Thirty-three

12.4K 385 20
                                        


Blaze...

Flashback

"Pinalabas namin namatay talaga si Xylona, but the truth buhay siya at pinagamot naming siya sa America, she got her surgery there and she survive. Pero matagal siyang nacoma."

Mariing napapikit siya, nakuyom niya din ang kanyang mga kamao habang nakikinig siya sa mga sinasabi nito sa kanya.

Pero kahit ano pa ang sabihin nito sa kanya ngayon, isa lang ang tumatak sa isip niya.

Buhay si Xylona. Buhay ang asawa niya.

"And where's Xylona?"galit niyang tanong dito.

"She's gone"nanghihina na naman nitong sagot sa kanya.

Masisiraan na yata siya ng bait sa sinabi nito sa kanya, hindi na niya talaga malaman kung ano ba talaga ang sinasabi nito.

"Nawawala siya Blaze, someone took her while she's in coma"paliwanag nito habang hindi siya nakakasagot dito.

Doon naman siya muling napatingin sa kaharap niya ngayon na para bang sinasabi na ituloy lang nito ang sasabihin nito sa kanya.

"I told you Blaze, naoperahan si Xylona kaya nacoma siya for so many years now. Hindi naman alam kung gising na ba siya o ano. Kaya hindi naman alam kung nasaan siya, someone took her in the hospital kung saan siya nakaconfine. matagal na namin siyang hinahanap, and there's a lead na nandito siya sa pilipinas"paliwanag nito.

"Sino? Sinong pwedeng kumuha sa kanya?"

"We really don't know, malinis ang pagkakalabas sa kanya. the nurse who caught on CCTV found dead kaya nawala na kami ng lead that year. Ang pag-asa namin ang isa-isahin ang mga hospital malapit sa hospital kung saan nakaconfine dati si Xylona but there's no traces of her. Then some told us na nailabas na siya ng bansa kaya sa mga karatig bansa na kami nagtanong kung nandoon siya."

"Then ano ang lead niyo ngayon"hindi niya mahintay na tanong dito.

"We lost her again"nanghihina nitong sagot.

"How long she's been missing?"

"Five years na"mahinang sagot nito.

"Five years at wala pa ding nangyayari!"halos pasigaw na niyang sagot.

Napatingin na naman sa kanila ang mga tao doon habang nagsasalita siya pero wala siyang pakialam doon.

"Ate Mara, limang taon pero hanggang ngayon hindi niyo pa din nakikita si Xylona!"dagdag pa niya.

Tanging iling lang ang naging sagot nito sa kanya sabay yuko nito. alam niya sumosobra na siya sa pagsasalita dito ng mataas na boses. Mas matanda pa din naman ito sa kanya, kaya dapat igalang pa din niya ito.

"I'm sorry"hingi niya ng paumanhin dito.

Natahimik silang dalawa, siya pinapakalma niya ang galit na nararamdaman niya.

"I'll be incharge now... ako na ang maghahanap sa asawa ko from now on"aniya makalipas ang ilang minutong pananahimik.

"But I saw you yesterday"

Bigla niyang naalala si Zamara sa sinabi nito sa kanya. Bigla siyang kinutuban sa naisip niya.

"She's Zamara my secretary...and"hindi niya masabi dito ang naiisip niya dahil hindi naman siya sigurado.

Love at First Fight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon