Zamara...
Malakipas ang ilang minutong pag-iyak, mahigpit na yakap kumalma din sa wakas si Blaze. Tumigil lang din ito ng katukin sila ng kakambal nito sa kwarto at sinabing maghahapunan na. ganoon na sila katagal sa loob na hindi man lang nila namalayan na gabi na pala.
Nang makapag-ayos na si Blaze bumaba na sila para sumabay na sa hapunan sa pamilya nito. kompleto pa ang buong mag-anak kaya naman balik siya sa pagkailang sa mga ito ngayon. Dahil nandito na din ang tatay ng mga ito at seryosong nakatitig na sa anak nitong panganay.
"Blaze, did you cry?"hindi napigilan na tanong ng ama ng tahanan.
Tumikhim si Blaze bago ito tumango lang bilang sagot. Narinig niyang napasihap ang mga kababaihan sa tabi nila.
Napayuko naman siya sa hiya, baka isipin ng mga ito na siya ang dahilan ng pag-iyak ng binata which is siya nga. Sila lang naman ang magkasama sa kwarto nito kanina, siya ang kayakap nito kanina bago ito umiyak.
"Ngayon ka nalang umiyak, excuse me Zamara ha, but the last time I saw my son cry is when his mourning for his lost wife"pasintabi ng ama nito.
"Tatay"tanging nasabi ni Blaze.
"Sorry, hindi lang ako sanay na nakikita kang umiiyak"sagot naman ng ama nito.
Natahimik ang buong hapag kainan, walang kahit ni isa sa kanila ang gustong magsalita man lang.
"We'll be going"paalam naman ni Blaze after ng super tahimik na hapunan nila.
Tumayo na ito at hinila na siya nito paalis sa kumedor at naglakad na sila patungo sa sasakyan nito.
Hindi naman sila pinigilan ng pamilya ni Blaze, mukhang sanay na ang mga ito sa binata sa ganitong ugali. Nilingon niya ang mga ito at siya na ang humingi ng paumanhin sa mga ito.
"Bakit naman bigla kang nag-ayang umuwi ha?"takang tanong niya sa binata ng nasa sasakyan na sila.
Hinawakan nito ang kamay niya at dinala sa mga labi nito para halikan. After noon nginitian lang siya nito ng matamis bago muling ituon ang atensyon sa harapan.
Hanggang sa makarating sila sa apartment nila hindi na siya kinibo pa ni Blaze kaya naman hindi na din siya kumibo pa.
Pero nagulat nalang siya ng may pagmamadali na ang bawat kilos ni Blaze nang makababa na ito sa sasakyan. Gulat din siya ng ipagbukas siya nito ng sasakyan at kinarga na parang bago silang kasal na dalawa.
"Ano ba Blaze, ibaba mo nga ako"angal niya dito.
Nginitian lang siya nito.
"Irog ko door"nguso nito sa pintuan nila.
Tinaasan naman niya ito ng kilay bilang sagot na may kasama pang irap. Kakaiba talaga ang kinikilos nito ngayon, after niyang makitang umiyak ito.
"Ibaba mo kaya ako para mabuksan ang pinto"pagtataray niya.
Iling lang ang sagot nito sa kanya kaya naman wala na siyang nagawa, kahit hirap na siya sa pagbubukas ng pinto nagawa pa din naman niyang buksan ito kahit pa buhat buhat siya ni Blaze.
Napatili pa siya sa halos patakbo na si Blaze na pumasok sa loob ng apartment tuloy sa loob ng kawarto niya.
"Blaze!"hindik niyang tawag dito ng pabagsak siyang ibinaba nito sa kama.
"I'm mad at you...you know that"anito sa madilim at mabalasik na tono.
Kinilabutan naman siya ng makita niyang unti-unting naghuhubad sa harapan niya ang binata.