"Matthew?"
"Walang magagawa yang iyak mo dyan. Wala tayong magagawa kapag ang buhay ay binawi na ulit ng Diyos", ang salitang iyon. Parang narinig ko na iyon kay Luke? "Wag mo rin sisihin ang sarili mo. Wala kang ginawang masama. Ginawa mo lang kung ano ang tama at wala rin magagawa si Simon. Ano pang silbi ng pagtatagal ng buhay niya dito kung mamatay rin naman siya sa huli. Wag kang panghinaan ng loob dahil lang sa kanya. Dapat maging matapang ka"
Naalala ko na naman yung sinabi sa akin ni Simon. Yung mga nirecord niya. Bakit ang bilis kong makalimutan iyon? Bakit hindi ko naalala iyon? Nawala agad iyon sa isipan ko. Sobrang bilis talaga ng mga pangyayari ngayon.
"Kaya ikaw, tumayo ka na"
Hindi ako tumayo. Hindi ko siya pinakinggan. Tinitigan ko lang siya.
"Hindi ka tatayo?"
Naalala ko na naman yung sinabi sa akin nina kuya kung sino ang leader ng TDP. Walang iba kundi si Matthew. Ang kababata ko.
Hinila niya ang kamay ko kaya agad akong napa tayo. "Ano bang problema mo!?", umiiyak na naman ako. Bakit pa kasi nandito siya? Bakit?
Binigay ko sa kanya yung payong. "Hindi ko kailangan niyan". Pinayungan niya parin ako kahit na ayoko.
"Ano bang kailangan mo sa akin? Buhay ko rin ba? Kaya ka ba nandito para patayin ako? Bakit hindi mo pa gawin? Bakit hindi pa ngayon!? Sawa na ako. Ano pang silbi ko dito. At saka sabihin mo nga sa akin. Bakit mo ako niligtas kina Tyler at Xylem nung araw na iyon? Ha? Hindi ba leader kanila? Balak mo rin naman akong patayin hindi ba? Bakit ha? Hindi kita maintindihan! Ano bang pumasok dyan sa isipan mo! Ano bang dahilan para iligtas mo ako sa kanila! Sabihin mo sa akin!"
Binitawan niya ang payong na hawak-hawak niya. Hinila niya ang aking braso at niyakap ako ng mahigpit. "Dahil nga mahal kita", natulala ako sa sinabi niya sa akin. Lalo pang humigpit ang pag-yakap niya sa akin kaya medyo hindi ako maka hinga ng maayos. Sinabi niya na naman na mahal niya ako? Ano bang pinagsasabi niya? Wala na ba siya sa sarili niya? "Ginagawa ko ito para sa kaligtasan mo. Hindi ko kayang mawala ka. Hindi ko kayang patayin ka. Hindi ko kaya"
"Ano ba Matthew!", pilit kong tinutulak siya palayo pero hindi parin umuubra. "Bitawan mo a__"
"Please lang.. Gusto kong manatili muna tayong ganito"
Hindi na ako pumalag pa. Niyakap ko rin siya. Umiiyak parin ako hanggang ngayon. Kung anu-ano nalang ang pinagsasabi niya. Bakit hindi niya nalang ako deretsuhin.
Nakaramdam ako ng mga patak ng luha sa balikat ko. Umiiyak ba siya? "Matthew?"
Inangat niya na ang kanyang ulo. Tama ako. Umiyak nga siya.
Humiwalay na siya sa pag-yakap niya sa akin. Hinawakan niya ang aking pisngi. Pinunasan niya ang aking mga luha gamit ang kanyang kamay. Bakit ako ganito? Bakit wala ako masabi? Bakit lang ako naka tulala? "Sorry sa mga nagawa ko sayo. Sorry sa paulit-ulit na sinasaktan kita. Patawad Claire"
"M-matthew?". Ano ka ba naman Claire!? Sinabi niya lang naman na mahal ka niya kaya bakit ka nagkakaganito? Bakit?
Tinignan niya ako ng seryoso. Kinuha niya yung payong at pinayungan niya ulit ako. "Tara na. Nag-aalala na sina Lucas sayo. Marami pang nagmamahal sayo, hindi lang kami ni Simon", ano? Alam niya rin na may gusto sa akin si Simon!? Pero papaano niya nalaman?
Tumigil na ako sa kakaiyak. Nilagay ko yung mp3 at ang earphone sa bulsa ko. Lalakad palang sana ako ng biglang sumakit ang paa ko. "Anong problema?", natandaan ko na naman yung katanghan ko kanina. Natalisod pala ako sa kakamadali kanina papunta dito. Bwiset naman oh!
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK1)
Mystery / Thriller[BOOK1] : Devihell School (Everyone has a secret) Claire Clemente, was a transferee student in her new school name Devihell School. Isang simpleng babae na walang pinoproblema maliban sa kanyang pag-aaral. Isa lang ang pinapangarap ni...