Tumingin siya ng seryoso sa akin.
"Patagal ng patagal, hindi ko na nakokontrol pa ang lahat na nangyayari sayo dito. Minsan nalang ako mag-papakita sayo sa panaginip mo. Minsan narin kita gagabayan, hindi na sa araw-araw. Gumawa ako ng paraan para mailigtas kita sa kanya kanina, ginawa ko ang lahat para maka usap ko si Luke. Pina hanap ko sa kanya ang ibinigay ko sayong kwintas noong bata ka pa. Ito ang mag-liligtas sayo para hindi siya sumanib sa katawan mo. Pero may kapalit akong parusa dahil sa ginawa ko". Hindi ko na makikita pa ulit si kuya? Ano ng gagawin ko? Wala na akong gabay para mahanap ang dalawang libro. Wala ng tutulong sa akin para maka ligtas sa mga kapahamakan. Hindi ko na siya makikita pa sa panaginip ko. Hindi ko kaya itong mag-isa.
"Claire hindi ka pwedeng tumunganga lang dito. Gumawa ka ng paraan para mahanap mo ang dalawang libro. Huwag kang umasa sa iba. Gawin mo ang lahat na nakakaya mo. Aasahan kita Claire. Marami pang pag-subok ang kailangan mong lagpasan. Mag-iingat ka, Claire"
"Kuya! Wag mo akong iwan! Kuya!"
"Claire? Claire, gumising ka!"
Nakaramdam ako ng sakit sa aking pisngi. Iyon pala sinampal ako ni kuya. "K-kuya?"
"Ayos ka lang ba?", naluha ako ng makita ko si kuya at si Kyle. Niyakap ako ni kuya samantala si Kyle ay tinapik-tapik ang likod ko para patahanin ako sa pag-iyak. "Kuya, hindi ko na makakasama pa si kuya Neon. Ano ng gagawin ko kuya? Natatakot na ako. Wala ng gagabay at tutulong sa akin. Kuya tulungan mo ako!"
"Sshh tahan na, gagawa si kuya Neon ng paraan ok ba? Tahan na"
"Tama si Lucas Claire, hindi ka papabayaan ni Neon. Kapatid ka niya at mahal ka rin niya. Kaya hindi niya kayang mapahamak ka dahil lang sa sitwasyon natin ngayon dito. Tama na Claire, wag ka ng umiyak", kumalma ako ng sabihin iyon sa akin ni Kyle. Tama sila. Hindi ako papabayaan ni kuya. Alam kong poprotektahan niya parin ako. Alam kong nandyan parin siya sa tabi ko. Hindi niya ako iiwan.
"Tahan na ok?"
Pinunasan ko ang aking luha at kumalma.
"Sige na alis na kami ni Kyle. May importante pa kaming gagawin. Pahinga ka nalang dito Claire. Puntahan mo lang kami kung may problema, ok ba? Ingat ka dito"
"Opo", naka alis na sina kuya at Kyle sa kwarto.
Hays ano ng gagawin ko ngayon? Naguguluhan parin ako sa nangyayari. Pagod na ako. Ayoko na. Kanina lang naman kausap ko pa si Luke tapos nakita ko si Zalues, naka tulog ako pagkatapos kong amoyin yung bulaklak niya. Tapos nagising nalang ako na nasa labas ng school at hinahabol ng taong naka maskara. Tapos nung sasaksakin niya na sana ako gamit yung karet bigla nalang itong naglaho. Napunta ako sa madilim na lugar, may naririnig akong boses. Boses nina kuya at ng isang babae. May nag-pakita sa akin na babae at sinakal niya ako. Narinig ko ang boses ni Luke at nagkaroon ng liwanag sa itaas. Nawalan ako ng malay pagkatapos non. Pag-gising ko, nakita ko si kuya Neon at nag-usap kami. Ano ba talagang nangyari? Hindi kaya, may sumapi sa akin kanina kaya ganon? Ewan bahala na!
Lumabas ako ng kwarto. Buti nalang wala si Kyle. Pumunta ako sa likod ng school kung saan banda ang puno ng mangga. Umasa ako na makikita ko si Simon, pero hindi. Wala siya doon.
Aalis palang sana ako ng may humawak sa kamay ko. "Matthew?". Dinala niya ako sa likod ng puno at tinakpan ang bibig ko. "Sshh wag kang maingay"
"Nakita mo na ba si Claire, Xylem?", si Tyler? Anong ginagawa niya dito? Hinahanap ba nila ako? Guguluhin na naman ba nila ako? Papahirapan na naman ba nila ako?
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK1)
Mystery / Thriller[BOOK1] : Devihell School (Everyone has a secret) Claire Clemente, was a transferee student in her new school name Devihell School. Isang simpleng babae na walang pinoproblema maliban sa kanyang pag-aaral. Isa lang ang pinapangarap ni...