CHAPTER 13

2.2K 85 0
                                    

"Claire?"

Pag-gising ko, bumungad agad sa akin si Axel. Teka! Anong nangyari sa akin?

Bumangon ako agad.

"Nasa hallway ba tayo?"

"Ganon na nga"

"Papaano ako napunta dito?"

"A-ah yun nga rin pinagtataka ko. Pagkadaan ko dito, nakita nalang kitang natutulog dito. Buti nga ako lang nakakita sayo"

Napunta ako dito sa anong dahilan? Ang gulo. Parang nangyari narin ito sa akin nung Saturday ng umaga. Ang naaalala ko lang ay yung lumabas ako ng library. Tapos napunta nalang ako dito basta-basta? Bakit wala man lang ako naaalala kung papaano ako nakatulog o napunta dito?

"8:00AM na Claire, baka 3rd subject nalang ang kaya mong puntahan"

"Hindi nalang muna ako papasok. Hays ang dami ko kasing problema sa buhay!", binatukan ko ng binatukan ang sarili ko. Hinawakan ni Axel ang kamay ko kaya nag blush ako.

"Sinasaktan mo lang sarili mo. Tara na dalhin na kita sa dorm mo at mag-pahinga ka nalang". Sinamahan niya ako papunta sa dorm.

Nang maihatid niya na ako, nagpaalam na kami sa isa't-isa. Shocks kinikilig na naman ako!

Pumasok na ako. Wala dito si Em. Baka pumasok o hinahanap ako siguro.. May nakita akong pagkain sa lamesa kaya kumain na ako. Pagkatapos ay naligo ako.

Monday na naman. May pasok na naman pero tinatamad akong pumasok. Kaguluhan na naman kasi siguro ang mangyayari ngayon Monday. Hindi naman ako sanay na mag-kulong lang dito kaya lumabas ako. Bumungad sa akin si Kyle na may subo-subong lollipop.. Tinignan niya lang ako at naglakad na paalis. Shocks hindi niya parin siguro makalimutan yung sinabi ko sa kanya kahapon! Nakakaasar. Paano ito? Ang awkward naman nito!

"Claire"

"Kyle"

Natulala ako kasi sabay namin binanggit ang pangalan namin sa isa't-isa.

"A-ano kasi Kyle. Gusto kong mag-sorry sayo kahapon. Hindi ko sinasadya na sabihan ka ng ganon kaya sana mapatawad mo ako". Bago siya mag-salita, tinanggal niya muna ang lollipop na nasa bibig niya.

"Ako rin Claire, patawad kung napaka kulit kong lalaki. Sorry kung hindi nakakatuwa yung mga pinaggagawa ko. Mapatawad mo rin sana ako"

"Ok lang yon ano ka ba. Tsaka parehas tayong may kasalanan sa isa't-isa. So apology accepted"

"Talaga? Mabuti naman kung ganon!", sabi niya sabay subo ng lollipop. "Kyle samahan mo naman akong mag-gala, kung pwede ka?"

"Oo naman, tara oh!", Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako paalis.

Pagkababa namin, nasalubong namin sina Xylem at Tyler.

"Tignan mo nga naman pare oh, kung sineswerte ka nga naman oh!"

"T-tyler?"

"Miss me? Haha wag mong kakalimutan yung ginawa mo sa akin. Masakit yon haha!". Naalala ko na naman nung tinulak ko siya sa kaliwa niyang dibdib. Gusto kong mag-sorry pero hindi ko magawa. Dahil alam kong hindi niya tatanggapin ang sorry ko.

Tinapon ni Kyle ang sinusubo niyang lollipop. Hinila ako ni Kyle sa likod niya at hinarang niya ang kamay niya sa harapan ko. "Claire, dito ka lang sa likod ko", bulong niya sa akin.

"Wow amazing! Pinoprotekhan mo ba siya? Haha pero hindi mo magagawa sa amin yan dahil mas malakas kami kaysa sayo!". Tinaas ni Tyler ang kanyang kamay at itinapat niya ito kay Kyle. Anong gagawin niya!?

Devihell School (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon