CHAPTER 10

2.4K 89 2
                                    

Nagising nalang ako ng bigla. Teka na saan ako? Nasa Clinic ba ako? Paano ako napunta dito?

"Gising ka na pala", lumingon ako sa tabi at nakita ko si.. Nerd boy?

"Nerd boy kaw pala"

"Huh? Nerd boy? Haha nakakatawa naman yung tawag mo sa akin. My name is Crade", Crade ang pangalan niya? Ang ganda naman. Parang Gatorade lang ang peg. Hehe. Share ko lang naman ._.

"Crade ikaw ba yung nag-dala sa akin dito?"

"Ako nga, nakita kasi kitang nahulog sa hagdanan kaya dinala kita dito. Hindi ko alam na nawalan ka pala ng malay. Maayos na ba pakiramdam mo?". Mabait naman pala si nerd boy o Crade. Nakakapagtataka lang talaga ang ikinilos ni Em nung nakita niya si Crade.

"Maayos naman pakiramdam ko. Salamat ha"

"Your welcome Claire", alam niya ang pangalan ko? Paano?

"You know my name? How?"

"Nung tinawag ka ng kaibigan mo nung isang gabi", oo nga pala. Binanggit ni Em yung pangalan ko nung nakita niya ako.

"Crade pasensya pala sa inasal ng kaibigan ko"

"It's ok", ningitian niya ako at ganon din ako. Pagkatapos ng usapang yon, wala ng umimik sa aming dalawa at maya-maya...

"No one can trust here, Claire. Even your friend", anong ibig niyang sabihin? Sinasabi niya bang wag akong mag tiwala kay Em? Parehas sila ni Axel ng sinabi. Pero hindi parin ako makikinig sa kanila ano man ang sabihin nila. Dahil walang sino man ang makakasira ng pagkakaibigan namin ni Em. Hindi ako makakapayag na dahil lang dyan sa pagtitiwala masira ang pagkakaibigan naming dalawa. Hindi ko ito hahayaan.

"Kilala ko si Em. Matagal na kaming mag-kaibigan kaya masasabi ko na mapagkakatiwalaan ko siya", tumayo ito at lumingon sa tabi-tabi.

"Tama nga sila, walang makakapigil sayo. But may I just say, be careful", lumabas na siya ng Clinic.

Be careful? Anong ibig niyang sabihin? Sa tingin niya ba masama si Em kaya kailangan kong mag-ingat sa kanya? Hindi niya kilala si Em kaya wala siyang karapatan na sabihin sa akin na mag-iingat ako sa kanya.. Pero bakit? Bakit parehas sila ni Axel na sinasabi. Tuwing sinasabi nila na walang mapag-kakatiwalaan dito, lagi nalang nila sinasama sa usapan si Em. Ano ba naman yan! Inosente si Em kaya wag nilang idadamay ang kaibigan ko. Kilala ko siya. Kaya kahit ano pang sabihin nila. Hinding-hindi mawawala ang tiwala ko kay Em. Pinapangako ko yan..

Bumangon ako sa higaan at kahit niisang sakit ay wala akong naramdaman. Hindi man lang ako nasaktan nung nahulog ako sa hagdan? Tinignan ko lahat ng katawan ko. Wala akong napansin na sugat o gasgas kahit niisa. Nakakapagtataka. Imposible na mawala agad ang sakit eh halos mawalan nga ako ng malay nung nahulog ako sa hagdanan. Bahala na nga!! Pumunta na ako sa dorm para makapag-pahinga na.

🌸~🌸~🌸~🌸~🌸

Pang-limang araw na namin dito (Thursday). May pasok na kaya binilisan namin ni Em na kumilos dahil nalate kami ng gising. Pumunta kami agad sa kanya-kanyang classroom o 1st subject namin.

Napansin ko na nandito na sina Kyle at Axel. Umupo na ako sa upuan ko. Hanggang ngayon wala parin si Luke at ang tatlong lalaki sa likuran ko. Tumingin ako sa upuan ni Samantha. May naka lagay na flower vase sa armchair nito. Naisip ko na naman yung itsura ni Sam kagabi.

"Kahit na hindi tayo masyadong close Sam, namimiss na kita"

Naramdaman ko na may umupo sa kabilang upuan. Si Luke na siguro ito. Nilingon ko siya at tama si Luke nga. Nakapikit siya at naka headset. Nag-bukas ang pintuan at pumasok ang tatlong bibe este sina Tyler. Naka earphone parin si Simon. Nakapagtataka, dati ayaw na ayaw ni Simon sa music pero bakit ngayon? Panibagong buhay ba?

Devihell School (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon