Thirty-five

14.5K 371 7
                                        

Xylona...(Balik ko na alam ko naman namiss niyo siya)

"You change, but still alam ko ikaw pa din ang kapatid ko"kanina pa paulit ulit na sabi nito sa kanya.

Hanggang ngayon hindi pa din siya makapaniwala sa nangyayari. Na ang kaharap niya ay kapatid niya at siya si Xylona.

"She need that to escape to that Bastard named Mark"galit na singit naman ni Blaze sa usapan.

Napalingon naman ang ate niya sa binata.

"Mark?"tanong pa nito.

Muli siyang nilingon ng Ate niya.

"Si Mark ang kumuha sayo"gulat naman na tugon nito.

"Kung ang Mark na sinasabi mo ay si Mark Herera well siya ang kilala kong nakasama ng matagal. Sya din ang namulatan ko ng magising ako A-ate"alanganin niyang sagot.

"Damn that guy!"sigaw naman ng ate niya.

Tumayo ito at lumapit sa lamesa nito at may tinawagan. Galit nag alit ito habang nakikipag-usap. Ilang sandali pa may humahangos naman na lalaki ang pumasok sa loob at agad na niyakap ang kapatid niya. pero laking gulat nila ng itulak ito ng ate niya palayo dito.

"Damn it Kurt, all this time your brother is hiding my sister to us"pagwawala naman ng ate niya.

Lumapit na sa kanya si Blaze at inakbayan siya nito hinapit pa siya nito palapit dito na para bang natatakot itong baka mawala na naman siya sa tabi nito.

"Love, let me explain first okay"mahinahon naman na sagot ng lalaki.

"Explain?! Na alin na kinunsinti niyo ang kabaliwan ng hayop mong kapatid"sigaw na naman ng kapatid.

Naguguluhan naman siyang nakikinig sa dalawa, wala kasi siyang maintindihan hanggang sa humarap sa kanya ang lalaking bagong dating.

Napasinghap siya ng makilala ang mukha nito.

"Mark?"gulat niyang tawag dito.

"No, I'm not Mark Xylona. I'm Kurt your sister's husband and Mark twin brother"pakilala nito sa kanya.

Lalo naman siyang nagulat sa nalaman niya. sa loob ng ilang taon nilang magkasama ni Mark wala siyang nalaman tungkol sa pamilya nito. panay lang ang kwento nito sa pamilyang meron siya pero hindi ang pamilya mismo ng lalaki. kaya naman sobra siyang nagulat ng malaman niyang may kakambal pala ang binata.

Napalingon naman siya kay Blaze sa tabi niya ng humigpit bigla ang pagkakayapos nito sa kanya. nagkatitigan sila ni Blaze, kita niya ang galit sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya.

"I'm sorry for what my brother did to you. wala kaming alam sa mga pinaggagagawa niya lately. Believe me Love, hindi totoo na kinunsinti namin ang kapatid ko"pagmamakaawa nito sa kapatid naman niya.

"Kaya pala kahit anong hanap naming mag-anak sa kapatid ko hindi namin makita si Xylona iyon naman pala nasa baliw mo lang palang kapatid."asik na naman ng ate niya.

"We just know na nasa Australia siya five years ago at nagpatayo doon ng maliit na clinic. But we didn't know na nasa kanya si Xylona. Were all busy looking for your sister Love you know that. Hindi ko priority ang kambal ko that's why malaya niyang nagawa ang gusto niya. alam mo naman na ikaw lang ang priority kayo ng mga bata"paliwanag na naman nito sa ate niya.

Nang hihina naman na naupo sa tabi niya ang kapatid.

"We must do something about that guy"sabad naman ni Blaze sa usapan ng dalawa.

Love at First Fight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon