Thirty-Six

14K 361 8
                                    


Blaze...

MAAGA siyang nagising, after ng halos magdamag nilang pagsisiping ni Xylona kahit pagod nagawa pa din niyang gumising ng maaga. Hindi pa din kasi siya makapaniwala na kasama na talaga niya ngayon si Xylona ang asawa niya. hindi bilang si Zamara kundi si Xylona na asawa niya.

Ang sarap ulit-ulit na asawa niya si Xylona.

Sampong taon niyang hindi nakita, nahawakan, nayakap at nahalikan si Xylona.

"I fell in love to you again, talagang ikaw lang wala ng iba. Kahit na Zamara ang alam kong pagkatao mo nagkapuwang ka pa din sa puso ko. Kasi alam ng puso ko kung sino ang nagmamay-ari sa kanya. at iyon ay ikaw lang Xy. Mahal na mahal kita ikaw lang wala ng iba pa"bigla niyang nabulong dito.

Nakita niyang kumilos ito akala niya talaga magigising ito iyon pala bumaling lang sa kanya paharap at niyakap at dinantayan siya nito.

Natawa naman siya sa pagiging inosente nito ngayon habang natutulog. Nang sa tingin niya malalim na naman ang tulog ng asawa tumayo na siya para maghanda para sa umaga ito.

Marami siyang plano para sa araw na ito.

At ang una ay ang ayusin ang tunay na pagkatao ng pinakamamahal niyang si Xylona. Ika-klaro na niya ngayon kung sino ba talaga si Zamara.

Uunahin niyang pumunta sa ospital kung saan nagta-trabaho ang kapatid nito. Doon niya sisimulan ang lahat ng plano niya.

Dumaan ang araw na pinakahihintay niya, nagkalinawan na ang lahat sa tunay na pagkatao ni Zamara.

Na si Zamara at Xylona ay iisa, madami mang pinagkaiba iisang tao pa din silang dalawa. nabago lang ng pagkakataon ang lahat pero ngayon isa-isa na nilang aayusin ang lahat.

Babawiin na niya ang nawala sa kanya sampong taon na ang nakalipas.

Nalaman na din nila kung sino ang kumuha at nagtago kay Xylona ng mahigit limang taon. Edi sana kung hindi nawala si Xylona baka nakabalik na din ito sa kanya five years ago pa.

Nakapagplano na din siya kung ano ang gagawin niya sa Mark na nagtago kay Xylona, pero bago iyon gusto muna niyang irestore lahat ng nawala kay Xylona na alaala. Hindi man niya maibalik lahat at least malaman nito ang lahat kung paano sila nagsimulang dalawa.

Kinausap na niya lahat ng kailangan niyang tao para sa plano niya.

Kasama na doon ang mga kaibigan nilang siyang naging daan nila noon ni Xylona para magkasama silang dalawa.

Alam niya palasak na ito at nagamit na nga sa isang pelikula ang gagawin niya pero ito lang ang naiisip niyang pwede niyang gawin para sa kanila ni Xylona.

"Handa na ba ang lahat?"tanong niya sa mga kaibigan niya ng dumating sila ni Xylona sa university kung saan sila nag-aral na dalawa.

"Oo naman kami pa ba"mayabang na sagot naman ni Ralph.

Wala pa ding ipinagbago ang mga kaibigan niya ganoon pa din kahit sampong taon na ang lumipas.

Napag-usapan pa nila ang mga gagawin pa nila para sa planong gagawin nila para bukas. Napalingon siya sa likod niyang biglang ngumuso si Jeff sa kanyang bandang likuran.

Papalapit na pala sa kanila sila Xylona, Shiela at Trishia.

Alam niyang nabigla ang dalaga sa biglang paglapit ng mga dati nitong kaibigan. Pero kailangan naman nilang gawin iyon para unti-unti makilala ni Xylona ang sarili na nakalimutan nito dahil sa sakit nito noon.

"Xylona"simula ni Jeff.

"I'm Jeff, pinsan mo"pakilala nito.

Pinagmamasdan lang niya ang asawa niya habang isa-isang nagpapakilala ang mga kasama nila ngayon dito.

Love at First Fight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon