CHAPTER 24

2K 66 3
                                    

Luke's Point of View

Umalis siya ng padabog. Kitang-kita ko sa sarili ko na nahihirapan parin siyang mag-lakad dahil sa mga natamo niyang sugat. Humiga nalang ako sa sofa at pinikit ang aking mata.

"Hinihintay ko na magkaroon ka ng respeto sa babae. Gosh! Tinuruan ka ba talaga ng magulang mo na rumespeto?"

Hindi ko parin makalimutan yung sinabi niya sa akin yon. Kung alam niya lang ang tungkol sa akin sa palagay ko, hindi niya iyon kayang sabihin sa akin. Walang sinuman ang nakakaalam sa pagkatao ko. Kahit pa si Lucas. Kahit na matagal na kaming mag kaibigan, hindi parin niya alam ang tungkol sa akin.

"Claire"

Salamat Luke dahil lagi kang nandyan para sa akin. Kahit na kinaiinisan kita dahil dyan sa ugali mo, salamat parin. Hay sana mag bago na siya.

Tumayo ako at pumunta sa kwarto ko. Nakita ko si Claire na mahimbing na natutulog. Tulog na siya agad?

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Patawad Claire"

Pinagmamasdan ko ang kanyang mukha na mahimbing na natutulog. Nakikita ko sa mukha niya na pagod na siya. Hindi sa kung maraming ginawa. Kundi sa mga nangyayari sa kanya dito. Hahawakan ko palang sana ang buhok niya ng gumalaw siya. Lalo siyang lumapit sa akin. Uurong sana ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Matthew"

Nagulat ako sa sinabi niya. Tuwing naririnig ko ang pangalan na yan. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit pa kasi nagkakilala sila? Nakakabanas!

"Matthew huwag mo akong iwan"

"Lucas"

Saan ba kasi nag punta si Claire? Nag-aalala na ako sa kanya.

Hinahanap na siya ni Lucas. Kailangan niya ng bumalik.

Dahan-dahan at maingat ko siyang binuhat.

Pumunta ako sa dorm nila. Nasalubong ko agad si Lucas. Agad siyang lumapit sa akin at tinignan ang kalagayan ni Claire.

"Anong nangyari sa kanya?"

"Mamaya na tayo mag-usap. Si Claire muna ang unahin natin". Kailangan ko munang ibaba si Claire bago kami mag-usap ni Lucas.

"Sa dorm tayo ni Kyle. Pansamantala muna kasi kami sa dorm niya, tara". Sumunod ako sa kanya. Pumunta kami sa kwarto nilang dalawa. Nakita ko doon si Kyle. Binaba ko si Claire sa kama niya ng dahan-dahan.

"Kyle ikaw muna ang bahala dito"

"Sige ba"

Lumabas ako ng kwarto kasama si Lucas. "Luke ano ba kasing nangyari?"

Devihell School (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon