Anong ginagawa dito ni good boy? Hindi kaya nandito siya para makipag-kilala sa akin? Hala shit sobrang taas naman ng pangarap ko.
"Sir Ian", tumingin siya sa akin. Shit kinikilig ako. Nakakamatay yung tingin niya. Dahil sa titig niya sa akin hindi ko mapigilang ngumiti. "A-ano pong maitutulong ko sa inyo?". What! Hindi ba ako nagkakamali sa pagkakarinig ko! Nag po si sir Ian kay good boy?
"Sir Ian. Kaklase ko siya sa TLE, siya nalang yung kulang sa amin. Kaya pwede ko na ba siyang sunduin?". Pumunta siya dito para sunduin ako? Shit mas lalo akong kinikilig. At ito pa ang mas lalong ikinatuwa ko. Magkaklase ulit kami. Hindi ko talagang mapigilang ngumiti. Tumingin sa akin si Sir Ian.
"Ge na Claire sumama ka na sa kanya"
"Sige po sir paalam po!". Umalis na kami ni good boy sa classroom at ito kami ngayon. Sabay kaming naglalakad para pumunta sa classroom ng TLE. Walang umiimik sa amin habang naglalakad kami papunta sa 4th floor. Sa 4th floor kasi yung TLE classroom. Ang awkward namern. Claire isip-isip!
"Ahm"
"Hmm?"
"Ah wala lang". Ano bang ginagawa mo Claire mag-isip ka ng topic!
"Claire right?", napahinto ako sa paglalakad ng banggitin niya ang pangalan ko. Shit kilala niya ako. "Kilala mo pala ako". Bakit ganito, nagiging pabebe ako kapag may kausap akong lalaki? Umayos ka Claire. Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako. Ang tangkad niya. "Axel ang pangalan ko". Omg totoo ba ito! Ang sarap iuntog yung ulo ko sa pader!
Sinabi niya yung pangalan niya sa akin. AXEL A-X-E-L. Shit ang ganda ng pangalan niya. Ang sarap pakinggan. "Ah Axel. Ang ganda naman ng pangalan mo hehe". Tinuloy ulit namin ang paglalakad. Then ito na naman awkward na naman. Hay wala bang matinong usapan dyan.
"Bakit dito mo naisipang mag-aral? Ikaw lang ang bagong estudyante dito at wala ng iba"
"Hindi lang naman ako, may kasama ako. Kaibigan ko", so kaming dalawa lang ni Em ang new students dito? So ibig sabihin lahat ng istudyante dito matagal ng nag-aaral. "Kaibigan ba talaga?", humarap siya sa akin at tinignan niya ako ng seryoso. Palapit ng palapit ang mukha niya sa akin. At ngayon magkalapit na ang bibig namin sa isa't isa. Anong ginagawa niya? Hindi ako makahinga sa ginagawa niya. "Claire dahil nandito ka na sa school na ito, dapat hindi ka na nagtitiwala sa mga tao dito. Kahit pa kaibigan mo. Naiintindihan mo ba ako?". Actually, hindi ko naintindihan ang sinasabi ni Axel sa akin. Anong ibig niyang sabihin? Bakit parang wala siyang tiwala kay Emily? Ganito ba ang mga tao sa school na ito? Dapat walang pagkatiwalaan? No! Hindi ako papayag. "Kilala ko ang kaibigan ko, matagal na kaming magkakilala kaya hindi pwedeng mawala ang tiwala ko sa kanya". Kahit ano pang sabihin niya, hindi mawawala ang tiwala ko kay Em.
"Seryoso ka ba Claire?". Lumayo siya sa akin ng kaonte at ngayon nakakahinga na ako ng maayos.
"Oo Axel". Tumalikod siya at may tinuturo siya sa akin. "Ayon ang classroom mo sa TLE. Go ahead", natulala ako sa sinabi niya. Bakit niya tinuturo yung classroom ko? Magkaklase kami diba. Wala ba siyang balak na pumasok?
"Nagkunwari lang ako ng magkaklase tayo. Pumasok ka na at late ka na"
WHAT! Shit hindi to pwede! Kumaripas agad ako ng takbo at pumasok sa classroom. Tulala lahat ng kaklase ko ngayon. Wala akong napansin na guro kaya pumunta ako sa bakanteng upuan sa likod.
"Malas, hindi pa pala naguumpisa yung klase. Edi sana nakikipag-usap pa ako kay Axel", bulong ko sa sarili ko. Nakakainis siya, hindi naman pala totoo na magkaklase kaming dalawa sa 2nd subject ko. Shit!
Walang pumasok na guro sa TLE subject ko. Kaya dumeretso na ako sa pangatlo kong subject (Math - 2nd floor). May apat na bakanteng upuan. Tinignan ko lahat ng kaklase ko at.. Oh shit kaklase ko si lollipop at si.. OMG! Si good boy nandito rin siya. Pero bakit ganon? Hindi niya na ako tinignan o ningitaan man lang katulad kanina. Galit ba siya sa akin? Wag naman sana. Umupo na lang ako sa likod (lagi naman). Sa totoo lang may bakanteng upuan sa tabi ni Axel. Pero wala akong balak umupo doon. Alam Kong galit sa akin si Axel. Maya-maya may isang lalaking pumasok. Gwapo at medyo matangkad rin. Napansin ko ang kulay ng mata niya, kulay pink. Teka bakla ba ito? Kung sa bagay. Sabi nila pag kulay pink daw ang suot ng lalaki, iyon daw ang tunay na lalaki.
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK1)
Mystery / Thriller[BOOK1] : Devihell School (Everyone has a secret) Claire Clemente, was a transferee student in her new school name Devihell School. Isang simpleng babae na walang pinoproblema maliban sa kanyang pag-aaral. Isa lang ang pinapangarap ni...