Blaze...
PARANG may humihila sa kanyang umuwi na kahit na kakarating lang naman niya sa university.
"Mr. Monteverde are you listening?"tanong sa kanya ng dean nila.
Napatikhim naman siya ng makuha nito ang atensyon niya. to be honest hindi siya nakikinig, wala nga siyang matandaan na kahit na ano sa mga sinabi nito sa kanya.
"I'm sorry sir, but what did you say? Medyo occupied po ang isip ko this past days"pag-amin niya dito.
Napabuntong hininga naman ito habang umiiling sa kanya. mukhang hindi nagustuhan ng dean nila ang naging sagot niya.
"You better finish your narrative report this week para masama ka sa list ng ga-graduate"iyon lang ang sinabi nito sa kanya bago siya pinalabas ng office nito.
Makikipagkita pa sana siya sa advisor niya para sa narrative niya kaso naisip niyang umuwi nalang para makita kung anong kalagayan ni Xylona. Wala na siyang pakialam kung hindi siya makatapos ngayon. Si Xylona din naman kasi mukhang uulit din next sem, sabay nalang sila. Mas importante sa kanya ngayon na maalagaan ang asawa niya.
"Oy! Blaze buddy.."tawag sa ni Jeff.
Hindi na sana niya papansin ito dahil nagmamadali siya ng habulin siya nito.
"Nakita mo ba si Xylona?"hinihingal na tanong nito sa kanya.
"She's with me bakit ba?"takang tanong naman niya dito.
Bigla din niyang naisip nab aka tungkol sa OJT nito ang dahilan kung bakit ito hinahanap ng pinsan nito.
"Nagdrop kasi siya ngayon sem"nag-aalalang turan nito.
"What do you mean nagdrop?"kunot noo na tanong niya dito.
Ang alam lang niya hindi na ito nakakapasok nitong nakaraang linggo dahil na din sa may sakit ito. hindi naman nabanggit sa kanya ni Xylona na nagdrop ito.
"Nagdrop siya sa lahat ng subjects niya Blaze, ngayon ko lang nalaman ng makita ko ang list ng mga ga-graduate"paliwanag nito.
"Ahh, baka kasi hindi na siya nakakapasok last week may sakit kasi siya."
"No, Blaze, nagdrop siya sa lahat before magstart ang OJT namin"pagtatama naman ni Jeff sa sinabi niya.
Lalo naman siyang napakunot noo sa sinabi nito.
Mas gusto na niyang umuwi at makausap si Xylona para malinaw ang sinasabi ng pinsan nito sa kanya ngayon.
"I have to go, kakausapin ko si Xy bakit siya nagdrop"paalam niya dito na hindi na niya hinintay pa ang sagot nito.
Nagmamadali ang bawat hakbang niya, napapamura pa siya kasi kailangan niyang magcommute ngayon dahil nasa Manila ang sasakyan niya dahil nakaHelicopter siyang umuwi ng probinsya noon. Hindi tuloy niya mamadali ang pag-uwi sa bahay nilang mag-asawa.
Pagdating niya sa bahay nila nag-aalalang pumasok siya sa loob ng makitang nakabukas ang bahay nila.
"Blaze hijo"salubong sa kanya ng landlady nila.
"Ate Susan, bakit po?"nag-aalala niyang tanong sa matanda.
Doble ang kaba niya ng makitang wala doon ang asawa niya.
"Si Xylona kasi isinugod sa ospital"nag-aalalang turan nito sa kanya.
Hindi na siya nakapagsalita pa, agad siyang tumakbo palabas ng bahay nila. Dalawa lang naman ang pwedeng pagdalhan kay Xylona na ospital kaya mabilis lang niyang mahahanap ang asawa niya.
