CHAPTER 27

1.7K 66 0
                                    

"HAHAHA!"

Naka rinig ako ng mga nakakatakot na tawa kaya agad akong nagising. Gabi na ba ngayon?

"Ahh!"

Agad akong napa hawak sa ulo ko dahil biglang sumakit. Tinignan ko ang kamay ko. May nakita akong dugo. "A-ano ito?"

Hinawakan ko ulit ang ulo ko at tinignan ko ulit ang aking kamay.

"T-totoong ddugo? P-pero.."

Naalala ko yung nangyari kanina. May humampas pala na matigas na bagay sa ulo ko. Sino siya at bakit niya iyon ginawa?

Napansin ko ang itsura ng paligid. T-teka, nasa labas na naman ba ako? Papaano? Bakit?

"HAHAHA!"

"Sino ka!?"

May nakita akong taong naka tayo sa itaas ng school. Naka suot siya na itim na damit at may pulang maskara. Nangyari na ba ito sa akin?

"Hindi ito totoo! Panaginip lang ito!"

Pero bakit? Bakit iba ang nararamdaman ko ngayon? Nakakaramdam ako ng takot at kaba. At ang dugo sa ulo ko, parang totoo. Hindi kaya totoo talaga ito? Hindi ito panaginip?

"I'll give you 5 seconds to run"

Ang boses niya, sobrang lalim.

"One, two, three"

Anong gagawin ko? Naguguluhan ako! Tatakbo ba ako o haharapin ko siya? Kapag tumakbo ako, mangyayari ang napaginipan ko. Kapag hinarap ko siya, iba ang pwedeng mangyari.

"Four"

"And five. HAHAHA!"

Bigla siyang tumalon at tumakbo papalapit sa akin. Dahil sa sobrang takot ko kumaripas ako ng takbo. Naririnig ko parin ang mademonyo niyang tawa. Paano na? Totoo ang nangyayari ngayon. Hindi ito panaginip. Ano ng gagawin ko? Tatakbo nalang ba ako dito?

"Yung libro"

Narinig ko ang boses ni kuya Neon. Yung libro? Anong ibig niyang sabihin?

"HAHAHA MALAPIT NA AKO!"

Libro? Yung libro sa puno!

"Ahh!"

Nadapa ako dahil sa katangahan ko. Parang pamilyar ang pangyayari na ito sa akin. Tumingin ako sa paligid. Teka, naalala ko ito.

Agad akong bumangon at hinanap kung na saan ang punong tinuro sa akin ni kuya.

"Iyon!"

Nakita ko na yung libro. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Agad kong tinanggal ang mga pesteng naka harang sa libro. "ANDYAN NA AKO~~ HAHAHA!"

Patay ano ng gagawin ko? Ang hirap tanggalin. Sumasakit na ang kamay ko.

Binuhos ko lahat ng aking lakas at sa wakas, nakuha ko narin ang libro.

"TAPOS KA NA!"

Napatingin ako sa likod ko. Pakiramdam ko mamamatay na ako. Nag-tinginan kami sa mata. Katapusan ko na ba?

"WAG!!"

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang libro....

Bakit? Bakit hanggang ngayon wala parin nagbabago? Bakit wala parin akong nakikitang dugo sa katawan ko? Bakit wala parin akong maramdaman na sakit sa katawan ko? Anong nangyayari?

Inalis ko ang libro sa mukha ko. Nabitawan ko nalang bigla ang libro.

Bakit? Bakit siya nandito? Bakit siya nasa harapan ko? Bakit siya sumusuka ng dugo at may matulis na bagay sa katawan niya?

Devihell School (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon