Twenty

13.1K 362 7
                                        

Blaze...

"Buddy, okay na lahat"masayang turan ni Jeff.

Nakiusap kasi siya sa mga kaibigan niya na tulungan siya sa gagawin niya para sa araw na ito.

This day he will propose marriage to Xylona.

Simula kasi ng araw na nagtalo sila, narealize niya hindi na niya kayang maghintay pa. pwede naman siguro nilang sabihin sa mga magulang nila na sobrang mahal lang nila ang isa't isa kaya hindi na nila patatagalin pa.

Sa side naman niya aamin siya sa mga magulang niya ng totoong nararamdaman niya para kay Xylona kaya mapapaaga ang kasal nila.

"Sigurado ka na ba?"tanong sa kanya ni Jeff.

"I've never been this serious Jeff, sobrang mahal na mahal ko si Xylona. Hindi ko na kayang mawala pa siya sakin, natry ko palang ang away na iniwasan ako ni Xy, hindi ko na kinaya."

Tinapik naman siya nito sa balikat, sabay ngiti sa kanya bago siya iniwanan nito.

Kinakabahan naman siyang bigla alam niya papunta na doon ngayon si Xylona.

Nirentahan niya ang buong restaurant kung saan siya nagta-trabaho para sa gagawin niya.

Simple lang naman ang gagawin niya hindi na siya nagpabongga pa dahil una sa lahat kilala na niya si Xylona na ayaw ng masyadong magarbo.

"Oh my God!"reaction ni Xy.

Nang lingunin niya ito nakatulala lang itong nakatitig sa kanya. nilapitan na niya ito dahil hindi na ito nakagalaw pa sa entrance ng restaurant.

Pero doon palang lumuhod na siya sa harapan nito. hindi na niya kayang patagalin pa.

"Xy, I'm sorry kung naging makitid ang isip ko"simula niya.

Napapailing ito, pero alam niyang naspeechless lang ito.

"Noong una, alam mo na ayaw ko pa sana. But realizing what will happen kung bigla ka nalang nafall out of love sakin sa kakatanggi ko sa gusto mo makes me decide. I know bata pa tayo, madami pa tayong pwedeng pagdaan pero kahit ganon I'm dead serious---"

"Yes I will marry you Blaze"putol nito sa sasabihin pa niya.

Kinuha nito sa kamay niya ang box kung nasaan ang singsing na ibibigay niya ito.

"Suot mo na Blaze"naiiyak na utos sa kanya ni Xylona.

Napapailing na napatayo siya sa pagkakaluhod niya at sinunod ang utos nito sa kanya. nang maisuot na niya ang singsing dito niyakap naman siya nito ng sobrang higpit.

"I love you Blaze"bulong pa nito.

"I love you too Xy, nakakahiya epic fail ang wedding proposal ko"bulong niya dito, ginantihan na din niya ito ng yakap.

"Okay lang, you already made me happy from the start. You always exert effort for me, kaya this time ako naman"

Muli siya nitong niyakap ng mahigpit.

"I love you so much Blaze, so much na kahit ano gagawin ko para maramdaman mong sobra kitang mahal"bulong nito sa kanya.

Tinugon naman niya ito ng isang nagbabagang halik na agad naman niting tinugon.

They just eat their dinner, sayaw ng kaunti at kwentuhan bago sila nagpasyang umuwi na. sobra-sobra ang saya nila ngayong gabi.

"WHAT no!"kanina pa sila nagtatalo ni Xylona.

Buong akala niya after niyang magpropse dito hindi na sila magtatalo pa kahit kailan. Well its just a bluff after all, hindi naman mawawala sa isang relasyon ang magtalo.

Love at First Fight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon