CHAPTER 20

2K 68 0
                                    

Nagising nalang ako ng makarinig ako ng malakas na kalabog sa itaas. Hindi ko nalang iyon pinansin at natulog ulit ako.

Buuggg

Ano ba iyon? Bakit sobrang ingay naman sa itaas? Ano kayang nangyayari doon?

Buuuugggg

Bumangon ako sa kama at inayos ang aking sarili. Maya-maya may narinig naman akong mga kaluskos sa bintana. Nilingon ko ito pero wala naman akong napansin na kakaiba. Hindi ko napansin na nandito na pala si kuya sa dorm. Oo nga pala, maaga pala akong natulog. Natatakot parin ako kahit nandito lang si kuya malapit sa akin na natutulog ng mahimbing. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Litong-lito na ako sa kakaisip kung ano ang nangyayari.

Lumapit ako sa bintana at tumingin sa ulap at buwan. Siguro 9:00 palang ng gabi na ganitong oras. Wala kasi akong orasan nakakaasar. Medyo maliwanag naman dito dahil sa buwan.

Buugggg

"AAAHHH!!!"

Laking gulat ko na may bumungad sa akin na naka uniform na babae na nakabaliktad sa bintana namin. Ang kanyang katawan ay puno ng dugo at puro ipis at higad. Ang kanyang mukha naman ay tadtad ng karayom, at ang kanyang bibig at mata naman ay nakatahi. Ang kanyang paa naman ay may tali papunta sa itaas. Hindi kaya isa ito sa dahilan kung bakit maingay sa itaas? Sinong karumal-dumal ang gumawa sa kanya nito? Hindi na tao ang gumawa nito sa kanya kundi demonyo. Napaka sama nila. Halimaw.

"CLAIRE!"

Bumangon si kuya sa kama niya. Nilayo niya ako sa bintana at agad akong niyakap. Tinakpan niya ang aking mata para hindi ko makita ang babae na nasa bintana namin. Dahil sa sobrang takot ko, hindi ko mapigilan na maiyak at mahigpitan ng pagyakap ko kay kuya.

"Kuya natatakot na ako! Hindi ko na kaya pang mag tagal pa dito! Ayoko na! Gusto ko ng umalis!"

"Sshh tahan na. Huwag mong sabihin yan. Nandito lang ako para protektahan ka. Hindi kita papabayaan. Pangako yan. Tahan na Claire, huwag ka ng umiyak"

Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagyakap ko kay kuya. Hindi ko na talaga matiis dito. Gustong-gusto ko na talagang umalis. Ayokong umasa kay kuya. Ayoko na lagi siyang nasasaktan ng dahil lang sa akin. At mas lalong ayoko siyang mapahamak. Natatakot na talaga ako. Hindi ko na malabanan pa ang takot ko dahil sa nakikita ko ngayon. Ayoko na gusto ko ng umuwi.

Ilang minuto lang, humiwalay sa pagkakayakap sa akin si kuya. Lumapit siya sa bintana para tignan ang babae. Hawak-hawak niya ang aking kamay habang siya ay papalapit. "May naka sulat sa leeg niya"

"A-ano naman yan?"

"M-M-T K N?"

"MMT K N? Ano naman ang ibig sabihin nyan kuya?"

"Hindi ko alam"

"AAHHH!", lalong nahigpitan ang pagkapit ko sa kamay ni kuya nang bigla nalang hinila ang babae paitaas. Umatras kami ng kaonte ni kuya at naghihintay sa susunod na mangyayari.

"Shit", sabi ni kuya na agad ko naman na ikinagulat. Bakit siya nagmumura?

Napansin ko na naka tingin siya sa ibaba.  Ano bang nakikita niya doon?

"FUCK! CLAIRE ALIS!"

Ilang segundo lang, tinulak agad ako ni kuya papunta sa kama. Laking gulat ko ng mabasag ang bintana namin. Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking kamay. Napansin ko na bumagsak si kuya sa sahig kaya agad naman akong nataranta.

"KUYA!"

Nilapitan ko si kuya. Halos mangiyak-iyak ako ng makita ko na may tama siya ng bala sa dibdib. Pinakiramdaman ko ang kanyang pulso. Pero wala man lang akong maramdaman. "KUYA! GUMISING KA KUYA! KUYA HUWAG MO AKONG IWAN! KUYA!". Hindi ko na alam ang aking gagawin. Pinaghahampas ko si kuya dahil sa sobrang takot ko. Hindi ito pwede! Ayokong mawala si kuya! Kuya please gumising ka! Ayokong mawala ka! Paano na yung mga pangako mo sa akin? Kuya gumising ka kailangan pa kita!

Devihell School (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon