Xylona...
Lets have a date tonight.
Iyan ang na-receive niyang text message galing kay Blaze. Napataas nalang ang kilay niya at hindi niya iyon pinansin.
Nagsisisi na siya at pinatulan pa niya ang kakulitan ng lalaking iyon. Simula ng makilala niya ito palagi na itong nakadikit sa kanya, laging nakabuntot sa kanya. Okay lang naman ang paa niya hindi naman niya ito sinisisi sa pagkatapilok niya noon.
"Xy, practice tayo mamaya?"tanong sa kanya ni Trisha.
Pinag-isipan pa niya ang isasagot niya dito.
"Hindi na muna may pupuntahan ako ngayon. Bukas nalang"aniya dito.
Buong maghapon na inisip niya magiging date nila ni Blaze. Naalala kasi niya ang sinabi nito sa kanya noon na kapag nagustuhan niya ang magiging date nila liligawan siya nito.
Hindi naman sa ayaw niyang magpaligaw, ang sa kanya lang hindi pa siya handa sa mga ligaw ligaw na iyan.
"XYLONA!!!"tawag ni Blaze sa kanya.
Naipaikot niya pataas ang mata niya sa sobrang lakas ng tawag sa kanya ng lalaki. simula din kasi ng malaman nito ang pangalan niya panay ang tawag sa kanya nito. ang siste pa ang lakas lakas ng pagtawag nito sa kanya, nakakaeskandalo na.
"Pwede ba Blaze wag mong isigaw ang pangalan ko"naiinis niya sita dito.
Ngumisi lang naman ito at napakamot sa batok nito habang nakatitig sa kanya.
Eh! Bakit ang cute niyang tingnan?
"Ano tara na?"aya nito sa kanya.
Napatingin naman siya sa relo niya, alas singko pa lang ng hapon nag-aaya na ito ng date.
"I know, maaga pa may pupuntahan pa tayo bago tayo tumuloy sa date natin"anito kahit naman na hindi siya nagtatanong dito.
Naiiling nalang na sumunod siya dito, napataas ang kilay niya ng makita ang sasakyan na patutunguhan nito.
"Kaninong sasakyan ito?"tanong niya ng ipinagbukas siya nito ng pinto ng sasakyan.
Nakakapagduda lang dahil sobrang ganda ng sasakyan nito. halos lahat nga ng mga estudyanteng napapadaan sa kanila nakikita niyang napapasecond look ang mga ito sa sasakyan na dala ni Blaze.
"Sa kambal ko"sagot nito ng makasakay na siya.
Umikot naman ito at siyang tumapat na sa driver's side, nakangiti ito habang sumasakay sa sasakyan.
"Yayamanin ka pala"saad niya ng makasakay na ito ng tuluyan.
"Ha?"nilingon naman siya nito habang ini-start ang nito ang sasakyan.
"Sabi ko mukhang mayaman ka."pag-uulit pa niya sa sinabi niya.
"Nah, hindi ako mayaman. Si Tatay siguro mayaman pero ako hindi ako mayaman"sagot nito habang nagmamaneobra.
"Hoy, sinong niloko mo. Itong sasakyan mo pangmayaman lang ito wala ngang ganito dito samin ito lang."sagot niya.
"Ahh, ito ba it's a gift from our Nanay. Noong grumaduate kasi ako ng high school I'm the valedictorian kaya niregaluhan ako ni nanay ng sasakyan. I choice my dream car, pero dahil may twinny thingy kung ano ang niregalo sakin iyon din ang binigay sa kakambal ko. Ganon si Nanay noon pa laging partner ang mga binibili samin ni Blaire"natatawang kwento nito habang nasa biyahe sila.
Sa pagkakawento nito mukhang nanggaling sa isang masayang pamilya ang binata.
"Anong nangyari bakit di mo gamit ang sasakyan mo? Bakit nandito ka samin ngayon?"hindi niya naiwasang itanong dito.