CHAPTER 15

2.3K 75 3
                                    

"May kailangan kang malaman"

"Ano yon?"

"Wag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko sayo. Claire, magkapatid tayo"

Nabigla ako sa sinabi niya kahit na sinabihan niya na ako na wag akong mabibigla sa sasabihin niya sa akin. Nababaliw na ba siya? Kung anu-ano nalang pinagsasabi ni Lucas. Sa sinabi niya mas lalo pa ata akong naguguluhan. "Alam kong hindi ka naniniwala na kuya mo ako, pero hayaan mo muna akong mag-paliwanag". Totoo ba ang sinasabi niya o niloloko niya rin ako?

"Nung baby ka pa, kami lagi ng kuya mo ang nag-aalaga sayo noon". Kuya? Ibig sabihin, dalawa ang kuya ko!? "Wala na tayong magulang non Claire. Sina ninang at ninong ang nag-aalaga sa atin. At isa pa, dati Claire dito tayo nag-aaral. Nung maayos at maganda pa ang school na ito. Si kuya, highschool na siya noon at tayo elementary palang. Grade 1 students tayo noon dito. Kung naalala mo pa si Samantha, kaklase natin siya dati. At yung binasa mong notebook niya, yung guro. Naging teacher narin natin siya. Kaya hindi mo kami naalala dahil nagka amnesia ka dahil sa car accident. Hindi na daw maaari pang maibalik ang ala-ala mo noon. Nilipat ka ni ninang ng school dahil mas ikabubuti daw yon sayo". Totoo ba talaga ang sinasabi niya? Ngayon alam ko na kung bakit wala akong naaalala sa nakaraan ko. May amnesia pala ako. Pero bakit hindi man lang siya nagpakilala sa akin noon?

"Nakiusap ako kina ninang na ilayo ka sa amin ng kuya mo at wag ng sabihin na kapatid mo kami. Dahil.. Dahil may kailangan kaming gawin o tapusin. At ito nga yon. Itong school, kailangan namin itong tapusin Claire. Naisip namin na mas ikabubuti yon sayo para hindi ka mapahamak. Hindi ko naman inaasahan na ikaw ang napili ng libro. Ikaw ang susi ng kaligtasan ng school na ito Claire. Ikaw ang taong makakapagligtas sa iba at sa amin. Ikaw lang ang taong makakahanap kung nasaan ang dalawang libro. Kailangan namin ng lakas mo Claire"

"Kung ganon kuya, dalawa ang kuya ko? Sino pa ang isa? Na saan siya ngayon?"

"Sa panaginip mo. Yung lalaki, siya ang kuya natin. Si kuya Neon"

Totoo ba ang sinasabi niya sa akin? Kuya ko ang nagpapakita sa panaginip ko? "Pero Claire, wala na siya". Nagulat ako sa sinabi niya. Wala na siya? Matagal na siyang patay? Kaya pala sa panaginip nalang siya nagpaparamdam sa akin. Pero bakit ngayon lang nag-papakita sa akin si kuya sa panaginip? Bakit hindi pa noon?

"At isa siya sa magtuturo sayo kung nasaan ang dalawang libro. Hindi siya maaaring mag-pakita sa amin Claire, dahil hindi kami ang napili kundi ikaw. Kaya Claire, matutulungan mo ba kami? Kaya mo bang harapin ang lahat na pagsubok na darating sayo?"

"Oo kuya. Tutulungan ko kayo, ano man ang mangyari"

"Salamat Claire". Niyakap niya ako at ganon din ako. Ramdam na ramdam ko talaga na kapatid ko siya.

Wala akong magagawa kundi pumayag. Tama lang ang desisyon kong tulungan sila. At ano pang sible kung ako pa ang napili ng libro. Kailangan ko silang tulungan.

Tok tok

"Pasok!"

Pumasok sa kwarto si Crade. "Ikaw pala Crade. Anong ginagawa mo dito?"

"Gusto ko sana siyang maka usap"

"Sige -- labas muna ako Claire". Lumabas na si Kuya. Lumapit sa akin si Crade at may inabot sa akin na notebook. Hindi ako nagkakamali. Ito yung notebook ni Samantha. "Hindi ko na kailangan pang itago pa ito, tutal alam mo na lahat". Kinuha ko ito at itinabi.

"Kami ang Five Guardian Prince's". Nagulat ako sa sinabi ni Crade. Totoo ba ang sinasabi niya? Sila ang Five Guardian Prince's dito? Kung ganon sila ang namamahala sa Devihell School?

"Kung kayo ang Five Guardian Prince's? Kung ganon, sinu-sino naman ang The Death Prince's?"

"Sina Tyler at Xylem. Pati narin si Simon"

Devihell School (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon