Two

24.3K 523 2
                                    

Two

Blaze...

Nagsimula ang klase, hindi naman mahirap na nagtransfer siya kasi nacredit naman ang halos lahat ng subject niya kaya naman wala siyang masyadong hahabulin na subject sab ago niyang eskwelahan.

Kaya third year college na din siya ng pagpasok niya gaya ng dapat niyang taon sa Manila.

"Uy buddy wala kang klase?"tanong sa kanya ni Josh.

Nasa university canteen sila ngayon, hindi naman kasi niya ka kolehiyo ang mga kaibigan niya. si Josh at Ralph education ang kinukuhang kurso, si Jeff naman ay biology at si Lorenz naman ay engineering kaya hindi niya kaklase ang mga ito.

"Wala"sagot naman niya.

"Gusto mong magtry out mamayang hapon sa basketball team. Sigurado ako pasok ka na agad mamaya"aya pa sa kanya nito.

Plano naman niya sinasabi nito, hindi lang niya alam kung kailan ang try out kaya naman ngayon na alam na niya sasama siya sa mga kaibigan niya.

"Kayo ba magtry out din?"tanong niya kay Josh.

"Hindi na, member na kaming apat, sasamahan ka nalang namin. Itetext ko sila Jeff para pupunta kami doon mamaya"sagot nito.

Dumaan ang buong maghapon na klase niya na panay lecture at discussion lang ang ginawa niya kaya naman ng dumating ang oras ng uwian agad siyang nagtungo sa gym kung saan ang try out. Wala siyang dalang gamit kasi hindi naman niya alam na ngayon ang try out para sa basketvall player ng varsity kaya naman tatanungin niya kung pwede pa bukas para doon nalang siya mag try out.

"Blaze dito"tawag sa kanya ni Jeff ng makapasok siya sa gym.

Agad naman niyang nilapitan ang mga kaibigan niya, may mga kasama din ang mga ito na mukhang gaya ng mga ito player nan g basketball doon.

"Blaze ito si sir Morales, ang coach natin"pakilala ni Josh sa coach ng basketball.

"Coach siya ang sinasabi namin sayo kanina pa"pagyayabang naman ni Jeff sa coach nito.

Tiningnan naman siya nito mula ulo hanggang paa, bago ito tumango-tango at namulsa.

"Sige pasok ka na, start na ng training niyo bukas kaya palagi ka ng magdadala ng extra mong damit panglaro."sabi pa ng coach ng mga ito.

Nagsipagsigawan pa ang mga kaibigan niya, hindi naman halatang tuwang tuwa ang mga ito may kasama pang patalon talon kasi ang pagsigaw ng mga ito.

"Ang galing hindi man lang ba ako magpapakitang gilas?"takang tanong naman niya sa mga kaibigan niya ng iwanan na sila ng coach nila.

"Alam ni coach ang laro mo, gaya namin nanunood din ng UAAP si coach"bida na naman ni Jeff.

Hindi na siya kumontra pa sa mga kaibigan niya, tutal isa naman iyon sa mga gusto niya ang maglaro ng basketball.

..............

Mabilis lang lumipas ang araw, naging member na nga siya ng varsity. Noong una sinubukan pa din siya ng coach nila. Kaya naman naging official lang siyang member ng matapos ang intrams ng school nila ng magchampion ang team nila ng dahil daw sa kanya.

Hindi naman totoo iyon kasi magaling din naman ang mga kasama niya sa team niya sa college nila kaya sila nanalo noong intrams nila.

"Hoy Jeff, wala pa ba ang mga kasama natin?"naiinip niyang tanong sa kaibigan.

May training sila ngayon, pinaghahandaan kasi nila ang darating na Athletic Meet. Pero halos kalahating oras na sila doon sa court wala pa ang iba nilang mga kasama.

Love at First Fight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon