One

39.6K 716 27
                                    

One

Blaze...

Great

Just great...

Paulit ulit niyang sinasabi habang nasa biyahe sila ngayon papunta sa probinsya ng Nanay niya. kahit anong tutol niya natuloy pa din ang plano ng mga magulang niya na ilipat siya ng school.

Dalawang taon nalang makakagraduate na siya ng college pero nakuha pa din ng mga magulang niyang ilipat siya ng school. At naiinis siya doon, bukod kasi sa paglipat niya sa school lahat pa ng nakasanayan niya mawawala lahat sa kanya iyon.

Malaking allowance, kotse, barkada, Bar, alak, babae.

Kailangan niyang magtiis sa poder ng Tito Buboy niya para lang daw tumino na siya.

Kaya naman nakapagplano na siya na kahit limited lang ang lahat ng resources niya hindi pa din siya titigil sa nakasanayan na niya kahit pa nasa probinsya na siya.

"Anak"tawag sa kanya ng kanyang nanay.

"What po Nanay?"naiinip niyang sagot dito.

"Hey young man, don't use that tone to your mother"sermon na naman sa kanya ng tatay niya.

Marahas na napabuntong hininga naman siya sa sermon ng tatay niya, hindi pa din talaga siya tinigilan ng sermon. Wala na nga siyang ginawa sermon pa din.

"Mister"baling ng nanay nya sa tatay nila.

Nang lingunin niya ang mga kasama niya doon lang niya napansin na nakatitig pala sa kanya lahat ng kapatid niya.

"Kuya"malambing na lumapit sa kanya ang bunso nila.

"Yes baby Angel?"malambing na niyakap siya nito.

Sa tatlo niyang kapatid ito ang pinakamalapit sa kanya, kahit pa nga may kambal siya mas close pa din sa kanya ang bunso nilang kapatid nila.

"Please tell nanay and tatay that you'll stay with us please"pakiusap ng kapatid nito.

Pero bago pa man siya makasagot ang tatay na nila ang sumagot para sa kanya.

"Angel, kuya Blaze will only stay in your Tito Buboy for two years. Babalik din naman si Kuya mo kapag nakagraduate na siya or maybe kapag nagtino na ang kuya mo"paliwanag ng tatay nila sa bunso nila.

"Then kuya nagtino ka nalang please para uwi na tayo now"hindi pa kasi deretso ang pagtatagalog ng kapatid niya.

Nagtawanan naman ang iba nilang kasama sa sasakyan sa sinabi ng kapatid niya.

"Baby Angel, hindi pa nagtitino si Kuya Blaze, dapat sinabi mo magtino na siya, hindi nagtino."pagtatama naman ni Adam sa kapatid nila.

"Hmp, basta kuya Blaze please be a good boy na para kasama ka na din naming pagbalik sa Manila"nakapout na sagot ng bunso nila.

Gusto din naman niya ang sinabi ng kapatid niya, nasa manila ang buhay niya. nandoon ang bahay nila ang mga kapatid niya at mga magulang. Kaso lang parusa niya ito ang ipatapon sa probinsya para lang daw magtino siya.

Matino naman siya nag-aaral naman siyang mabuti, walang isusumbat ang mga magulang niya sa kanya pagdating sa pag-aaral kasi nag-aaral siyang mabuti, kahit minsan hindi niya pinabayaan ang pag-aaral niya kahit pa nga may mga barkada siya.

But still his parents decided to send him away just like that.

"Sir nandito na po tayo"sabi ng driver nila.

Nang lingunin niya nasa tapat na nga sila ng gate ng farm ng Tito Buboy niya.

May piggery kasi ang Tito Buboy niya sa probinsya at doon din nagstay ang Tito niya kasama ang mga baboy nito.

Love at First Fight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon