"At isa pa, kaninang umaga. Hindi ba mag-kasama ulit kayo ni Axel? Gusto mo rin bang malaman?"
"X-xylem! Itigil mo na yan! Ahh!"
Naguguluhan parin ako sa nangyayari. Bakit wala man lang ako kaalam-alam na nangyari yon sa akin? Dahil ba sa inalis ni Axel ang memorya ko? Papaano niya naman nagagawa ang bagay na iyon?
"Claire! Itigil mo yan Xylem! Huwag mong gawin yan!"
Nakita ko si Em. Lalapit sana siya sa akin pero pinigilan siya ni Tyler.
"Dapat niya lang malaman ang lahat. At kung gaano ka ka sama Emily"
Ka sama si Em? Anong pinagsasabi niya! Hindi ko siya maintindihan. At bakit niya kilala si Emily?
"Tumingin ka ulit sa aking mga mata"
Hindi ko sinasadya na mapatingin ulit ako sa mata ni Xylem. "Hindi huwag!". Nakaramdam ulit ako ng sakit sa ulo at maya-maya...
~Flashback ~
[Chapter 12-13]
Sunday"Sorry Kyle"
Lumabas na ako ng library. Pupunta sana ako sa dorm nang biglang nakarinig ako ng mga boses sa isang dorm.
"Sinabihan ko na kayo na huwag na huwag niyo siyang sasaktan hangga't wala pa sa atin sinasabi si boss!"
"Sinabi narin namin sayo na hindi namin alam ang ginagawa namin kay Claire! Stupid!". Tama ba ang narinig ko? Ako ba ang pinaguusapan nila? At alam ko na boses yon ni Xylem.
"Sobra-sobra na ang pagpapahirap niyo sa kanya!"
"Bakit Emily?". What! Emily? Tama ba ang narinig ko o namali lang ako ng pagkarinig?
"Ikaw rin naman ang may kasalanan kung bakit siya napunta dito tama ba ako? Ikaw ang nag-dala sa kanya dito. Nag-patulong ka pa nga sa tita mo"
"Oo, ako ang may gawa non! Ang point ko lang bakit niyo siya sinasaktan hangga't walang utos sa atin si boss!"
Tama ako. Boses ni Em yon. Bakit ngayon ko lang na realize na si Em ang nasa dorm na ito? At bakit niya kasama si Xylem?
"Wala kang pake alam Emily. Gagawin namin kung ano ang gusto namin gawin! At isa pa, alam niya na kung paano ako patayin kaya uunahan ko na siya. Dapat lang siya mamatay!". T-teka! Boses ni Tyler yon. Papatayin niya ako?
"Sa oras na pumunta dito si boss, sasabihin ko lahat ng mga pinaggagawa niyong dalawa kay Claire!"
Biglang bumukas ang pintuan. Laking gulat ni Em na nakita niya ako.
"E-em?"
"Claire!"
Kumaripas ako ng takbo. Tinawag ako ni Em pero hindi ko siya pinansin. Takbo lang ako ng takbo. Wala akong pake kung maligaw man lang ako. Ang gusto ko lang ay makalayo kay Em.
Hindi parin ako naniniwala na si Em talaga ang nasa dorm na yon. Pero nung nakita ko siya na lumabas doon, sobrang sakit. Nagpakatanga ako! Akala ko mabuting kaibigan si Em pero nagkamali ako. Ang sakit. Dapat naniwala ako kina Luke. Dapat wala akong pinagkakatiwalaan dito kahit pa kaibigan ko. Napaka tanga ko! At ngayon, nalaman ko na kasamahan nina Xylem at Tyler si Em. Nagsisisi na ako sa ginawa ko kina Luke. Shit ang tanga-tanga ko! Ang bobo ko!
"Claire?"
Nakita ko si Axel at agad ko naman siyang niyakap.
"Tama ka Axel, dapat hindi ako nagtiwala sa kaibigan ko. Napaka tanga ko! Wala man lang ako kaalam-alam na kasamahan nina Tyler ang kaibigan ko. Ang bobo ko! Ang tanga ko!"
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK1)
Mistero / Thriller[BOOK1] : Devihell School (Everyone has a secret) Claire Clemente, was a transferee student in her new school name Devihell School. Isang simpleng babae na walang pinoproblema maliban sa kanyang pag-aaral. Isa lang ang pinapangarap ni...