CHAPTER 17

2.2K 80 0
                                    

"Hahaha!"

"Claire ~~ Gumising ka~~ Hahaha!"

Nagising ako ng may naramdaman akong humawak sa kamay ko. Wala akong makita, madilim. Na nanaginip na naman ba ako? Pero naninibago ako. Hindi ito tulad ng panaginip ko kay kuya Neon. Iba ang pakiramdam ko. "Gising ka na rin sa wakas~~", may naririnig akong boses ng babae. "Sino ka!?"

"Don't you worry, hindi kita sasaktan. Hahaha!", natatakot ako sa halakhak niya.

"Sa likod mo~~"

Tumingin ako sa likod ko. May nakita akong babae na may sinusulat sa kulay pula na notebook. Lumapit ako sa kanya. Titignan ko sana ang isinusulat niya pero bigla nalang ito nag-laho.

Tumingin ako sa gilid ko. May nakita ulit akong babae na nag-lalakad na may hawak na pulang notebook. Hindi ko makita ang mukha niya. Lumalabo paningin ko kapag tumitingin ako sa mukha niya. Hindi kaya siya rin yung babae na nakita ko kanina?

May lumapit sa kanya na dalawang matandang lalaki na may hawak-hawak na kutsilyo at baril. Binaril at pinagsasaksak nila sa ulo at katawan ang babae. Naawa ako. Gusto ko siyang iligtas pero naalala ko na nanaginip lang ako.

Bumagsak ang babae sa sahig. Iniwan siya ng dalawang lalaki. Nilapitan ko siya. Napansin ko na gumagalaw yung hawak niyang notebook. Nag-iba ang itsura nito. Naging isang makapal na libro ito at nagkaroon ng bilog sa gitna at may mga nakaguhit pa sa loob ng bilog.

Hindi ako nagkakamali. Ito yung libro na nasa puno! Bakit pinapakita na naman ito sa panaginip ko? Ano bang kailangan kong gawin?

Biglang bumangon yung babae. Humarap siya sa akin. Nagulat ako ng makita ko ang kanyang mata. Mata lang ang nakikita ko sa kanya. Kulay black ang kanyang mata at nagdudugo.. Anong nangyayari sa kanya?

Bigla nalang siyang lumutang paitaas. Nagkakaroon ng mga maliit na bilog sa kanyang kamay at paa. May mga daga, bulate at ipis na nagsisilabasan sa katawan niya. Bigla nalang siya pumunta sa akin at sinakal ako. Naluluha ako. Hindi ako makahinga. Pakiramdam ko totoo ang lahat na ito.

"PAPATAYIN KITA!"

"AHHH!!"

Bumangon ako sa kama. Perp biglang hindi ko maigalaw ang kamay at paa ko kaya natumba ako sa sahig. Pakiramdam ko sinasakal parin ako ng babae.

"Claire!?"

Lumapit sa akin si kuya at tinulungan akong tumayo. Niyakap ko siya pagkatayo ko. Feeling ko na nanaginip parin ako. Hindi ko mapigilan na maiyak. Nag-bukas ang pinto. Pumasok si Kyle at nilapitan niya kami. "Anong nangyari sayo Claire? Ayos ka lang ba?"

Hindi ako makapag-salita. Takot na takot parin ako. "Wait kuhaan lang kita ng tubig", lumabas si Kyle sa kwarto para kumuha ng tubig. Pagkabalik niya dito kinuha ko agad yung tubig at ininom ito. Hindi parin maalis sa isipan ko ang panaginip ko kanina. "Ok ka na ba? Maayos ka na ba?"

"Oo, s-salamat Kyle"

"Ano ba kasing nangyari sayo?"

"N-nanaginip kasi ako. Isang n-normal na babae, may sinusulat siya sa pulang notebook. Tapos nakita ko siya na nag-lalakad habang hawak-hawak niya yung notebook niya. Tapos pinatay siya ng dalawang lalaki. Tapos y-yung notebook, nag-bago ito ng itsura. Naging isa itong libro. Pulang libro. Then nagulat ako na bigla siyang bumangon at lumapit sa akin, sinakal niya ako. Sabi niya na papatayin niya daw ako. Kuya ano ng gagawin ko!? Natatakot ako kuya. Pakiramdam ko na papatayin niya talaga ako kuya. Kuya ayoko na! Natatakot na ako!". Hindi ko mapigilan na maiyak habang kinukwento ko sa kanila yung napanaginipan ko kanina. Niyakap ulit ako ni kuya at ganon din ako.

Devihell School (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon