CHAPTER 31

1.7K 63 3
                                    

ft. More than words by Extreme


May kumalabit sa likod ko kaya ako nagising. Nakita ko si Emily. "Emily?"

"Akala ko ililigtas mo si kuya pero hindi. Hindi ka nag tagumpay. Hinayaan mo lang siya na mamatay!"

"A-ano?"

"Wala kang alam Claire!", ibig niya bang sabihin patay na si Simon? Hindi ko siya nailigtas kina kuya? Kaya niya ba ito sinasabi sa akin dahil hindi ko nailigtas si Simon? Paano nangyari? Bakit wala man lang ako kaalam-alam? Kanina lang naman kausap ko pa si Simon tapos... Yung bulaklak? May nag-paamoy sa akin ng bulaklak. Si Zal kaya ang gumawa sa akin non?

"Wala na si kuya! Wala na siya! Wala na si kuya Simon! Kasalanan mo ito!"

"Hindi!"

"Claire?"

Pagmulat ko ng aking mata, nakita ko si kuya na naka upo sa upuan sa tabi ko. Si Kyle at Axel naman ay naka tayo sa likod niya.

"Ayos ka lang? May nangyari ba sayo?"

"Si Simon? Na saan si Simon?"

Hindi sila sumagot sa tanong ko. Nagtinginan lang silang tatlo at yumuko. "Sorry Claire"

"S-sorry? Para saan?"

May inabot siya na maliit na bilog na kulay blue. Hindi... Hindi ito pwede.. "Hindi namin siya pinatay Claire. Pinatay niya ang kanyang sarili. Dinukot niya sa kaliwa niyang binti ang bilog na ito. Sorry kung wala kaming nagawa. At ako ang nag-paamoy sayo ng bulaklak ni Zal. Sorry again", si kuya ang gumamit ng bulaklak ni Zal para ipaamoy ito sa akin? Para patulugin ako? Ganon ba?

Sana panaginip ulit ito. Sana hindi ito totoo. Ayokong maniwala na wala na si Simon. Pero bakit? Parang may nag-sasabi sa akin na dapat akong maniwala? Bakit parang gusto ko pero parang ayoko? Ang gulo. Ayoko na! "Kung ako sayo, maniwala ka na", may narinig akong boses na malapit sa pinto. Hindi ko akalain na nandito pala si Luke. Naka tingin lang siya sa amin. "Tama na ang pagdadrama. Totoo ito. Hindi ito panaginip, maniwala ka", bago siya umalis sinara niya muna ang pinto.

"Claire, pahinga ka nalang muna ha. Maiwan na namin kayo ni Kyle", sabi ni Axel at lumabas ng kwarto. "Matulog ka na. Gisingin nalang kita pag hapunan na ok ba? Tulog ka na"

Hindi na ako sumagot pa. Itinabi ko muna ang kulay blue na bilog bago ako humiga sa kama na nakataligid. Kinumutan ako ni kuya bago siya umalis.

Simon patawad... Wala man lang akong nagawa para iligtas ka. Wala ako doon para pigilan kang patayin ang sarili mo. Pero bakit? Papaano mo ito nagawa? Umasa sa akin si Emily na maililigtas kita pero anong ginawa mo? Pinatay mo ang sarili mo. Hindi tuloy ako naka bawi kay Emily. Niligtas niya ako at naki usap siya sa akin na iligtas ka. Pero hindi kita nagawang iligtas. Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko!

Sinubukan kong matulog pero hindi talaga ako maka tulog. Bumangon nalang ako sa kama at lumabas ng kwarto. Nakita ko sina kuya at kyle na nagluluto ng pagkain sa kusina. Lumabas ako ng dorm. Nakita ko si Axel at si Crade na paakyat ng hagdan. Nag-tago ako sa gilid para hindi nila ako makita.

Lumabas ako ng school. Natalisod pa ako sa kakamadali. Pumunta ako sa likod ng school kung saan ang paboritong lugar ni Simon. Sa puno ng mangga. Umupo ako at lumanghap na sariwang hangin. Ang tahimik sa lugar na ito. Ito ba ang naging dahilan kaya gusto dito ni Simon?

Tumayo na ako pero may bigla nalang may nahulog na bagay sa ulo ko. Isang mp3 na may kasamang earphone na kulay itim. May naka balot na papel sa mp3 at may naka sulat dito.

Devihell School (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon