Sixteen

12.4K 351 7
                                        

BLAZE...

"ARE you sure about this?"nakataas ang kilay ng dalagang kausap niya ngayon.

Nasa oval sila ngayon ng mga kaibigan niya habang si Xylona ay nakapila para sa pagbabayad na nito ng enrollment fee o tuition fee nito. siya naman ay busy'ng busy sa pagbebenta ng items na nakuha ni Xylona sa online.

"Yes miss"tinaas-taasan pa niya ito ng kilay.

"Okay, I'll get two...but I want two kiss from those guys"maarteng tinuro nito ang dalawang kaibigan niya.

Si Jeff at si Josh.

"Ay! Pusang gala ka talaga Monteverde kapag ako napingot ng baby ko humanda ka talaga sakin"reklamo ni Josh sa kanya.

Si Jeff naman game na game lang, kasi naman wala naman itong lovelife.

"Fvck, si Jeff nalang kasi buddy! Siya walang lovelife"dagdag na reklamo ni Josh ng matapos itong halikan ng babae.

Pero mukhang nagustuhan naman ang halik kasi hindi naman mukhang galit, mukhang nabitin pa nga.

"Anong wala!"react naman ni Jeff.

"Bakit kayo na ba ng bastfriend ng pinsan mo?"nanghahamon naman na tanong ni Ralph kay Jeff.

"Putik, malapit na maghintay lang kasi kayo"reklamo naman ni Jeff.

Nagtawanan naman silang lahat na nandoon at nakakarinig ng mga bangayan ng mga kaibigan niya.

"Magkano?"maarteng tanong ng isang babae sa tinda nila.

"50 kung walang kiss, 100 kung may kiss"sagot niya na nakakindat pa.

Kailangan niyang gamitan ng maraming charm ang pagbebenta niya kasi kailangan niyang maubos ito para may pangbayad sila ni Xylona sa nahiram nilang pera.

Nakita niyang napataas ang kilay ng babae habang sinusuri ang bra na hawak nito.

"Mukha namang hindi tatagal ang isang ito"bulong pa nito na narinig naman niya.

Napataas na din ang kilay niya sa sinabi nito. gustuhin man niyang magsungit sa babaeng kaharap hindi niya magawa kasi costumer ito.

Bigla naman siyang nakaisip ng banat na pwede niyang gamitin sa babaeng mukhang mang-ookray lang naman.

"May boyfriend ka na miss?"tanong niya dito.

Nakita niyang nagulat ito at namula ang mukha nito.

"Meron"halos labas sa ilong na sagot nito.

Napangisi naman siya sa naging reaksyon nito sa kanyang tinanong.

"Oh, tamang-tamang lang ang bra na ito. you're boyfriend might be rough on you kapag nakita niya itong bra na ito. baka nga pasalamatan pa ako ng boyfriend mo kapag binili mo ang isang bra namin"paliwanag niya.

Muli na namang tumikyas ang kilay nito habang nakatitig sa kanyang mukha na halatang hindi nito naintindihan ang biro niya. pero bago naman niya iyon kasi sinabi sa babae tinantya lang din naman niya ang itsura ng babaeng ito.

Mukha naman itong isang babaeng madaling isama sa biglang liko.

Nilapitan niya ito at bumulong siya dito para naman hindi pa din ito mapahiya.

"Your boyfriend will say thank you kasi isang hiklat lang niya dito swabe na ang kasunod, you know what I mean"bulong niya dito.

Namula ito ng husto sa bulong niya dito, hindi niya alam kung naiinis ito sa kanya o ano. Kumuha naman ito ng isa na hindi na nga nito tinignan kung ano ang hinawakan nito sabay abot sa kanya ng fifty pesos at nagwalk out.

Love at First Fight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon