"Gumising ka Claire!"
Nang magising ako bumangon ako agad. Bigla nalang akong naluha ng makita ko sina kuya. Niyakap ko agad si kuya at ibinuhos ko lahat ang aking luha.
"Kuya! S-salamat at ginising mo a-ako. A-akala ko mamamatay na ako!"
Halos mamatay na ako dahil sa sobrang takot ko. Buti nalang talaga ginising ako ni kuya. Kundi katapusan ko na ata kanina. Pero totoo ba talaga na nakita ko kanina si Matthew? Sa tingin ko tama ako. Dahil ramdam na ramdam ko na si Matthew iyon. "Ano ba nangyari sayo Claire? Nakita mo na naman ba yung babae sa panaginip mo?"
"H-hindi kuya, pero nag-pakita sa akin yung tatlo kong kaibigan nung elementary pa ako. Matagal na silang wala pero nag-pakita sila sa panaginip ko. Tapos bigla nalang nila pinatay yung kanilang sarili. May naririnig pa akong boses ng babae. Sabi niya iyon daw talaga ang nangyari sa kanila! Kuya! Isusunod nila ako! Ayoko pang mamatay kuya! Tulungan mo ako!". Lalo pang humigpit ang pag-kayakap ko kay kuya. Tinapik-tapik naman niya ang aking likod kaya medyo napakalma ako. "Kanina lang yung babae, tapos ngayon yung tatlo mong kaibigan na matagal ng wala? Teka nga, may kinalaman ba sila sa nangyayari dito?", sabi ni Axel. Kumalma muna ako at humiwalay sa pagkayakap ko kay kuya. Pinunasan ko rin ang aking luha gamit ang aking kamay.
"H-hindi lang sila ang nag-pakita sa panaginip ko. Pati yung lalaking kababata ko, si Matthew"
"Matthew?", sabi ni Luke sabay tingin sa akin ng seryoso. Para siyang nagulat sa sinabi ko. Kilala niya kaya si Matthew? "Kilala mo ba siya Luke?"
"Hindi. Hindi ko siya kilala", sabay bukas ng pintuan para lumabas. Sumunod naman sa kanya sina Axel at Crade. Alam kong nag-sisinungaling sa akin si Luke. Kitang-kita ko sa kanyang mata na kilala niya si Matthew. Aalamin ko ito mag-isa.
"By the way, walang pasok ngayon. May meeting lahat ng teachers at kami. Kasama ang TDP"
"Ganon ba Kyle..."
"Tara na Claire, sa dorm ka nalang mag-pahinga"
Inalalayan ako ni kuya at Kyle na tumayo.
Lumabas na kami ng clinic. Hindi ko inaasahan na makikita namin dito si Em na nag-lalakad kasama si Simon at Tyler. Kahit na may nagawang kasalanan sa akin si Em, hindi ko parin magawang magalit sa kanya. Naiinis lang ako sa kanya kung bakit niya iyon nagawa sa akin.
Nagkatinginan lang kaming dalawa. Hindi ko alam kung bakit ko siya ningitian. Hindi niya ako pinansin at nag-patuloy lang siyang mag-lakad. Galit kaya siya sa akin? O dinidemonyo na naman nina Tyler ang pag-iisip ni Em? Napaka sama nila. Wala silang ginawa kundi lasunin ang utak ni Em.
Maya-maya, hinawakan ni kuya ang balikat ko.
"Sa ngayon Claire, mag kunwari ka na hindi mo siya kilala. Ok ba yon?"
"Oo kuya". Tama ba ang desisyon ko? Pero hindi madaling kalimutan si Em. Lalo na't marami kaming pinagsamahan noon pa. Hindi ko magagawa ito ng madalian. Mahihirapan akong Kalimutan si Em. Bakit ba kasi nangyayari ito sa amin?
Hinatid ako ni kuya sa dorm bago sila umalis ni Kyle papunta sa meeting. Natulog muna ako saglit. Pag-gising ko, naligo ako agad at nag-ayos ng sarili. May balak kasi akong pumunta sa library at mag-basa ng libro.
Lumabas ako ng dorm. Aakyat palang sana ako ng hagdanan ng makita ko sina Axel at Kyle na pababa ng hagdanan kaya nag-hanap ako na pwedeng pagtaguan. Dali-dali akong tumakbo. May nakita akong pinto. Agad akong nag-tago doon at pinakinggan kung dadaan sila dito.
"Balita ko Axel, may dalawang tao daw na dumating dito. May naka kita daw na kinausap nila si sir Ian. Tinanong ko naman si sir Ian, sabi niya wala siyang maalala". May bagong pumasok dito? Pero sino sila?
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK1)
Gizem / Gerilim[BOOK1] : Devihell School (Everyone has a secret) Claire Clemente, was a transferee student in her new school name Devihell School. Isang simpleng babae na walang pinoproblema maliban sa kanyang pag-aaral. Isa lang ang pinapangarap ni...