong umasa hay buhay.
"Hoy ano? Kumusta ang paghahanap ng lalaki dito? May nahanap ka ba?"
"Huh?"
"Anong huh? Eh kung makalingon-lingon ka dyan sa mga kaklase natin wagas. Kulang nalang matanggal yang mata mo". Loko talaga si Em. Kung anu-ano pinagiisip. Sa totoo lang kami lang dalawa yung maingay sa klase. Si Em kasi napakahyper. "Ewan ko sayo", sabi ko sabay irap sa kanya. "Wow ah taray ni ate may pairap-irap pa ang peg. Nakakaloka ka talaga hahaha!". Ang hyper talaga ni Em. Hindi ko matiis ang pagkahyper nito. Ang sarap buhusan ng mainit na tubig.
"By the way, kumusta yung 1st to the 3rd subject mo?"
"Jusko tinanong mo pa Em. Marami akong ikekwento sayo"
"Ows talaga? Fairy tale ba ang peg? Maka super ma'am ba ang peg? O maka robinhood ang peg?"
"Baliw!", nasabihan ko tuloy ng baliw si Em. Sabihin ba naman ang lahat ng pinapalabas sa GMA.
"Ano nga! Maka Hwarang ba yan? Maka Goblin? Maka Scarlet Heart ba yan?". Jusko pati k-drama sinama na. Pakainin ko kaya ito ng buong pakwan ng tumigil na sa kakasalita.
"Hindi ano ka ba! Tumahimik ka nalang para masimulan ko na ang pagkekwento"
"Ay alam na this, may pagka dramatic ang ikekwento mo. Ano na bilis!". Sabi kong tumahimik hindi naman ginawa. Loko talaga itong best friend ko.
Sinabi ko lahat sa kanya ang nangyari sa akin kanina maliban lang kina Axel at kay sungit boy. Ayokong ikwento iyon sa kanya. Alam ko naman kasi na magtatanong na naman iyan ng marami... Mabilis din naman natapos ang klase kaya bumalik agad kami sa dorm para makapagpahinga. Nagkwentuhan lang kami mag-hapon dito sa dorm at kumain ng kumain hanggang sa mag-gabi na. Nandito na kami sa kwarto para matulog. Nakahiga na si Em sa kama samantala ako nagbibihis ng pantulog. Nang matapos na ako humiga na ako sa kama. Tinignan ko si Em kung natutulog na ba.
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK1)
Mystery / Thriller[BOOK1] : Devihell School (Everyone has a secret) Claire Clemente, was a transferee student in her new school name Devihell School. Isang simpleng babae na walang pinoproblema maliban sa kanyang pag-aaral. Isa lang ang pinapangarap ni...