CHAPTER 16

2.2K 86 0
                                    

"Ano bang kailangan niyo sa akin!"

"Ikaw, ikaw ang Kailangan namin"

"Hindi ako natatakot sa inyo. Patayin niyo na ako ngayon kung gusto niyo!"

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yon. Pero sa kaloob-looban ko, sobrang natatakot akong mamatay. Ayoko pang mamatay. Hindi pa tapos ang misyon ko dito. "Nakakatawa ka talaga. Pero alam ko na takot na takot ka sa amin kaya mas pinipili mo nalang mamatay agad kaysa sa pahirapan ka pa namin. Well.."

Hinila ni Xylem ang kamay ko. Hinawakan niya ang kamay ko at may bagay siyang tinapat sa leeg ko. At alam kong kutsilyo yon dahil pakiramdam ko na nahihiwa ako sa leeg. "Any last word?"

Hindi ako nag-salita. Takot na takot akong mag-salita. Dahil sa kahit anong oras, pwede niyang hiwain agad ang leeg ko. "Mukhang napipe ka na. Well goodbye Claire". Pinikit ko nalang ang aking mata.

"Ahh!"

Mabagal niyang hinihiwa ang leeg ko.

"Itigil mo yan!"

Hindi ako nagkakamali. Boses yun ni Simon. Binuksan ko ang aking mata at nakita ko si Simon na hingal na hingal.

"S-simon?", bulong ko sa sarili ko. "Pakawalan mo siya!"

"Teka lang, baka nakakalimutan mong ka-miyembro ka rin namin"

"Matagal ko ng kinalimutan yon. Pero nakikiusap ako sayo. Just let her go!". Pupuntahan sana ako ni Simon pero hinarang ni Tyler ang kanyang paa para hindi maka akyat si Simon.

"At baka nakakalimutan mo, bawal mong iligtas siya dahil mamatay ka". Mamatay si Simon pag niligtas niya ako? Hindi maaari! Mas gugustuhin kong hindi na niya ako iligtas. Ayoko siyang mamatay.

"Matagal ko ng alam yon, pero wala akong pake. Mas gugustuhin kong mamatay kaysa mamatay si Claire. Tumabi ka dyan!"

"Oh, kaawa-awa ka naman. Fine, papakawalan ko na siya. Pero mamatay muna siya! At panoorin mo kung paano siya mamamatay. Magandang show ito Simon haha"

Hinarap ako ni Xylem sa kanya. Tinatapat niya ang hawak niyang kutsilyo sa ulo ko. Mag-papaalam na ba ako?

"Huwag mong gawin yan!"

Sasaksakin niya na sana ako ng may tumawag kay Xylem. "Xylem itigil mo yan!". Kuya Lucas?

"At sinong may sabi?"

"Ako"

Tumingin ako sa likod ni kuya. Nakita ko doon si Luke. Salamat niligtas nila ako. "Let her go"

"Fine, I let her go". Hinawakan ni Xylem ang buhok ko. Bigla niya nalang ako tinulak sa hagdanan. "Ahh!"

"Claire!"

Humarang sa akin si Simon para pigilan ako, pero nahulog parin kami.

Bumagsak kami sa baba. Nadaganan ko si Simon at nauntog ang kanyang ulo sa sahig. Agad naman akong bumangon para hindi pa mas lalong masaktan si Simon. "Simon! Ayos ka lang ba!"

"Don't worry, a-yos lang ako"

"Paano ba yan, ligtas ka na naman. Sa susunod ulit Claire, hahaha!", tumawa muna sina Tyler at Xylem bago sila umakyat ng hagdanan. "Claire lumayo ka sa kanya!"

Nilayo ako ni kuya kay Simon. Pero lumapit ulit ako kay Simon at humarang kay kuya. "Claire! Lumayo ka sa lalaking yan! Mapanganib siya Claire!"

"Alam ko kuya pero iba siya sa kanila! Mabait si Simon kuya, hindi niya ako magagawang saktan!"

"Sabing lumayo ka sa kanya!". Hindi ako nakinig sa sinabi niya. Hindi parin ako umalis sa tabi ni Simon. Hindi ako papayag na saktan nila si Simon. At mas lalong hindi ako papayag na ilayo nila ako kay Simon. Alam kong iba si Simon kina Tyler. Mabait si Simon.

Devihell School (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon